CHAPTER 28

127 14 8
                                    


THIRD PERSON'S POV

   Habang ginagamot si Alondra ay hindi parin mapakali si Joaquin. Nandon din sa labas ng operating room si Tantan. Hindi nagtagal ay dumating  na rin si Alexander kaya walang nang inaksayang oras si Joaquin.

  "Pwede ko na bang malaman ang totoo? Sino yung rebelde kanina na kamukhang kamukha mo?" tanong ni Joaquin kay Alexander, nakatitig lang ito habang hinihintay ang sagot ni Alexander

"Dad naalala n'yo po ba nung panahon na sinasabi kong may kakambal ako? Hindi ako mapakali non kaya hinanap ko s'ya, at natagpuan ko s'ya sa gubat kasama ng mga rebelde." kinakabahang paliwanag ni Alexander

"Ang ibig mong sabihin may kakambal ka talaga? Paano nangyari yon?" naguguluhang tanong ni Joaquin.

Hindi na nasagot 'yon ni Alexander dahil pinatawag na sila ng Doktor dahil gising na si Alondra at nasa maayos na ang kalagayan.

Nang makapasok sila sa kwarto ni Alondra ay agad niyakap ni Joaquin si Alondra at hinalikan sa noo gayundin ang ginawa ni Alexander

"Maiwan ko muna kayo" sabi ni Tantan bago s'ya lumabas ng kwarto

"Kamusta kana? May masakit paba sayo?" concern na tanong ni Joaquin habang nakahawak sa pisngi ni Alondra

"Ayos na ko Joaquin, ang mga bata?" nanghihinang tanong ni Alondra

"Papunta na po sila Mommy." sagot ni Alexander

"Ahm Alondra alam ko hindi ito ang tamang panahon para sabihin sa'yo to pero sasabihin ko na." nag-aalinlangang sabi ni Joaquin

"Ano 'yon? May nangyari ba? May hindi bako nalalaman?" tanong ni Alondra napaupo ito mula sa pagkakahiga at napatingin kay Alexander

"Nakita ko si Lora sa bundok, nagkaharap kami. Buhay s'ya." sabi ni Joaquin

Titinitigan lang sya ni Alondra

"Oh wag mong iisiping ipapagpalit kita sakanya, hindi ko lang alam kung paano s'ya nabuhay." dugtong ni Joaquin

Pinagpawisan naman si Alondra sa narinig hindi ito agad nakapagsalita. Alam na ni Joaquin! bulong nito sa kanyang sarili

"At isa pa! May kakambal si Alexander? Paano nangyari 'yon?" sabi muli ni Joaquin

Dumating si General kasama sina Alex, Xandra at Jaime na agad namang yumakap kay Alondra.

"Bakit hindi ka nagulat? Wala ka man lang bang reaksyon?" takang tanong ni Joaquin kay Alondra

"Da-dahil.." nauutal na sagot nito

"Dahil ano?" Joaquin

"Da-dahil.. a-lam ko na dati pa na buhay si L-lora.. at matagal ko n-na ring a-alam na may kakambal s-si A- Alexander." napapikit na sabi ni Alondra, natatakot s'ya sa magiging reaksyon ni Joaquin.

Nabigla si General ,Jaime at Xandra sa narinig samantalang  wala namang reaksyon si Alex

"Anong matagal mo nang alam? sabihin mo nga sakin anak ko ba talaga sila? Niloloko mo ba ko?! Ha?!" hindi na mapigilang sigaw ni Joaquin kahit nandon pa ang mga anak n'ya.

"Anak mo sila!" hindi na  mapigilang umiyak ni Alondra dahil sa nakikita nitong reaksyon ni Joaquin

"Kelan mo pa nalaman ang lahat ng to? Kelan pa?!" sigaw muli ni Joaquin

"N-nung araw na hindi ako umuwi." naiiyak pa rin na sagot ni Alondra

"Bakit?! Bakit may kakambal si Alexander na hindi natin alam? At..
bakit buhay si Lora?!" nangangalaiting sigaw muli ni Joaquin.

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon