Pasensya na sa late update heheheh😅😅
THIRD PERSON'S POV
"Anak sigurado ka bang dito dinala ng mga rebelde ang Mommy mo?" tanong ni Joaquin kay Alexander.
Nasa kalagitnaan na sila ng paglalakad paakyat sa bundok.
"Sigurado ako Daddy" sagot ni Alexander, nakikinig lang sakanila si Tantan.
Maya maya pa'y nakarinig sila ng mga putok ng baril. Nagulat sila sa narinig
"Baka may nangyari na kay Alondra! Bilisan natin! Mabuti pa maghiwa-hiwalay tayo para mabilis nating mahanap si Alondra" nagpapanic na sigaw ni Joaquin
"Sige Daddy, tatawag na rin ako ng tulong!" sagot ni Alexander
Kumaliwa si Joaquin, kumanan naman si Tantan at nag dire-diretso si Alexander.
-
-
-"Tinamaan kaba?" Hinihingal na tanong ni Alondra
"Hindi, buti nalang nakatakbo tayo bago nila tayo pinaulanan ng bala." sagot ni Bernabe
"Ikaw ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Tomas
"Hindi! pano ba naman bigla mo nalang akong hinatak saka tayo nagtatakbo." masungit na sagot ni Alondra saka ito umupo upang magpahinga muna.
-
-
-"Nay narinig mo ba yung putok ng baril kanina?" nag-alalang tanong ni Rosa sa ina nito habang nagmamadaling pumunta sa kubo ni Alondra
"Oo, narinig ko 'yon." sagot ni Elena
"Bilisan natin nay! Baka dahil kay Alondra 'yon."
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa pinaglalagyan ni Alondra. Pumasok agad si Rosa
"Nay! Wala na dito si Alondra!!" sigaw ni Rosa
"Ano?!" gulat na tanong ni Elena
"Ang sabi ko itatakas ko s'ya ngayong gabi." sabi ni Rosa
Hinawakan ni Elena ang kamay ni Rosa
"Baka nakatakas na s'ya, nakita mo nakakalag na yung mga tali." pagpapakalma ni Elena
"Pero sabi ko hintayin n'ya ko." Rosa
Isang saglit lang ay nakarinig sila muli ng putok ng baril. Nakikita nyang tumatakbo na rin ang iba nilang kasamahan
"Anong nangyayari?" Tanong ni Rosa sa isa sa kasamahan nila.
"Nakatakas yung anak ng heneral! May nagtakas sakanya! Mayroong taksil sa atin! Ngayon ay hinahabol na sila" sagot nito
"Ano?!" di makapaniwalang sambit ni Rosa
"Ano daw?" tanong ni Elena sa anak ng makita nitong hindi ito kumikibo
"May nagtakas daw kay Alondra na isa sa kasamahan natin, sinong gagawa non?" takang tanong ni Rosa
"Wag mo nang intindihin yan! Halika hanapin natin si Alondra dahil pag naunahan nila tayo baka patayin nila si Alondra." sagot ni Elena
"Ako nang bahala inay, dito ho muna kayo, hahanapin ko muna si Bernabe" di mapakaling sagot ni Rosa
Nang makaalis si Rosa ay nakita ni Elena na nagtatakbo si Javier sa gawi n'ya
"Javier! Apo!" sigaw ni Elena
"Lola!" sagot ni Javier saka ito yumakap
"Anong hong nangyayari? Bakit marami akong naririnig na putok ng baril?"
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...