CHAPTER 14

181 14 0
                                    


Nakapasok na ako sa Coffee Shop. Nilingon lingon ko naman kung nasaan si Alondra. Sa pinakadulo ay natanaw ko s'ya nakita ko naman na nakatayo pa s'ya kaharap ng isang lalaki, hindi ko naman makita ang mukha ng lalaki dahil medyo nakatalikod ito. Lumapit ako sakanila

"Hi Alondra finally nagkita na rin tayo ulit totoo nga ang sabi nila na napakaganda mo pa rin" rinig kong sabi ng lalaking kausap ni Alondra i guess it's Christian Hernandez

"Ulit? Ahm ako pala si Mrs. Alondra Del Tierro" pagpapakilala ni Alondra saka s'ya nakipag shake hands

Napansin ko naman na parang walang balak bitawan ng lalaking to ang kamay ni Alondra kaya nagsalita na ako

"Hon!" tawag ko kay Alondra

Napalingon naman s'ya na parang nagtataka

"Oh hon, bakit andito kapa? Hindi ba babalik ka na ng Quezon?" tanong n'ya sakin

" May naiwan ka kasi eto oh" sabay abot sakanya ng mga papeles

"Ay oonga Hon sorry nakalimutan ko nagmamadali kasi ako"

Nakita ko naman na bahagyang napa ubo ang lalaking kausap kanina ni Alondra kaya napalingon kami

"Ah Mr. Christian Hernandez 'eto po asawa ko si Col. Joaquin Del Tierro" pagpakilala ni Alondra sakin

Nakita ko naman na bahagya s'yang nagtaka ng ipakilala ako ni Alondra

"S'ya napangasawa mo?" tanong n'ya kay Alondra

"Bakit?" tanong naman pabalik ni Alondra

"Ah wala nevermind, sundalo pala asawa mo" saad n'ya kay Alondra saka s'ya nagsalita ulit

"Christian... Christian Hernandez" pakilala rin n'ya habang nakatingin sa akin

Itinapat ko ang kamay ko sakanya para makipag-kamay inabot naman nya agad ang kamay ko

"Nice to meet you, maiwan ko na kayo. Malayo pa byahe ko" sabi ko sakanila, bumaling naman ako kay Alondra at hinalikan s'ya sa may pisngi saka lumabas na ng Coffee Shop at bumyahe na.

ALONDRA'S POV:

Nang maka-alis si Joaquin ay umupo na kami ni Christian at nagsimula ng pag-usapan ang negosyo. Nakita ko naman na panay titig s'ya sa'kin na s'ya namang kinaiilang ko. Hindi na ako naka tiis kaya nagtanong ako

"Ahm excuse me may dumi ba sa mukha ko? Kanina kapa kasi nakatingin" tanong ko

Hinawakan naman n'ya ang kamay ko na agad ko namang inalis.

"Alondra hindi mo ba ako natatandaan?" tanong n'ya na ikinakunot ng noo ko

"Ha? Nagkita naba tayo before?" takang tanong ko sakanya

"Oo, bakit naman hindi mo ako natatandaan? Ako palagi kitang naaalala" sabi n'ya na mas ipinagtaka ko

"I'm sorry pero hindi talaga kita natatandaan"

"Si Tantan di mo natatandaan?" sabi n'ya kaya napaisip ako

"Tantan?! Ung kababata ko sa dating bahay namin?" excited kong tugon sakanya

"Oo! Kala ko hindi mo na ako matatandaan talaga, magtatampo na sana ako sa'yo!"

"Omg! Ikaw nga Tantan!" sabi ko saka ako napatayo at napayakap sakanya

"Sorry. Ilang years na rin ang lumipas. Malaki na rin pinagbago mo saka medyo tumanda kana kaya hindi na kita makilala! " Sabi ko sakanya

"Eto naman sobra ka naman sa tumanda hahaha!" natatawang sabi n'ya sakin

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon