"Oh andito na pala kayo? Saan kayo galing? Bakit kayo ginabi? Kanina pa namin kayo hinahanap." Joaquin
"A-ah Joaquin kasi nalibang kami sa bayan" Alondra
"Eh bakit hindi mo sinasagot ung mga tawag ko? saka ikaw Alexander hindi mo rin sinasagot"
"Nalowbat kasi kami pareho" Alondra
"Totoo ba 'yon Alex?" Joaquin
"A-ah opo totoo po 'yon" Alex
"Osige, basta wag n'yo na uulitin 'yan. Delikado dito maraming rebelde, halika na kayo uuwi ko na kayo, maiwan kana muna dito sa kampo Alexander babalik rin ako pag nahatid ko na sila." Joaquin
_
Lumipas ang mga araw papunta punta si Alondra sa Quezon ng hindi nalalaman ni Joaquin para puntahan at dalawin si Javier. Sina Alexander at Alex lang ang nakakaalam na napunta s'ya sa Quezon. Nangako naman si Alex na wala s'yang pagsasabihan sa mga nalaman n'ya.
Isang araw habang nasa Quezon si Alondra nakita s'ya ni Berto kaya't nagpalusot nalang s'ya na bibisitahin n'ya si Joaquin.
Pinuntahan n'ya sa kampo si Joaquin at niyaya n'yang sumabay sakanya mag lunch.
"Hon bakit ka nagpunta dito? Anlayo layo nito."
"Miss na miss na kasi kita Joaquin"
"Miss na miss na rin kita, kayo ng mga bata. Kamusta na sila? Kayo?"
"Okay lang sila, ako hindi ako okay"
"Bakit?"
"Kasi feeling ko nambabae ka dito"
"Ako? Hindi ah"
"Biro lang hahah, subukan mo lang yari ka sa'kin."
"Hindi ko gagawin 'yon. Oonga pala hanggang anong oras ka dito?"
"Mamaya pag tapos natin mag lunch uuwi na ako"
"Ihahatid na kita hon, malayo layo rin to baka hindi mo kayanin ang byahe"
Pagkatapos sabihin ni Joaquin 'yon ay napatingin si Alondra sa likuran ni Joaquin doon n'ya naaninag ang isang babae na pamilyar na pamilyar sakanya. Hindi s'ya nagkakamali si Lora 'yon!. Pumikit s'ya na para bang sinisiguradong hindi iyon isang panaginip pero pagdilat n'ya ay wala na s'ya. Bigla namang nagtaka si Joaquin sa biglang pag tahimik ng asawa.
"Alondra may problema ba? Anong nangyayari sa'yo? Bakit parang namutla ka?"
"A-ah hindi baka namamalikmata lang ako." Alondra
"Ano anong namamalikmata ka? Alondra ano bang pinagsasabi mo?"
"Ha?" Alondra
"Anong nangyayari sa'yo kako"
"A-ah wala Hon. May naisip lang ako, sige tuloy na natin pagkain natin" saad ni Alondra
-
Tapos na silang kumain kaya't pauwi na si Alondra at Joaquin
Sa loob ng kotse....
BINABASA MO ANG
Minsan Lang Kita Iibigin II
RomancePaano kung isulat kong muli ang teleseryeng Minsan lang kita Iibigin, Makuha kaya ni Alondra ang pagmamahal at masayang wakas na inaasam nya? My own version of Minsan lang kita Iibigin. BEWARE: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH. (First time ko pong m...