Nakarating na sa kampo sina Joaquin at Alondra. Naunang bumaba si Joaquin sa kotse para pagbuksan ng pinto si Alondra.Habang naglalakad sila sa Hallway ng kampo ay napapansin ni Joaquin na wala pa ring imik si Alondra
"Alondra, may problema ba? Kanina ka pa tahimik." tanong ni Joaquin sa asawa
"Ha? Problema? wala, wala akong problema." mabilis na sagot ni Alondra
Tumigil si Joaquin sa paglalakad at pinahinto si Alondra. Hinarap n'ya ang asawa at hinawakan ang dalawang kamay nito.
"Hon, kahit ano man ang mangyari sa pag-uusap namin ni Lora pangako ko sa'yo walang magbabago satin." sabi ni Joaquin
Ngumiti si Alondra sa tinuran ng asawa
Nagpatuloy na sila sa pag-lalakad hanggang sa tumigil si Joaquin sa isang kwarto
"Hon dito ka muna sa labas may kakausapin lang ako saglit." paalam ni Joaquin
Tumango si Alondra
Ilang saglit lang ay lumabas din kaagad si Joaquin
"Oh Hon bakit?" tanong ni Alondra
"Si Bernabe daw muna ang kakausapin natin." sagot ni Joaquin
Si Tomas? tanong ni Alondra sa sarili
"Si Bernabe? Bakit s'ya kakausapin natin?" kunot noong tanong ni Alondra
"Dahil asawa s'ya ni Lora, at s'ya ang nakakuha kay Javier."
Namilog ang mata ni Alondra sa narinig
"Ano? S'ya? Asawa s'ya ni Lora at s'ya ang nakakuha kay Javier?" Gulat na tanong muli ni Alondra
"Oo, kaya kailangan natin s'yang makausap para malaman natin kung pano napunta sakanila si Javier. Kaya tara na" yaya ni Joaquin kay Alondra saka ito naglakad
Napansin ni Joaquin na nakatayo pa rin si Alondra sa kinatatayuan n'ya
"Alondra?" tawag nito pero hindi s'ya narinig kaya binalikan n'ya ito
"Alondra!" tawag n'yang muli
"A-ah Joaquin!" gulat na sagot ni Alondra
"Bakit ka natulala?" tanong ni Joaquin
"Wala, wala. Halika na" sagot ni Alondra
Ilang hakbang lang ay tumigil sila sa isang pinto. Papasok na sana sila ng mag-salita si Joaquin
"Ah hon may nakalimutan ako sa opisina ko, dito ka muna. Wag ka muna papasok, rebelde ang nasa loob baka saktan ka n'ya" bilin ni Joaquin
Pagka-alis ni Joaquin ay hindi sinunod ni Alondra ang sinabi nito. Pumasok si Alondra at doon ay nakita n'ya si Tomas na nakaupo.
Agad n'ya itong sinugod at sinampal.
"Hayop ka!" sigaw ni Alondra
Hindi 'yon ininda ni Tomas kaya sinampal s'ya ulit ni Alondra sasampalin pa sana s'ya ng pumasok na si Joaquin sa kwarto at pinigilan s'ya
"Alondra tama na!" awat ni Joaquin sa asawa
Kumalma si Alondra pero matalim pa rin ang titig kay Tomas habang nakaupo na ulit ito katapat si Joaquin
"Bago ang lahat paano napunta sayo si Javier?" tanong ni Joaquin
Nakita n'yang hindi kumibo si Tomas
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...