JOAQUIN'S POV
"TEKA LANG!!" sigaw kong muli pero hindi nila ako pinapakinggan. Kaya't tumakbo ako ng mabilis para abutan sila pero nakita kong isinakay na nila si Alondra sa kotse.
Agad akong tumawag sa cellphone ko para magtawag ng back up. Bumunot ako ng baril at agad na pinaputukan ang gulong nila pero hindi pa rin tinatablan patuloy pa rin sila sa pag-andar ng mabilis kaya't binilisan ko rin ang pagtakbo ko. Nung medyo napagod ako ay agad kong pinara ang isang kotseng pasalubong sa'kin saka agad na sumakay.
Binilisan ko ang takbo ng kotse sa abot ng aking makakaya pero mas bumibilis sila. Hindi ko nakita ang isang motor na papasalubong sa'kin kaya agad kong kinabig ang manibela papakaliwa pero sa kasamaang palad ay sumalpok ako sa isang poste. Bumaba ako agad para takbuhin ko nalang at habulin si Alondra pero nawala na sila sa paningin ko.
"Shit!" inis kong mura sa sarili ko
"Sir!" tawag ng isang sundalo na lumapit sakin
"Nandon! don sila dumaan dalian n'yo, ung asawa ko!!" sigaw ko sakanila
Nakita ko naman na papalapit na sa kinaroon ko sina Xandra, Jaime at Alex saka si Alexander
"Dad!" sigaw ni Alexander sa'kin
"Si Mommy? Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong sakin ni Jaime
"Wag kayong mag-alala makukuha natin ang Mommy n'yo." pagpapakalma ko sakanila
"Dad posible bang may kinalaman dito ung nahuli natin na pinuno ng mga rebelde?" tanong sa'kin ni Alexander
"Posible, pero wag nating pag-usapan dito 'yan nandito mga kapatid mo." sabi ko
"Joaquin!" rinig kong sigaw ni Tantan
"Anong nangyari? Anong nangyari kay Alon?" nag-alala rin nyang tanong kasunod n'ya sina Mimi at Adele na kita mo rin sa mga mata na nag-aalala.
"Nadukot s'ya, may kumuha sakanya" sagot ko
"Sino? May idea ka?" tanong n'ya muli
"Posibleng mga rebelde dahil nahuli namin ang pinuno n'ya." sagot ko ulit
"Ah kaya pala, sundalo ka kasi." pabulong n'yang sabi pero narinig ko pa rin
"Ano? Anong sabi mo?"
"Wala, ang sabi ko magtulungan tayo para mabawi si Alon" sagot n'ya. Huminga na lang ako ng malalim. Tama s'ya kelangan namin mag tulungan
Halos isang oras bago bumalik ang mga sundalo na humabol sa kotseng kinalalagyan ni Alondra. Nakita ko na kasama na nila si Papa
"Anong balita?" tanong ko agad sakanila
"Hindi nila nahabol dahil masyadong mabilis ang mga kumuha kay Alondra." sagot ni Papa
"Pero Papa-"
"Joaquin, Alexander sumunod kayo sa office ko. Dun tayo mag plano." sabi ni Papa saka tumalikod na
Sumunod naman kami ni Alexander. Pinauwi ko na ang mga bata kasama si Mimi
Pagkapasok namin sa opisina ni Papa ay nagsalita na agad ako
"Sir gabi na, hindi pwedeng magpalipas ng gabi sa kung san man dinala si Alondra. Kelangan na natin kumilos sugurin na natin ang kampo ng mga rebelde."
"Hindi pwede yang gusto mo Joaquin! Nalusob na natin ang kampo ng rebelde dati syempre hindi na nila ibabalik don si Alondra!" sigaw ni Papa sa'kin
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
Roman d'amourPaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...