Naihatid na namin si Mimi sakanila. Naunang hinatid ni Tantan si Mimi kasi mas malapit ung bahay n'ya.
Nung kami nalang dalawa ay tahimik kami pareho.
Ilang minuto na kaming tahimik kaya ako na ang bumasag sa katahimikan
"Oonga pala may hindi ka pa sinasabi sa'kin"
"Ano 'yon Alon?"
"Alon talaga? Haha"
"Bakit bawal kana bang tawagin non? Eh un kaya nickname mo hahaha"
"Okay lang pero konti lang kasi nakakaalam non."
"Okay lang yon ikaw nga Tantan tawag mo sakin eh! Ano nga pala gusto mong malaman?"
"May asawa ka na ba?"
"Siguro" sabi n'ya
"Anong siguro? May ganon ba? Hahaha"
"It's complicated eh"
"Panong it's com-pli-ca-ted?" Sabi ko na may diin ung complicated
"Hiwalay na kami pero ayaw naman namin mag annulment"
"Gusto mo pa ba?"
"Oo naman syempre"
"Eh bakit hindi mo suyuin ulit?"
"Humingi s'ya sakin ng space kasi nasasaktan na namin isa't isa. Ibibigay ko sakanya 'yon."
"Ah" sabi ko
Nang papasok na kami sa Village namin bigla nalang huminto ung kotse
"Anong nangyari?" tanong ko
"Ewan ko, tignan ko nga" saka s'ya bumaba ng kotse
Bumaba na rin ako para tignan kung anong nangyari sa kotse
"Alam mo pano ayusin?"
"Hindi eh"
"Maglakad nalang tayo malapit naman na ung bahay namin. Tapos patitignan nalang natin ung kotse mo kay Manong"
"Osige halika"
Kukunin ko palang ung bag ko ng biglang umulan.
"Umuulan na mamaya na kaya tayo pumunta ng bahay n'yo?" tanong n'ya
"Hindi na, okay lang baka hinahanap nako ng mga anak ko" sabi ko saka na naglakad
"Teka" habol ni Tantan hinubad naman n'ya ung Jacket n'ya saka ipinatong sa ulo ko
"Ayan, baka magkasakit ka kasi"
"Salamat" saka namin ipinagpatuloy ang paglalakad
-
THIRD PERSON'S POVNang makarating na sila sa pinto ng Mansion ay nakita ni Alondra si Joaquin na nakaupo sa sofa
"Joaquin!" gulat nitong tawag kay Joaquin napalingon naman s'ya. Nandon din pala si General
"Andito ka pala Hon" sabi ni Alondra saka halik sa pisngi ni Joaquin
"Oh Alondra bakit ngayon kalang saka bakit basang basa ka?" tanong ni Joaquin kay Alondra
Napansin naman ni Joaquin na may kasunod na lalaki si Alondra. Kung hindi s'ya nagkakamali si Christian Hernandez ito
Hinubad ni Alondra ang Jacket saka n'ya ibinigay kay Christian. Napakunot naman ang noo ni Joaquin
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...