Lumabas si Joaquin at saka hinabol n'ya si Alondra
"Alondra! Alondra!" Tawag nito sa asawa
Nakita n'yang umupo ito sa labas
"Alondra." tawag nyang muli
Niyakap naman s'ya ni Alondra
"Alondra, matagal na 'yon. Wala na dapat sayo" sabi ni Joaquin
Tumitig si Alondra sakanya
"Hindi naman 'yong iniisip mo ang dahilan, dahil sa anak natin, dahil kay Javier." sagot ni Alondra
"Wag kang mag-aalala ipakukulong natin s'ya! Hindi ako papayag na hindi n'ya mababayaran ang lahat ng ginawa n'ya satin." saad ni Joaquin agad nyang niyakap ulit si Alondra
Kumalas sila sa pagkakayakap ng isa't isa ng makitang papalapit si Lieutenant Matias. Agad pinunasan ni Alondra ang mga luha n'ya
"Mrs. del Tierro pinapatawag po kayo ni General Sebastiano." sabi ni Lt. ng makalapit ito sakanila
Bahagyang kinabahan si Alondra
"B-bakit daw?" tanong ni Alondra
"Wala hong sinabi eh" sagot nito
"Ganun ba? Osige pupunta na 'ko" sabi ni Alondra
Tumayo s'ya at humalik kay Joaquin
"Hon, puntahan ko muna si Papa" tumango naman si Joaquin sakanya
Nakaalis na si Alondra pero hindi pa rin umaalis si Lt. Matias
"Oh Lieutenant Matias bakit 'di kapa umaalis?" tanong ni Joaquin
"Ah Sir, kayo rin po pinapatawag, kailangan n'yo na pong interbyuhin si Lora Sebastiano."
Pinagpawisan si Joaquin sa narinig.
Trabaho lang 'to Joaquin kaya mo 'to, bulong nito sa kanyang isip
"Osige pupunta nako." sagot n'ya
-
Bahala na bulong ulit ni Joaquin sakanyang sarili habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Lora
Pumasok na si Joaquin kung san naroon si Lora. Nakaubo na ito at kitang kita pa rin ang mapapaga ng mata dahil sa kakaiyak.
"Lora." tawag nito na nakapagpalingon kay Lora
"Joaquin, ikaw ba ang mag i-interview saakin?" tanong nito
Tumango si Joaquin
Huminga muna ng malalim si Joaquin bago ito naupo kaharap si Lora
"Kumusta kana?" unang tanong ni Joaquin kay Lora
"Hindi dapat 'yan ang tinatanong mo sa'kin." pabalang na sagot ni Lora
"Patawarin moko Lora " sincere n'yang pagkakasabi
Tumingin si Lora sakanya
"Para san 'yan Joaquin?" tanong ni Lora
"Patawarin moko kung naging mahina ako. Naniwala ako kay Papa na patay kana" may namumuong luha na sa mata ni Joaquin habang sinasambit n'ya 'yon
Bumalik na naman sakanyang ala-ala nung araw na gumuho ang mundo n'ya. Nung araw na sinabi sakanyang wala na si Lora.
Namilog ang mata ni Lora sa tinuran ni Joaquin
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...