Makalipas ang ilang oras...
"Hon! Hon!" tawag ni Joaquin habang bahagyang niyuyog-yog ang ulo ni Alondra
Gumalaw ng konti si Alondra saka idinilat ang mata
"Bakit?" tanong ni Alondra
"Nandito na tayo" sabi ni Joaquin
"Yung mga bata?" tanong ulit ni Alondra
"Nandon na sa labas, pinagmamasdan na nila ang magandang view sa baba" sabi ni Joaquin
Hindi na sumagot si Alondra saka bumaba ng kotse. Hinawakan ni Joaquin ang kamay ni Alondra para alalayaan sa pagbaba pero agad ding tinanggal ni Alondra
"Alexander!" tawag ni Alondra.
Hindi na n'ya inantay si Joaquin at dumiretso na sa kinaroroonan nila Javier
"Javier anak nag eenjoy kaba?" bulong ni Alondra kay Javier
"Opo Mommy! first time kopong makakita ng ganito! saka anlamig po pala dito" sabi ni Javier
"Mabuti naman kung ganon. Wag kang magpapahalatang ikaw si Javier ah" bulong ulit ni Alondra
Tumango lang si Javier sa sinabi ni Alondra
Habang pinagmamasdan ni Alondra ang tanawin sa baba. Napansin n'yang medyo lumayo ang mga bata sakanya.
"Oh bakit kayo lumalayo?" tanong ni Alondra
"Para masolo mo si Daddy! Hahaha Enjoy po! dito lang po kami mag-iikot ikot" asar ni Xandra kay Alondra
"Ikaw talaga! Mag-iingat kayo! Wag masyadong lalayo ah." Paalala ni Alondra
"Ako na pong bahala Mommy" sabi ni Javier
Tumango lang si Alondra sakanila
Pinagmasdan muli ni Alondra ang view sa baba.
Naramdaman nyang tumabi si Joaquin sakanya
"Ang ganda no? pero mas maganda ka kung ngingiti kana sa'kin" lambing ni Joaquin
Lumingon si Alondra kay Joaquin
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo" sabi ni Alondra saka nag iwas ng tingin
"Hindi mo pa rin ba ako pinapatawad? Sorry na nga eh" sabi ni Joaquin habang nakatitig kay Alondra
Umiling lang si Alondra
"Hindi kaba pwedeng sumaglit lang? Kahit sandali lang?" tanong ni Alondra habang nakatingin ulit kay Joaquin
"Hon, gustuhin ko man hindi talaga. Naiintindihan mo naman 'yong trabaho ko diba?"
"Nakakaintindi ako pero hindi pwedeng palagi. Mahalaga sa'kin 'yong event na 'yon at alam mo 'yon"
"Alam ko, pero promise ko sa'yo pagkatapos non babawi ako sa'yo. San mo gustong mamasyal ulit?" paglalambing ni Joaquin
Napangiti naman si Alondra sa narinig
"Promise yan?" tanong ni Alondra (ay marupok HAHAHAH)
"Oo promise, kaya ngiti kana" sabi ni Joaquin
Ngumiti si Alondra saka yumakap kay Joaquin
"Hindi talaga kita matiis!" sabi ni Alondra
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...