CHAPTER 29

132 14 12
                                    

Pagkalipas ng isang linggo...

  Makakalabas na si Alondra dahil fully recovered na s'ya. Nandon sina Alex, Xandra, Jaime at Alexander para sunduin s'ya. Nagtataka si Alondra kung bakit wala man lang si Joaquin

"Nasan ang Daddy n'yo?" Tanong ni Alondra habang inaayos n'ya ang mga gamit n'ya.

"Ah busy daw po Mommy, may problema daw sa kampo" sagot ni Alexander

"Galit pa rin  pala s'ya sakin" malungkot na sabi ni Alondra

"Mommy hindi, busy lang po talaga s'ya." sagot ni Alexander kahit ang totoo ay galit pa rin ang Daddy n'ya, ayaw lang nyang makitang nalulungkot ang Mommy n'ya.

"Kayo ba galit kayo sakin? Dahil hindi ko sinabi na may kakambal ang kuya Alexander n'yo?" baling ni Alondra kina Xandra at Jaime

Lumapit silang dalawa sa Mommy nila at niyakap nila ito ng mahigpit.

"Naiintindihan ka po namin kung bakit nyo po tinago, ayaw nyo lang pong magulo ang pamilya natin" sabi ni Jaime

"I love you Mommy" saad naman ni Xandra

Dun na naiyak si Alondra sa sinabi ng mga anak,  mas hinigpitan pa nya ang pagkakayakap sakanila, sinenyasan naman nya si Alex at Alexander na lumapit sakanila at maki akap din.

"Mahal na mahal ko kayo mga anak, gagawin ko ang lahat wag nyo lang maranasan ang narasanan kong sakit noon." litanya ni Alondra na may luha pa rin sa mata.

Pagkauwi ni Alondra ay naabutan nyang nag-aayos ng gamit si Joaquin sa kwarto nila, hindi pa rin sya kinikibo nito.

"Joaquin san ka pupunta?" tanong ni Alondra

"Sa guest room muna ako matutulog, hindi pa kita kayang makasama." sagot ni Joaquin nang hindi sya tinitignan.

"Joaquin ayusin natin 'to, wag mong gawin sakin 'to." sabi ni Alondra, niyakap nya si Joaquin patalikod.

Kinalas ni Joaquin ang pagkakayakap ni Alondra sa likod n'ya saka s'ya nagsalita

"Alondra ilang beses kitang tinanong noon! Tinanong ko kung may tinatago ka pa ba sakin dahil alam mong ang ayoko sa lahat ung mga taong nagsisinungaling sakin!" sigaw ni Joaquin

Napaiyak si Alondra dahil sa sigaw ni Joaquin

"Gustong gusto ko nang sabihin sayo lahat noon pero natatakot ako, natatakot ako na baka iwan moko, baka bumalik ka kay Lora, baka hanapin mo s'ya, baka sabihin mo sakin na 'di mo na ko mahal." iyak ng iyak na paliwanag ni Alondra

"Ano? Hindi sa ganun yon! Pano mo naisip yan?"

"Gusto mo bang malaman kung bakit ko naisip yan?"  Alondra

"Dahil nung anniversary n'yo ni Lora sinundan kita, nakita kitang umiiyak sa harap mismo ng puntod ni Lora sinasabi mo sakanya na hindi mo pa rin s'ya makalimutan at hanggang ngayon sya pa rin ang laman ng puso mo!" dagdag nya sa sinabi nya kanina habang tinuturo ang puso ni Joaquin

Nagulat si Joaquin, inalala n'ya nung araw na dinalaw n'ya ang puntod  ni Lora.

    "Hindi pa rin kita makalimutan, palagi kang nasa isip ko. Mahigit 20 years ka ng wala pero pakiramdam ko may malaking puwang ka parin na naiwan  sa puso ko." sabi ko habang himihikbi

  "Alam mo mahal na mahal.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng  may narinig akong ingay mula sa 'di kalayuan. Agad ko itong nilingon at tinignan kung kanino galing ang ingay na 'yon pero wala naman akong nakita.

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon