CHAPTER 25

217 16 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

  Nagising si Alondra sa sinag ng araw na tumagos mula sa kinalalagyan n'ya. Unti unti n'yang minulat ang kanyang mata . Agad s'yang nagtaka sa paligid na sumalubong sakanya, nasa isang kubo s'ya na punong puno ng tumpok ng mga palay.

  "Nasan ako? Anong ginagawa ko dito? Agh! Ansakit ng ulo ko!" sabi n'ya sakanyang sarili sabay hawak sa ulo n'ya

"Ano ba 'tong nakikita ko? Nananaginip ba ko? Epekto ba 'to ng alak na nainom ko kagabi?" bulong nyang muli sakanyang sarili.

Napansin n'ya na nakatali ang kamay at paa n'ya sa papag na kinahihigaan n'ya. Doon na naglakihan ang mata n'ya dahil nakumpirma n'yang hindi s'ya nananaginip!

"Waaah! Ano to?! Tulong! May tao ba?! Tulungan n'yo ko!" paulit-ulit na sigaw n'ya

"Walang makakarinig sa'yo Miss kahit paulit-ulit kapang sumigaw d'yan!" sabi ng isang lalaki na nakatakip ang mukha na sumulpot sa gilid n'ya.

"Sino ka? Anong ibig sabihin nito?" sunod sunod na tanong ni Alondra

"Simple lang, may kailangan kami sa Papa mo" simpleng sagot ng lalaki

"Ano?! Pera ba?! May pera ako! Bibigyan kita kahit magkano pero palayain moko parang awa mo na! May mga anak ako!" pagmamakaawa ni Alondra

"Hindi, hindi yan ang kailangan namin! Yan ang hirap sainyong mayayaman ang akala n'yo lahat madadaan sa pera. Akala n'yo lahat kayang bayaran ng pera!" sigaw pabalik ng lalaki

"Kung hindi 'yon ang kailangan n'yo, Ano?" tanong ni Alondra

"Ibalik n'ya sa'min ang pinuno namin. Ipapalit ka namin sakanya." seryosong sabi ng lalaki

Nalungkot ang mukha ni Alondra sa sinabi ng lalaki. Alam n'yang hindi 'yon gagawin ng Papa n'ya.

"Eto na ang pagkain mo" sabi ng isang babaeng nakabalot din ang mukha. May dala dala itong pagkain

"Ayokong kumain" simpleng sagot ni Alondra

"Edi wag, bahala ka d'yan." sabi ng babae.

Pinatawag naman ng lalaki ang babae kaya lumabas sila.

"Krista sigurado kabang walang nakasunod sa'yo?" Tanong ng lalaki kay Krista

"Wala." maikling sagot ng babae

"Sigurado ka? Baka nasundan ka nila Ka Bernabe saka nila Ka Rosa alam mo naman ung mga 'yon parang sugo ng Vatican! Hinding hindi sila papayag sa ginawa natin!"

"Oo alam ko yun, Kuya Isagani."

Si Isagani ay kasing edad ni Bernabe, bata palang s'ya rebelde na s'ya. Hanggang ngayon wala pa rin s'yang asawa dahil pinaglalaruan lang n'ya ang mga babae.

"Wag mokong tawaging Kuya no! Ambata ko pa kaya" pabirong sagot ni Isagani

"We? Matanda ka na kaya!" asar pabalik ni Krista. Pero hindi na kumibo si Isagani

"Oh bakit ganyan ka ngumiti?" tanong ni Krista

"Ang ganda pala ng anak ng Heneral!" sagot ni Isagani

"Hoy! Tigilan mo yang kaadikan mo sa babae! Wag na wag mo s'yang gagalawin! Ibabalik pa natin s'ya kapag nakuha na natin si Ka Diego saka ung Kuya ko no!" kontra ni Krista

"Eh nakita ko kanina kung pano lumungkot ung mukha n'ya nung sinabi ko ung kondisyon natin. Mukhang hindi s'ya ipagpapalit ng Tatay n'ya. Pag nangyari 'yon akin nalang s'ya gagawin ko s'yang asawa ko!" sabi ni Isagani habang nakatingin pa sa langit.

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon