CHAPTER 15

168 17 0
                                    


Bata palang kami ni Tomas palagi na kaming mag-kasama. Palagi kaming magkasundo, hindi kami mapaghiwalay, actually kaming apat nina Mimi, Tomas at Tantan, pero mas malapit ako kay Tomas dahil s'ya ang palagi kong nakakasama kasi lagi kaming magkaklase. Noong last year na namin sa high school ay nagtapat s'ya sakin na may gusto s'ya sakin, s'ya namang pagtatapat din ni Tantan kaya nag-away sila. Si Tomas ang pinili ko kaya lumayo sa'min si Tantan.

Naalala ko pa ang pangako ni Tomas sa'kin noon

"Mahal na mahal kita Alon, hindi kita lolokohin. Ikaw lang. Mananatili ako sa tabi mo hanggang huli." sabi n'ya saka ako hinalikan sa noo.

Mahal na mahal ko si Tomas noon, sakanya lang umikot ang mundo ko.

Nagsimula kaming magkaproblema magmula ng mamatay ang nanay ko at pilit akong kinukuha ni Papa

"Alondra sumama ka nalang sa'kin, bubuhayin kita. Wag kalang umalis." pakiusap n'ya sa'kin noon

"Tomas bata pa 'ko. Mga bata pa tayo. Sa tingin ko hindi pa natin kaya. Hindi pa natin kayang mabuhay na tayo lang saka isa pa ngayon ko lang makakasama si Papa pagbigyan mo na ako. Pangako wala namang magbabago sa'tin" sabi ko sakanya

Pumayag s'ya na malayo ako sakanya pero hindi naman kami nawalan ng koneksyon. Palagi pa rin naman kaming nag-kikita at nagkakasama. Palagi ko ring kinukwento sakanya kung anong naging trato sakin nila Lora at Tita Remedios sa bahay.

"Umalis kana kaya don? Hindi kanaman nila tanggap eh. Akong bahala sa'yo" sabi n'ya sa'kin ng minsang magkasama kami

"Naiintindihan ko naman kung bakit nila ako hindi tanggap, syempre anak ako sa labas ni Papa. Pero wag kang mag-alala andon naman si Joaquin, hindi naman n'ya ako pinapabayaan, s'ya laging kakampi ko don"

"Joaquin? Sinong Joaquin?" tanong n'ya sa'kin

"Si Joaquin boyfriend ni Lora. Dun na rin s'ya nakatira kasi binilin s'ya ng mga magulang n'ya kay Papa bago sila namatay" paliwanag ko

"Ah, osige papasok na ako sa eskwelahan. Magiingat ka lagi I love you!" sabi n'ya saka ako hinalikan sa labi at umalis na

Lumipas pa ang mga araw ay okay naman kami ni Tomas, pero pag-gising ko isang araw ay hindi na si Tomas ang hinahanap ko kundi si Joaquin na. S'ya na ang gusto kong makita, s'ya na ang gusto kong makasama lagi.

"Hello Alon? Kelan ba tayo magkikita? may sakit kapaba? Gusto mo puntahan kita?" sabi sa'kin ni Tomas sa telepono

"Ah wag na baka makita ka ni Papa. Tawagan nalang kita pag okay na 'ko" pagsisinungaling ko pero ang totoo ay kasama ko si Joaquin nag-away daw kasi sila ni Lora

-

Nang magkita kami ni Tomas ay kinwento ko ang nangyayari sa'kin araw-araw sa Mansion

"Bakit parang si Joaquin lagi laman ng kwento mo?!" inis na sabi ni Tomas sa'kin

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko namalayan na ang kinukwento ko ay puro nalang si Joaquin

"Bahala ka nga d'yan!" sabi n'ya saka na tumayo at padabog na umalis

Tinawag ko s'ya pero hindi n'ya ako nililingon

Magmula ng araw na 'yon ay palagi na kaming nag-aaway ng dahil kay Joaquin. Palagi n'yang pinagseselosan si Joaquin kaya palagi kaming nagkakasigawan.

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon