ALONDRA'S POV
"Sino 'yon?" tanong ni Joaquin
Gulat naman akong napatingin kay Joaquin.
"Ha?" tanong ko rin sakanya
"sabi ko sino 'yon?" ulit n'ya
"Si Christian" diretsang sagot ko
Tinignan n'ya ako ng masama
"Oh bakit ganyan ka makatingin?"
"Bakit ganitong oras ng gabi tinatawagan kapa n'ya?" kunot noong tanong n'ya
"Wala lang, tinatanong lang n'ya ako kung ready na ba ako bukas." paliwanag ko habang nagbibihis
"Yun lang? Eh bat natawa ka kanina? Ano bang pinaguusapan n'yo?" tanong n'ya
Nakukulitan na ako kaya tumalikod na 'ko sakanya.
Hihiga na sana ako ng magsalita s'yang muli
"Ano? Hindi mo ba ako sasagutin?" saad n'ya
"Ano bang kailangan kong sabihin sa'yo? sinabi ko na nagtatanong lang s'ya para bukas"
"Makakasama mo ba 'yon bukas? Partner kayo sa event ganon?" sarcastic n'yang tanong
"Malamang makakasama ko s'ya" sabi ko sa nakakatamad na tono
Inaantok na ko kaya nahiga na ako
"Alondra hindi moba napapansin na hanggang ngayon may gusto pa rin 'yun sayo!"
"Ano bang pinagsasasabi mo? Kanina ung kinakainan namin ng ex ko pinagseselosan mo ngayon naman ung pangangamusta ni Tantan pagseselosan mo rin?"
"Hindi naman sa gan-" hindi ko na s'ya pinatapos sa sasabihin n'ya
"Hays! ayoko na sa usapan na 'to, hindi ka na nga makakapunta bukas inaaway mo pa ko! Bahala ka dyan dun ako sa kwarto ni Xandra matutulog! " sigaw ko. Dire-diretso naman akong nagtungo sa pinto saka ibinagsak 'yon pagkalabas ko.
Una ko munang pinuntahan si Javier na natutulog sa kwarto ni Alexander
"Javier" tawag ko habang nakatok sa pinto
Walang sumasagot kaya tuloy-tuloy na akong pumasok nakita ko naman na natutulog na s'ya
"Javier, Javier" tawag ko sakanya. Nakita ko naman na nagising s'ya
"Hindi po ako si Javier Mommy, si Alexander po ako"
"Ha? Eh nasan na si Javier?"
"Umuwi na po s'ya Mommy." saad ni Alexander
"ba't hindi s'ya nag paalam?" tanong ko
"Narinig daw po n'ya na nagaaway kayo ni Daddy kaya hindi na s'ya kumatok" sabi ni Alexander.
Napaupo naman ako sa sofa na katabi ng kama n'ya
"Ah, ganun ba? pasensya na"
"Mommy" tawag ni Alexander
Napatingin ako sakanya
"Bakit anak?"
"Ayos lang po ba kayo?"
"Oo ayos lang ako, pag wala ako dito ikaw bahala sa mga kapatid mo ah. Goodnight I love you" sabi ko saka ko sya hinalikan sa noo
"I love you too Mommy, Goodnight!" sabi ni Alexander
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...