Pajama Addict Stories (pajama_addict)

1.7K 16 1
                                    

Pajama Addict Stories

by pajama_addict

Ok, lahatan na kasi naipon eh. Puro sa libro ko kasi nabasa. So yeah.

Una kong nabasa yung Dyepni at literal na nakakainlove lang talaga yung mismong storya. Sunod ay ang Mistakenly Meant For You, Once Upon a Fishball & Red String of Fate. Well lahat sila na published na ng Bookware. So pwede nang mabili ngayon sa bookstores. At sinasabi ko sa inyo, SULIT NA SULIT ang mga librong yan! Pag stress ka, basahin mo lang sila, sasaya ka na. Ang sarap kaya ng feeling ng kinikilig. At sa mga storyang ‘to, I guarantee you, kilig overload talaga. Yung tipong mapapayakap ka ng mahigpit sa unan sabay gulong sa kama, takip sa mukha ng unan sabay tili. Yung ganun! Hahah.

Alam nyo bang hindi ako nagbabasa ng ongoing stories? Pero grabe ang powers ng pajama_addict stories. Hindi ko napigilang hindi sila basahin agad. Hindi naman lahat.. Binasa ko na yung Cupid’s Fool, Said I love You But I Lied, But I Lied, Bedroom Negotiation at LOVEFOOLS! Gosh! Lovefools! Shet favorite! Hahaha! Parang baliw tuloy akong naghihintay ng update. Hahaha! Ang pagbabasa ko ng ongoing ay kasalanan ng mga Carbonel. Oo, ang unang Carbonel at Sandoval na yan! Nakita ko na kasi yung side story ni Lee Ann at Nickolai sa Red String of Fate, eh nagandahan at nacurious ako, eh di ayun binasa ko yung Said I love You But I Lied. Paking tape! Dapat silip lang yun eh. Nagtuloy tuloy! Hanggang sa sinunod ko na yung isa pang Carbonel, si Lian. Shete naadik din ako sa story nya. Pero nung akala ko na si Lee Ann at Nickolai na ang peyborit ko, hindi pa pala dahil nandyan pala sina Red at Green! Syeeet! Super kilig ng LOVEFOOLS! *tiliiiiii* Hahahaha!

Bakit addicting for me ang mga story nya? Ito ay sa aking preference lang. Ewan ko sa inyo. Pero gusto ko kasi yung enemies turned lovers stories. Yung may chase. Yung may touch of revenge. Yung tumatagos sa puso. Cliché ba kamo? Hindi rin. Ibang klase kasi siya magpaikot ng storya. Yung tipong one moment ganito lang ang nangyayari tapos sa isang iglap, ganun na. (Ano daw? Hahah!) Basta! Laging may twist! At yung twist, hindi ka paghihintayin dahil naguumpisa pa lang may twist na agad. Yung mga story niya yung tipong unang chapter pa lang, maganda na. Catchy kumbaga. Wala nang interlude, climax agad. Hahah! At ang nagustuhan ko pa, matalino ang mga characters. Ang sarap basahin ng convo dahil mga matatalinong tao ang nagsasalita. U.P. studes kasi silang lahat. Matalino kasi ang author that’s why. Alam mo yung mga sagutan at asaran, hindi basta basta trash talk lang.. may sense eh. Ang galling kumounter attack ng bawat character. At eto pa, matapang ang mga babaeng character. That’s what I love most. Matalino na, matapang pa. Oo, bias na ako. Feminist here! Ayoko ng mga api apihang babaeng character. Ayoko ng tatanga tangang babaeng character. Gusto ko dominant sila. Gusto ko lalaki yung naghahabol. Hahahaha. Walang basagan, okay? And so that’s why I love all pajama_addict’s stories.

Yung time na magiging completed nang sabay sabay ang stories nya? Oh..HEAVEN! Hahaha! Ok lang burahin sa wattpad, pinapublish naman eh. Worth buying ang book kaya ok lang. Sana lang bilisan ng publisher maglabas ng libro. Hahaha! At sana parang Red String of Fate lang na two volumes agad. Hindi ka na paghihintaying ng next part. Pati Once Upon a Fishball, isang makapal na libro at isang bagsakan na lang. Looking forward for more PA stories.

And that’s all, folks!

External Link: pajama_addict wattpad profile page

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon