CHAPTER 13

210 17 0
                                    

  "Ano ba Joaquin bitawan moko!" reklamo naman n'ya sa'kin pero hindi ko s'ya pinakinggan

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa'kin kung anong problema mo!" sigaw ko pabalik sakanya

"Wala nga akong problema ano ka ba?! Bitawan mo na ako "

"Wala? Eh halos hindi mo na ako tinitignan kanina! Tapos ngayon wala?!"

  "Wala nga sabi eh!"

Nakita ko naman na naiiyak na s'ya kaya niluwagan ko ang pagkakakapit sa braso n'ya.

Umupo kami sa may upuang kahoy. Umupo ako ng paharap sakanya saka ko s'ya pinakatitigan

"Alondra ano bang problema mo? Asawa mo ko pero parang ang layo layo mo sakin. Pakiramdam ko gusto mong mag solo. Asawa mo ko diba? Dapat sinasabi mo sakin lahat. Walang lihiman" malumanay kong sabi sakanya

  "Ikaw ba Joaquin sigurado kabang nagsasabi ka sakin ng totoo? Nagiging tapat ka sa'kin?" pabalang na sagot n'ya

  "San ba nangaling 'yan? Tapat ako sa'yo. Ikaw lang! Mahal na mahal kita!" sagot ko naman sakanya

"Hindi ko alam kung totoo ba talaga yang pinagsasabi mo sa'kin"

"Alondra hindi ko alam kung anong pinanggalingan n'yan pero isa lang masasabi ko. Ikaw lang!" sagot ko sa sinabi n'ya

ALONDRA'S POV:

Hindi ko alam kung paniniwalan ko s'ya sa mga pinagsasabi n'ya. Gusto kong magalit ng matagal dahil sa mga narinig ko sakanya na sinabi n'ya kanina sa sementeryo pero hindi ko s'ya matiis. Merong bumubulong sakin na patawarin s'ya at damhin ang mga sandali namin habang hindi pa n'ya nalalaman na buhay si Lora dahil alam kong sa oras na malaman n'ya na buhay si Lora ay may magbabago.

  "Joaquin" tawag ko sakanya

Tinitigan naman n'ya ako

"I'm sorry, pagod at stress lang siguro ako." sabi ko sakanya

Nakita ko naman na kumunot ang noo n'ya

"Pagod ka dahil?" tanong naman n'ya

"Magbubukas na ung shop next week. Masyado lang siguro akong kinakabahan, baka kasi pumalpak o kaya malugi" pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay masama pa rin ang loob ko sakanya.

"Magpapanggap nalang akong okay tayo Joaquin magpapanggap akong hindi ko alam na hanggang ngayon ay mahal mo si Lora. Hangga't kaya ko magpapanggap ako. Wag mo lang akong iiwan. Hindi ko pa kaya" sabi ko sa sarili ko

"Hon?" bumalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Joaquin

"Ha? anong sinasabi mo?"

"Ang sabi ko hindi mo na kailangan kabahan. Alam ko kayang kaya mo 'yan ang galing galing kaya ng asawa ko!"

  "Nambola ka pa" sabi ko saka ako natawa

"Aalis kanaba bukas?" tanong ko sakanya

"Oo isang araw lang ako pinayagan  sabi ko kasi emergency. San kapala natulog kagabi?"

  "Ayoko sanang sabihin sayo para hindi ka mag-alala eh, pero ayoko naman magduda ka"

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon