THIRD PERSON'S POV
Bumaba si Mimi ng kotse, pumasok sya sa loob ng kampo.
"Nasan ang daan patungo sa opisina ni Col. Del Tierro?" tanong nito sa nakasalubong na sundalo
"This way Ma'am." Turo ng sundalo
Sumunod naman si Mimi. Tumigil sila sa isang lamesa na may nakapangalan na Col. Joaquin Del Tierro
"Antayin n'yo nalang po dito, kasalukuyan po s'yang nasa meeting pero malapit na pong matapos." saad ng sundalo
"Osige mag-aantay nalang ako. Maraming salamat" sagot ni Mimi bago umalis ang sundalo
Ilang minuto ang nakalipas...
"Oh Mimi bakit ka nandito?" tanong ni Joaquin kay Mimi kasunod nito si Alexander
"Gusto kitang makausap." sagot ni Mimi
Umupo si Joaquin sa desk n'ya saka sinenyasan si Mimi na umupo sa harap n'ya. Nanatili lang si Alexander sa isang tabi.
"Tungkol saan?" tanong ni Joaquin
"Tungkol sa kakambal ni Alexander."
"Bakit anong alam mo?" tanong ulit ni Joaquin
"Alam ko kung anong nangyari. Ako ang may kasalanan ng lahat. Walang kasalanan si Alondra" paliwanag ni Mimi
"Anong ibig mong sabihin?" Joaquin
"Habang nanganganak si Alondra nakatulog s'ya, sinabi sakin ng doktor na kambal ang anak n'ya. Excited akong magising si Alondra dahil gusto kong sabihin na dalawa ang anak n'ya. Naunang lumabas si Alexander pero pagkalabas na pagkalabas ng isang bata hindi na ito humihinga. Inutos ko agad sa isang nurse na idala na sa morgue." paliwanag ulit ni Mimi
"Bakit hindi nalaman ni Alondra na kambal ang anak namin?" tanong ni Joaquin
"Depressed s'ya noon Joaquin, ni hindi n'ya nakuhang magpatingin sa Doktor. Ako lang ang nakaalam na kambal ang anak n'ya." mabilis na saad ni Mimi
"Bakit mo inilihim sakanya? Bakit hindi mo sinabi?" Joaquin
"Dahil natakot ako, ayokong pagdaanan n'ya muli ang sakit ng mawalan ng mahal sa buhay. Kitang kita ko kung pa'no gumuho ang mundo n'ya nung mamatay ang nanay n'ya. Kaya itinago ko ito sakanya." saad ni Mimi
"Yung bata? Anong nangyari? Pano sya nabuhay?" sunod sunod na tanong ni Joaquin gusto nyang malaman lahat
"Hindi ko alam, pumunta agad ako sa morgue ng masigurado kong okay na si Alondra pero pagkarating ko doon wala na daw yung isang bata. Posibleng may kumuha sa bata" Mimi
Nag-isip si Joaquin. Tinignan n'ya si Alexander na nakikinig lang sakanila
"Kung wala naman palang kasalanan si Alondra bakit itinago n'ya lahat 'yan sakin?" Tanong ulit ni Joaquin kay Mimi
Hindi makasagot si Mimi dahil hindi n'ya alam.
"Ah dad-" sabat na ni Alexander sakanila
Napatingin sina Mimi at Joaquin kay Alexander
"Hindi sinabi sa'yo ni Mommy dahil natatakot s'ya baka ipakulong mo si Javier at baka ma court marcial ka." sabi ni Alexander
Natahimik si Joaquin sa narinig.
-
Kinagabihan...
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...