CHAPTER 35

268 17 11
                                    

-

"Hon gising ka pa pala" sabi ni Joaquin ng makapasok na sya sa kanilang silid

"Inaantay kita." malamig na sagot ni Alondra

"Bakit? May problema ba sa mga bata?" tanong ni Joaquin

"Wala." sagot ni Alondra

Nararamdam ni Joaquin na parang may mali. Hindi nito maintindihan kung bakit ganon na lamang ang pakikitungo ni Alondra sakanya.

"San ka galing?" tanong muli ni Alondra sakanya

"Sa kampo" sagot ni Joaquin, inaalis na nito ang uniform n'ya

"Bakit parang masyado kang ginabi?"

"Alondra, minsan maraming ginagawa doon kaya minsan late ako nakakauwi." paliwanag ni Joaquin

Medyo naiinis na s'ya sa sobrang pagtatanong ni Alondra. Nagmadali s'yang magbihis ng pantulog upang makahiga na s'ya.

"Anong ginawa mo sa kampo kanina?" rinig n'yang tanong ulit ni Alondra

"Syempre nagtrabaho." sagot ni Joaquin saka humiga sa kama, tumalikod s'ya kay Alondra

"Sigurado ka?"  tanong ni Alondra, paulit ulit na n'yang minumura sa utak n'ya si Joaquin dahil sa mga sagot nito.

Tumango lang si Joaquin dahil inaantok na s'ya

"Sinugaling!" sabi ni Alondra sa utak n'ya

"Galing akong kampo kanina." sabi ni Alondra na nakapagpagising ng diwa ni Joaquin

Napabangon ito sa kama, saka s'ya humarap kay Alondra

"Galing kang kampo kanina? Anong oras? Ba't hindi ka nagpakita sakin?" sunod sunod na tanong ni Joaquin

"Oh ba't parang takot na takot ka? May kasalanan kaba?" tanong pabalik ni Alondra sakanya

"h-ha? w-wala, w-wala ah " nauutal na sagot ni Joaquin

Sinampal ni Alondra ang braso nito

"Joaquin wag mo nakong gawing tanga!" sigaw niya kay Joaquin

"bakit anong alam mo?" tanong ni Joaquin sakanya

"Nakita kita kanina! Pinuntahan mo si Lora. Tinawagan kita ang sabi mo hindi mo na s'ya kinakausap! Pinagmumukha mo ba 'kong  tanga?!" sigaw ulit ni Alondra, nangingilid na ang kanyang luha.

Bumuntong hininga si Joaquin bago sumagot

"Alam ko na ang totoo." sabi ni Joaquin. Tinignan n'ya ng mabuti si Alondra. Kita naman sa mukha ni Alondra na nagtataka s'ya sa sinabi ni Joaquin

"Anong totoo?" tanong ni Alondra sakanya

"Hindi n'ya ko niloko Alondra. Hindi s'ya maglalayas nung araw na 'yun. Hindi n'ya ko iiwan. Pupuntahan lang dapat n'ya si Tita Remedios pero bigla s'yang nabundol ng sasakyan, pagkatapos ay nacomatose s'ya ng halos isang taon." patuloy pa ni Joaquin.

Hindi na mapigilang maiyak ni Alondra, hindi n'ya maipaliwanag ang nararamdaman n'ya.

"Pero bakit hindi ka n'ya pinuntahan pagkatapos n'yang makarecover?" tanong ni Alondra

"Pumunta s'ya pero nalaman n'yang kasal na tayo kaya hindi s'ya nagpakita." sagot ni Joaquin nanatili lang itong nakatingin kay Alondra

"Anong balak mong gawin, ngayong alam mong hindi ka naman pala niloko ni Lora?" tanong ni Alondra kay Joaquin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon