It was Alexander Del Tierro Graduation Day sa Military School. Ganap na s'yang sundalo at lubos ang kanyang kaligayahan dahil sa wakas ay natupad na rin ang kanyang pangako sa nakakabatang kapatid na si Jaime Jr . Mas lalo s'yang nagalak ng makita n'ya ang kanyang pamilya na nakangiti sakanya, ang kanyang Mommy Alondra, Daddy Joaquin at ang kanyang mga nakababatang kapatid, si Alex, Xandra at si Jaime Jr. na alam n'yang proud na proud sakanya. Wala na sana s'yang mahihiling pa dahil nagtapos s'ya ng Cum Laude. Hindi n'ya napansin ang kanyang lolo sa mga taong naroon kaya bahagya s'yang nalungkot, si General Sebastiano ang Vice Chief of Staff ng Palasyo. Napansin ni Gabriel na bahagyang sumimangot si Alexander kaya agad n'ya itong tinapik na nangangahulugang"Okay lang 'yan." Napabuntong hininga na lamang si Alexander sabay bulong
" Para sa'yo rin to Lo, at nalulungkot akong hindi ka nakapunta ngayon".
At the Backstage..
Hinihintay ni Alexander na dumating ang kanyang pamilya , habang naghihintay binati na muna n'ya ang kanyang mga naging matalik na kaibigan habang nag-aaral pa siya sa Military" Congrats Lieutenant Gabriel Marcelo at Lieutenant Berto Matias " sabi ni Alexander
"Congrats din Lieunant" ganting bati ng dalawa. Nakita na ni Berto ang kanyang mga magulang kung kaya't nagpaalam na ito sa dalawa, kasabay nito ay ang pag lapit ni General Marcelo.
Binati ni General Marcelo si Alexander saka ang kanyang apo na si Gabriel Marcelo.
"Tignan mona gagraduate ka pala ng Cum Laude, eh no'ng una aayaw-ayaw kapa" ngumiti na lamang si Alexander sa sinabi ni General Marcelo.
Tinanong rin nito kung nas'an ang Daddy at Mommy niya at s'ya namang pagdating nila kasama ang mga kapatid n'ya. Lumapit sila kay General, nakipagbeso si Alondra rito at nagmano naman sina Jaime jr. at ang labing-anim na taong kambal na sina Alex at Xandra. Niyakap ni Alexander ang kanyang mommy at daddy at sabay sabing
"Maraming salamat mommy at daddy, kayo ang inspirasyon ko" Napangiti si Joaquin sa tinuran ng anak
" I'm so proud of you son! " sabi nito kay Alexander
"Proud na proud talaga ako sa'yo nak! Ikaw ang pinakapoging Lieutenant na nakita ko sa buong buhay ko! Mahal na mahal kita anak!" dagdag ni Alondra sa sinabi ni Joaquin
"Eto talagang si Mommy mapagbiro! Eh si Daddy ba?" ngiting ganti ni Alexander sa kanyang Mommy.
"Syempre pati Daddy mo! Labyu Lieutenant!"
"Labyu rin Mommy" sabay yakap nito sa kanyang ina nakiyakap na rin ang kanyang mga kapatid.
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...