JOAQUIN'S POV
Naiinis ako kay Alondra kaya dali dali na akong umalis nang hindi nagpapaalam sakanya dahil baka kung ano pa masabi ko sakanya. Tama s'ya araw n'ya ngayon hindi ko s'ya dapat awayin.
Kaya naisip ko na tawagan s'ya para humingi sorry sakanya at isa pa nakokonsensya ako na hindi man lang ako makakapunta.
Nakailang dial na ko pero hindi s'ya sumasagot. Tatagawan ko sana ulit s'ya ng makita kong tinatawagan ako ni Xandra
"Hello anak bakit?" tanong ko agad kay Xandra
"Dad!" sagot n'ya
"Oh bakit nga?" tanong ko
"Nasan po kayo?" tanong n'ya pabalik
"Pabalik na ako ng kampo, bakit may problema ba?"
"Kasi po ano eh.."
"Ano nga 'yon anak? nasa byahe ako eh. Ang Mommy mo ba nakaalis na?" tanong ko
"Yun nga po Dad eh kasi kanina nakita ko kanina sinundo s'ya dito ni Tito Tantan ung kababata n'ya Dad diba kilala mo s'ya?" tanong n'ya na ikinakunot na naman ng noo ko
"Si Tantan sinundo s'ya? D'yan mismo sa bahay?" paniniguro ko
"Yes po Dad, nagtatawanan pa nga po sila bago sila umalis eh"
"Aba'y loko talaga 'yon. Nananadya" bulong ko saking sarili
"Hello Dad?" tawag ulit ni Xandra
"Ah nak nandito pako. Nasa bahay paba kayo?"
"Paalis na po kami inaantay lang po namin si Kuya Alexander" sagot n'ya
"Oh sige puntahan mo Kuya Alexander mo gusto ko s'ya makausap"
"Sige po Dad" rinig kong sagot ni Xandra
Ilang segundo lang ay narinig ko na ang boses ni Alexander
"Hello Dad? Bakit po? May problema po ba sa kampo?" sabi ni Alexander
"Hindi, wala pa naman ako sa kampo nasa daan pako."
"Bakit n'yo po ako gustong makausap?"
"Ganito ha pag nandon na kayo bantayan n'yo Mommy n'yo. Tawagan moko sa nangyayari don ha. Bantayan mo rin ung Christian Hernandez na 'yon, sabi ni Xandra sinundo n'ya daw Mommy n'yo kanina d'yan sa bahay" sagot ko sa tanong n'ya
"Bakit Daddy nagseselos kaba?" pabirong tanong ni Alexander
"Basta bantayan mo Mommy mo! Tawagan moko sa lahat ng nangyayari d'yan ha. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Mag-iingat ka sa pag dadrive."
"Yes po Dad. Alis na po kami, ingat din po kayo. Wag kayong mag-alala Dad babantayan ko si Mommy." sagot ni Alexander habang natatawa pa rin
"Osige nak. Salamat, bye" sabi ko saka pinatay ang tawag.
-
Nakarating na ako sa kampo. Hindi ako mapakali sa kaiisip na kasama ni Alondra ung Christian Hernandez na 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko. Dati ay hindi naman ako nagseselos ng ganito gaano man karaming lumapit na mga lalaki kay Alondra. Alam ko naman na hindi n'ya ako ipagpapalit pero iba ung nararamdaman ko sa Christian Hernandez na 'yon.
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...