CHAPTER 18

243 13 0
                                    


Tuloy tuloy akong pumasok sa kwarto. Akala ko'y susundan n'ya ko pero hindi pala. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin s'ya sumunod sa kwarto namin.

Aba nakakapanibago ah! Dati rati s'ya unang magsosorry. S'ya na nga itong walang kinukwento sakin tungkol sa nakaraan n'ya s'ya pa tong may ganang mag ganyan?! Nasaan na kaya 'yon?

Hinubad ko muna ang uniform ko saka ako nagsuot ng short at t-shirt. Lumabas ako ng pinto ng kwarto nakita ko na saktong labas din ni Alondra sa kwarto nila Alex at Xandra.

"Oh hon san ka pupunta?" Tanong ni Alondra

Hindi ko s'ya pinansin at dirediretsong pumunta sa labas. Tumayo ako sa may gilid ng pool. Naramdaman ko naman na sumunod s'ya. Niyakap n'ya ako mula sa likuran.

"Hon bakit ka umuwi? May problema ba?" tanong n'ya. Hindi ko s'ya sinasagot.

"Hon?!" tawag n'ya ulit hindi ko pa rin s'ya sinasagot. Masama pa rin loob ko.

Humarap s'ya at hinawakan ang dalawa kong pisngi

"Hon? Ano bang nangyayari sayo?" tanong n'ya

"Tanong mo kay Tantan mo!" sabi ko saka nag iwas ng tingin

"Nagseselos ka? Aba milagro!"

"Panong di ako magseselos? Eh sabi n'ya dati pinangarap ka daw n'yang maging asawa! Tapos alam mo kahit ung kaliit-liitang detalye tungkol sakanya! Saka ung Alon? nickname mo pala 'yon ni hindi mo man lang sinabi sa'kin"

"Teka lang relax! Andami mo namang sinabi! saka kaya alam ko 'yong mga ganon dahil matagal din kaming nagkasama. Magkakabata kami diba?" sabi n'ya

"Hindi mo ba naging boyfriend 'yon?" tanong ko

"Hindi!" mabilis na sabi n'ya

"sigurado ka?"

"Oo nanligaw lang sa'kin 'yon"

"Ah, saka bakit ko ba pala tinatanong 'yon eh alam ko namang ako lang naging boyfriend mo" sabi ko na natatawa.

Natatawa ako dahil sa maliit na bagay na 'yon ay natampo pako. Kung tutuusin pala hindi naman ako dapat magselos asawa na pala n'ya ko. Iiling-iling na sambit ko sa sarili ko

Lumingon naman ako kay Alondra hindi s'ya umiimik.

"Oh bakit napatahimik ka? Hindi ba totoo?" tanong ko

"Hindi, actually may naging boyfriend ako. Kababata ko rin." sabi n'ya

Napatingin  ako sakanya.

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko

"Kasi niloko n'ya ako. Hindi ko kinwento dahil nasasaktan ako pag naalala ko 'yon. Naalala ko lang lahat ng kagagahan ko non."

"Ano?! Alondra? Bakit hindi mo sinabi? Ako lahat sinasabi ko sa'yo! Alam mo lahat ng nakaraan ko!" sigaw ko sakanya

Nagagalit ako. Pakiramdam ko niloloko lang n'ya ako sa mahabang panahon. Napakarami ko pa palang hindi alam sakanya.

"Kelan nangyari to? Mag-asawa na ba tayo non?!" tanong ko

Natatakot ako sa isasagot n'ya. Hindi ko siguro makakaya pag nalaman kong pinagtaksilan n'ya ako! Ang ayoko pa naman sa lahat ung niloloko ako.

"Hindi, hindi ko magagawa sa'yo 'yon! Naalala mo ba nung nalaman natin na patay na si Lora at nakita mong may dala dala akong mga gamit? Pupuntahan ko na s'ya non! Sasama na ako sakanya! pero nahuli ko s'ya Joaquin! nahuli ko s'ya! niloko lang n'ya ako! Handa pa naman akong iwan ang lahat para sakanya!" sabi n'ya nakita ko  na umiiyak na s'ya. Kaya napaisip ako

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon