Mas lalong naging malapit sa isa't isa si Javier at Alondra. Nagtataka na sina Jaime at Xandra kung bakit laging wala at kung bakit laging late kung umuwi ang Mommy nila. Kaya't nung minsan ay tinanong nila si Alex kung ano ang nangyari sa Mommy nila mula nung umuwi sila galing Quezon dahil kung titignan kasi nila ito ay parang hindi naman siya nagtataka kay Alondra. Pero wala naman daw s'yang napapansing kakaiba sa Mommy nila. Sa labis na pag-aalala nina Jaime at Xandra sa ikinikilos ng Mommy nila ay tinawagan nila si Joaquin para ikwento ang nangyayari kay Alondra.
-
Pagkatapos marinig ni Joaquin sa mga anak niya kung anong nangyayari kay Alondra habang wala s'ya do'n ay tinawagan n'ya ito.phone rings...
Hindi sumasagot si Alondra kaya si Mimi nalang ang tinawagan n'ya dahil alam n'yang magkasama naman sila sa trabaho.
"Hello?" sabi ni Mimi
"Hello Mimi, si Alondra ba nandiyan? Kanina ko pa kasi tinatawagan hindi naman n'ya sinasagot" Joaquin
"Hindi naman s'ya pumasok ngayon eh, sabi n'ya may inaasikaso s'ya" Mimi
"Ah ganon ba? Sige Mimi salamat" Joaquin
Nagtaka si Joaquin dahil kaninang umaga lang ay sinabi ni Alondra na papasok na s'ya. Kaya patuloy n'ya pa rin itong tinatawagan.
Ilang rings muna ang narinig n'ya bago pa ito sumagot
"Oh Alondra salamat naman at sumagot ka, kanina pa kita tinatawagan. Nasan kana?" kalmado munang sabi Joaquin
"A-ah hon nasa trabaho diba yun ung sabi ko sa'yo kanina" pagsisinungaling ni Alondra pero ang totoo ay nasa isang palengke s'ya sa Quezon para ipagtanong tanong kung dun ba nakatira si Lora.
"Alondra nagsisinungaling ka! Tinawagan ko si Mimi at sabi n'ya ay hindi ka naman pumasok ngayong araw! Nasaan kaba talaga?" inis na sabi ni Joaquin
"A-ah u-umalis ako kanina sa office inaasikaso ung isang branch. Magbubukas na 'yon next week diba?"
Medyo kumalma na si Joaquin sa narinig.
"Yun lang ba ang pinagkakaabalahan mo? Yun ba ang dahilan ng pag-uwi mo ng dis oras ng gabi?" Joaquin
"Sa'n mo naman nakuha yang nauwi ako ng dis-oras ng gabi?"
"Sa mga anak mo, tinawagan ako ni Jaime at Xandra kanina at nag-aalala sila sayo kung bakit lagi kang late kung umuwi"
"Hmm oo hon 'eto lang pinagkakaabalahan ko. Hayaan mo magpapaliwanag ako sakanila mamaya pag-uwi ko. Good bye na muna hon I love you!" sabi ni Alondra
"Mag-iingat ka, bye I love you too"
Pagkababa ng tawag ay naglakad na si Alondra palabas ng palengke saka sumakay sa kotse. Pagod na pagod s'ya dahil sa paghahanap. Tinawagan nalang n'ya si Alexander at sinabing nandon s'ya sa Quezon saka nito niyaya na kumain.
Nagkita sila sa isang kainan na medyo malayo sa kampo para hindi sila makita ni Joaquin
"Alexander! " sigaw ni Alondra ng makita n'ya ito
"Mommy" masayang bati nito saka yakap sakanyang ina
"Si Javier?" tanong ni Alondra na nakapagpa simangot naman kay Alexander
"Oh bakit ganyan ang mukha mo? Tinanong ko lang naman kung alam mo kung nasa'n si Javier dahil kanina ko pa s'ya tinatawagan hindi naman sumasagot" Alondra
"Eh Mommy ngayon lang ulit tayo nagkita hahanapin mo pa sa'kin si Javier" sabi ni Alexander
"Nagtanong lang naman ako ano ba, saka wag mong sabihing nagseselos ka sa kapatid mo? Eh alam mo naman na matagal s'yang nawalay sa'tin diba? Naiintindihan mo naman siguro kung bakit mas pinagtutuunan ko s'ya ng pansin"
"A-ah opo naman Mommy" sabi ni Alexander kahit labag sa kalooban n'ya dahil ang totoo ay nagseselos talaga s'ya. Hindi kasi s'ya sanay na hati ang oras at atensyon ng Mommy n'ya para sakanya
"Yun naman pala eh o sige kumain na tayo. Bumili ako ng paborito mo" saad ni Alondra saka ipinagpatuloy ang pagkain
-
Natapos na silang kumain ni Alexander kaya ipinagpatuloy n'ya ang paghahanap kay Lora pero kahit saang baryo na s'ya pumunta ni anino ni Lora ay hindi n'ya nakita.
"Namalikmata lang ba ako no'n? O na papraning lang ako?" Iiling-iling na sambit ni Alondra sa sarili
Pasakay na sana s'ya sa kotse ng mapansin nya si Javier sa isang kainan at parang dito s'ya nagtatrabaho. Lalapitan na sana n'ya si Javier ng makita n'yang nilapitan s'ya ng isang babae.
Hindi makapaniwala si Alondra sa nakita. Si Lora ang babaeng lumapit kay Javier!
"Pa'no nangyari 'to? Panoong kasama ni Javier si Lora?" sambit muli ni Alondra sakanyang sarili, humahagulgol na si Alondra. Nakumpirma n'yang buhay nga si Lora, buhay ang kapatid n'ya, hindi s'ya makapaniwala. Nang makita n'yang akmang haharap ang mga ito sa may gawi n'ya ay agad na itong sumakay sa kotse at pinaharurot ito.
Nanlalabo ang paningin n'ya dahil sa mga luhang rumaragasa mula sa mata n'ya
"Hindi! Sana'y walang kinalaman si Lora sa pagkakawalay namin kay Javier. Ayoko ng mag-away kami ulit. Sapat na ung mga away namin noon. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Paanong nabuhay si Lora at naging rebelde?" sabi ni Alondra muli sakanyang sarili
Hindi n'ya namalayan ang kotseng paparating. Nang makita n'ya ito ay agad n'ya itong naiwasan pero nabangga s'ya sa may puno pero hindi naman kalakasan. Tumama ang ulo n'ya sa manibela ng kotse kaya medyo nahilo s'ya. Maliban don ay wala na s'yang ibang natamo. Hininto n'ya muna ang kotse sa isang tabi saka umiyak ng umiyak.
-
"Pakitawag nga si Alexander pakisabing may importante akong sasabihin sakanya" utos ni Joaquin sa isa sa mga sundalo n'ya
"Yes sir!"
Ilang sandali lang ay dumating na rin si Alexander
"Bakit po Dad?" saka ito umupo
"Kausapin lang kita tungkol sa Mommy mo. Napapansin ko kasi parang wala s'ya sa sarili n'ya, at kung tawagan ako mahigit 10 times araw-araw. May alam kaba?" tanong ni Joaquin kay Alexander
"Baka kasi namimiss lang po kayo" Alexander
"Nandon na ako pero ang weird lang. Kaya pag uuwi ka don next week pakisabi sa'kin pag may nalaman ka na kakaiba sa Mommy mo ah"
"Yes po Dad" sagot ni Alexander
TO BE CONTINUED.....
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...