University Series (4reuminct)

155 2 0
                                    

March 22, 2021

Hello sa'yo na nagbabasa nito (kung meron pa 😂). After 2 yrs, nabuksan ko ulit ang account na to. Nakalimutan ko na kasi yung password. Nahulaan ko lang ngayon. 😂

So hindi ko na iisa isahin ano, University Series na agad. Lahat na para bongga. Kasi lahat naman maganda.

Honestly, hindi na ko masyado nakakapag wattpad. Piling author na lang nababasa ko. And usually, hinihintay ko lang palagi matapos ang story nila. Kasi hindi ako nagbabasa ng ongoing. Di ko kayang mabitin. At madali akong makalimot sa huling nangyari lalo kung matagal mag update ang author. Anyway, I still try once in awhile na magbasa from different authors. Isa si Gwy sa mga "buti na lang nitry kong basahin".

I am the type of Wattpad reader na hindi nakikiuso sa trend. Popular na ang University Series noon, hindi ko pa rin binabasa kasi as much as possible, ayoko na ng story na school setting at students ang main character. Matatapos na yung book 3 nung nagstart akong basahin ang The Rain in Espanya. Nagandahan ako kaya tinuloy tuloy ko na. Swerte kasi patapos na rin yung Chasing in the Wild nung time na yun. Kaya hindi ako nabitin.

Pinaka favorite ko so far yung book 3. Iba talaga si Seve! Nabasa ko sya nung kasagsagan ng lockdown at super stress ako sa work kasi sa travel agency ako. Most of our bookings are Europe trip! Imagine all the cancellations happened when the freaking corona started. Lunok lang ang pahinga friend! Umay to the nth level! So.. this book was my breather. Tuwang tuwa talaga ako kay Seve. Ilang ulit kong binasa yung ibang mga scenes na favorite ko kasi hindi ako maka get over. At kapag gusto ko lang gumaan ang pakiramdam ko, kiligin at sumaya, binabasa ko siya ulit. Maganda lahat ng Univ Series pero iba ang impact sakin ni Seve at Elise. Sila talaga yung pinaka mahal ko.  At kapag nagka anak ako, Sebastian Vincent ang ipapangalan ko. Totoo to! Hahahaha. Sana dumating ang panahon na yan. 😆

Anyway, I still have a lot to recommend. Pero ang busy ko talaga. So, till next (if kaya pa 😂).

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon