CHAPTER 8

208 14 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

  Nasa byahe na ang buong pamilya ni Alondra papuntang Quezon. Palingon lingon s'ya at tila ba hindi mapakali. Agad naman itong napansin ng anak n'yang si Alex.

  "Oh Mommy bakit parang hindi ka po mapakali d'yan? May problema po ba?" Tanong ni Alex kay Alondra

  "Okay lang ako anak wag mokong intindihin hehe"

Ilang oras ang lumipas.....

Nakarating na sila ng Quezon. Agad sumaludo ang mga sundalo ng makita nila sina General Sebastiano at Si Colonel Joaquin Del Tierro.

  "Magsisimula na po ang meeting" Gabriel Marcelo

Nagpaalam muna si Joaquin kay Alondra at sa mga anak n'ya saka s'ya pumunta sa meeting.

"Hi kuya Alexander" bati ng magkakapatid

"Hi, buti nakapunta kayo Mommy, Alex, Xandra at Jaime! Namiss ko kayo!" sabay yakap n'ya sa kanyang mga kapatid at kay Alondra

"Oo,dito na rin daw madedestino Daddy mo! Kaya mag-iingat kayong dalawa dito ah! saka bantayan mo Daddy mo baka mambabae ah! Sumbong mo agad sakin! Hahahaha" biro ni Alondra sa anak.

  "Oo naman Mommy! Hahaha lagot si Daddy sakin!"

Napansin ni Alondra na parang hindi mapakali si Alexander at laging itong tumitingin sa relo n'ya, alam n'yang merong nangyayaring kakaiba nay Alexander.

"Ah Mommy, may pupuntahan lang po ako sa bayan. Bibilhan ko na rin po kayo ng makakain" Alexander

Tumango na lamang si Alondra

"Ah Jaime bibili rin ako sa bayan. Dito lang kayo ah, bantayan mo ng mabuti mga kapatid mo. Sandali lang ako dito n'yo na rin antayin ang Daddy ah" Alondra

"Sige po Mommy ako pong bahala"

-

Kasalukuyang sinusundan ni Alondra kung san man papunta si Alexander. Lingid sakanyang kaalaam ay nakasunod din sakanya si Alex.

Nakita ni Alondra na pumasok si Alexander kung saan s'ya nahuli ni Joaquin noon. At tama nga ang kutob n'ya may kikitain s'ya doon. Kitang kita n'ya na buhay pa nga ang isa n'yang anak. Buhay ang kakambal ni Alexander.

Napaluha s'ya ng makumpirmang totoong buhay nga ang kakambal ni Alexander, pero hindi n'ya pa ito kayang harapin. Natatakot s'ya sa isusumbat ng kanyang anak. Hindi n'ya alam ang sagot kung sakali mang itanong nito kung bakit s'ya nahiwalay sakanila. Natatakot s'yang masumbatan na masama s'yang ina.

Paalis na sana s'ya ng marinig n'ya ang tinig ni Alex.

"Mommy? ano pong ginagawa n'yo dito?"

Napalingon si Alondra kina Alexander at sa kakambal nito. Nakita na s'ya ng mga ito. Kaya wala na s'yang magagawa kundi lumapit sakanila.

"Mommy?" Alexander

"Totoo nga, buhay ka nga anak! buhay ka!" sabay yakap ni Alondra sa anak

"Mommy? Alam n'yo po ba ito? Alam n'yo po na may kakambal ako? Kelan pa?" Alexander

"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo, ang mahalaga nalaman ko na buhay pa nga ang kakambal mo"

"May kakambal si Kuya? Pano nangyari 'yon Mommy?" Tanong ni Alex sa ina

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon