Nang matandaan ko 'yon ay napaiyak na lang ako. Hindi ko akalain na gagawin ni Tomas sa'kin 'yon pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako dahil nabuo sila Javier at Alexander. Naputol ang pag sulyap ko sa nakaraan ng tumunog ang cellphone ko
"Hello? Hon? Gising kapa?" Sabi ni Joaquin pagkasagot ko ng tawag
"Hindi pa, hindi ako makatulog eh" sabi ko sa mahinang boses
"Bakit ka napatawag?" tanong ko
"Wala, kamustahin lang kita, kamusta ung meeting n'yo ni Mr. Christian Hernandez kanina?" sabi n'ya sakin, hindi naman ako makapagsalita
Hindi ko alam kung sasabihin ko sakanya. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ung tungkol kay Tomas. Sigurado akong hindi n'ya alam na nagka boyfriend ako dati dahil wala naman akong binabanggit sakanya.
"Hello hon? Nandyan kapa ba?" tanong n'ya ulit
"Ahm oo hon nandito pa 'ko. Okay lang ung meeting kanina. Nagkasundo na rin kami" sabi ko nalang sakanya
"Oh diba sabi ko sayo kaya mo yan! "
"Alam mo bolero ka talaga haha" sabi ko sakanya habang natawa
" 'Di naman nagsasabi lang ng totoo, osige Goodnight na hon. May gagawin pa kasi ako. Tawagan ko naman mga bata. Mag-iingat ka lagi d'yan!" saad ni Joaquin
"Marami pa akong ikukwento sa-" sabi ko sana pero agad na n'ya itong pinatay. Napabuntong hininga na lang ako sabay bulong ng
"I love you"
Pagkapatay ni Joaquin ay pinikit ko na ang mata ko. Ayoko ng maalala ang nakaraan. Nang dahil kasi don ay hirap na hirap na akong magtiwala ulit. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog na ako...
-
Kinabukasan ay pumasok na ako ng Office. Nadaanan ko naman si Mimi pero nilagpasan ko lang s'ya
Habang binabasa ko ang mga papeles na pinapipirmahan sa'kin ay nakita kong kumatok si Mimi
"A-ah A-Alondra" pag aalinlangan nyang tawag sa'kin
"It's Maam Alondra Mimi" sabi ko sakanya ng hindi ko s'ya tinitignan
"A-ah -maam A-Alondra may naghahanap po sainyo"
"Papasukin mo" sabi ko ng di ko pa rin sya tinitignan
"Alondra!" sabi ng lalaking pumasok
Napatingin naman ako sa nagsalita
"Tantan!" tawag ko
"Tantan? Ikaw si Tantan?" sabi ni Mimi kay Tantan
"Oo! sigurado akong ikaw si Mimi dahil wala namang pinag-bago mukha mo! hahahaha" pang-aasar ni Tantan kay Mimi
"Che! Ikaw nga komedyante ka pa rin! Hahaha" ganti ni Mimi kay Tantan
"Oh sakto andito ka pala Mimi sumali ka na sa'min ni Alondra. Magkukwentuhan kamustahan ganon" sabi ni Tantan
Tinignan ko naman si Mimi
"Ah hindi okay lang, may trabaho pa ako eh, saka nalang tayo mag kwentuhan. Nice to meet you ulit Tantan!" sabi ni Mimi saka umalis na
Mukha namang gets n'ya na ayoko pa rin s'yang makasama. Napabuntong hininga nalang ako.
"Anong nangyari don?" sabi ni Tantan saka lumingon sakin
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...