CHAPTER 12

175 18 0
                                    

ALONDRA'S POV:
   
    Bigla akong nagising sa ingay ng tubig na nanggagaling sa cr. Inaantok pa ako kaya pumikit muna ako pero gising na ang diwa ko. Maya maya ay naramdaman kong lumabas na rin si Joaquin sa banyo. Bahagya akong dumilat para tignan s'ya nakita ko naman s'yang bihis na bihis.

  "San kaya s'ya pupunta? Ang akala ko'y day off n'ya ngayon" tanong ko sa isip ko

Patuloy ko pa rin syang pinagmamasdan pero hindi ako nagpapahalata sakanya. Lumabas na s'ya ng pinto ng hindi man lang nagpapaalam sa'kin. Kaya dali dali akong nagbihis, balak kong sundan s'ya kung san man s'ya pupunta

Nakita ko na palabas na ng gate ang kotse n'ya. Kaya sumakay na rin ako sa kotse ko. Pinalayo ko muna s'ya saglit bago ako nagdrive.

Habang sinusundan ko si Joaquin ay napansin ko naman na ang daan na tinatahak n'ya ay papuntang sementeryo. Sementeryo kung san daw nilibing ni Papa sina Lora at tita Remedios

"Anong gagawin n'ya don? Dadalawin n'ya ba si Lora? Hindi naman n'ya death anniversary" sabi ko sa isip ko

Nakita ko na pinark na n'ya ang kotse  sa isang tabi. Pinark ko na rin sa 'di kalayuan ang kotse ko saka ako sumunod sakanya.

Dumaan ako sa likod ng mga puntod para hindi n'ya ako makita. Napansin ko naman na may dala dala s'yang mga bulaklak. Nilagay n'ya ito sa lapida ni Lora saka s'ya umupo. Mula sa kinatatayuan ko ay naririnig ko ang pag-hikbi n'ya

  "Happy Anniversary Lora" rinig kong sabi ni Joaquin sa puntod ni Lora

  "Hindi pa rin kita makalimutan, palagi kang nasa isip ko. Mahigit 20 years ka ng wala pero pakiramdam ko may malaking puwang ka parin na naiwan  sa puso ko." sabi pa ni Joaquin habang himihikbi

Para akong naubusan ng lakas sa narinig ko. Bigla akong nanghina at hindi ko alam na andami  na palang luha na pumatak sa mata ko. Parang sinaksak ang puso ko sa narinig ko

"Hanggang ngayon pala hindi mo pa rin makalimutan si Lora. Kahit alam mong patay na s'ya mukhang mahal na mahal mo pa rin Joaquin. Paano pa kaya pag nalaman mong buhay na buhay si Lora? Paano na ako? Paano na tayo?" Bulong ko sa sarili ko habang umiiyak

"Alam mo mahal na mahal.." hindi ko na pinatapos si Joaquin dahil baka pag narinig ko pa 'yon hindi ko na kakayanin. Umalis na ako sa pwesto kong 'yon at dali daling sumakay sa kotse ko.

JOAQUIN'S POV:

"Alam mo mahal na mahal.." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng  may narinig akong ingay mula sa 'di kalayuan. Agad ko itong nilingon at tinignan kung kanino galing ang ingay na 'yon

"Meow!" gulat akong napatingin sa pusa.

"Pusa lang pala!" naiiling kong sabi sa sarili ko.

Bumalik ako sa puntod ni Lora para kausapin ulit s'ya at ituloy ang sasabihin ko kanina

"Alam mo? mahal na mahal ko si Alondra. S'ya ang tumupad ng pangarap ko na magkaron ng isang buong pamilya. S'ya ang tumupad sa pangarap sana natin. Kaya nag papasalamat ako sakanya dahil binigyan n'ya ako ng pag-asa ulit. Akala ko kasi nung nawala ka feeling ko gusto ko na rin mawala, buti nalang hindi ako pinabayaan ni Alondra. Wag kang mag-alala aalagaan ko si Alondra. Aalagan ko ang mga anak ko. Sisikapin kong maging mabuting ama sakanila gaya ng pangako ko sana sa'yo noong nangangarap palang tayong magkapamilya" sabi ko sa puntod ni Lora

Pinatunaw ko muna ang kandila na sinindi ko para kay Lora at tita Remedios saka ako sumakay na ng kotse at nagdrive na pauwi.

Nang makauwi na ako ay umakyat agad  ako sa  kwarto namin ni Alondra para magbihis. Naabutan ko naman s'yang natutulog ulit.  Hinalikan ko naman s'ya sa noo.

Minsan Lang Kita Iibigin IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon