The Despicable Guy 1 & 2
by shirlengtearjerky
Edited: 12-15-13
Nabasa ko ang TDG original version, last year pa (2012). Kung tama ang pagkakatanda ko, ito ang 4th or 5th wattpad story na nabasa ko. At simula noon, hanggang ngayon, TDG pa rin ang no. 1 sa puso ko. Haha! KevJe forevs! :)
Katatapos ko lang basahin ang TDG at IIF nung umalis si author dati sa wattpad. Nagsimula rin ang kalokohan kong ito dahil sa TDG. Dati, TDG at If I Fall lang talaga ang laman ng “Stories Worth Reading”. Naisip ko lang dagdagan dahil.. wala lang. Haha! :) Nalungkot talaga ko nung umalis si Leng sa wattpad dati kasi newly found favorite author ko siya noon eh, tapos biglang umalis. Pero ok lang dahil naintindihan ko naman yung reasons nya kaya sinundan ko na lang siya sa Blogspot, Scribd at Figment. Haha!
Ito ay story nila Jersey Benitez Santiago at John Kevin Uy Santos.
Sino bang hindi kikiligin sa KevJe? Eh sila na ang masasabi mong perfect couple na hindi ko alam kung may ganyan ba talagang nag eexist sa mundo. Sobrang meant to be.
Setting ng story? Mostly sa UP. Oh, eh di sila na matalino! Beauty and brains! Pag binasa nyo ang TDG para na rin kayong nagexplore sa UP. Events, tambayan, popular places at lahat ng ganap about UP nandito.
Enemies slash rivals turned lovers. Sounds usual plot of story right? But nuh ah! Iba to! Realistic ang plot. Hindi puro pa-cute, patweetums at kakornihan. Maraming murahan which I find very natural. Hindi sa gusto ko ang murahan.. basta! Unexplainable. Kung choice of words lang din naman ang pag uusapan, for me, wala ng tatalo kay Shirlengtearjerky.
Devil Woman Syndrome, sabi nga ni Kevin, a very rare case na si Jersey lang ang meron. DWS, natutuwa talaga ko sa term na yan. Kakaiba kasi, ang ginawang endearment ng KevJe eh, Devil Woman / Icelot. Oh diba? Unique! At si Kevin lang ata ang lalaking natuturn on or na-aatrack sa babae pag nagmumura. Hahaha!
Meron ding matatawag na deepness yung story.. Naks! deepness? May ganon ba? Ewan ko din.. hahaha! Basta yun na yun. Ang ibig kong sabihin, yung para bang may pinaghuhugutan? Yung tipong pag binasa mo yung story, ramdam mo yung emosyon kahit na hindi mo pa naman nararanasan yung mga ganoong sitwasyon. At bawat character sa storya ay may kwenta, nabigyan sila ng kanya kanyang spotlight, somehow. Kumbaga, walang na-echepwera.
Friendship aka Secret Society. Kung meron pang nagpaganda sa TDG, yun na ang Secret Society. Sila lang naman ang nagpush sa KevJe love team! Ito ay binubuo nina Amae, Keith, Sath, Jerro, Kat, Pao at Jicker. Sila ang mga kaibigan na hihilingin mong sana you have friends like them.
Favorite part ko sa TDG? Syempre yung “Minsan Ako Si Madonna” play na ginanapan ni Jersey at Kevin as Madge and Efren. Ewan ko ba, pero tuwang tuwa ako sa part na yun. Sobrang naiimagine ko kasi yung mga scenes dun. Sobrang kilig! Lalo na dun sa part na iniba nila yung lines sa play on the spot. Hahaha! Natawa talaga ko dun sa line ni Jersey na “at masaya pa kayong kumakain ng shawarma” hahaha! Tapos sabayan pa ng reaksyon ni Amae nung napansin nyang iniiba na nila Jersey yung lines. ^_^
Isama mo na rin ang mga background music na nandito.. LSS kung LSS! Naging favorite ko tuloy ang Never Gonna Leave This Bed ng Maroon 5 at After All ni Peter Cetera dahil sa TDG. Isama mo na rin ang How Deep is Your Love ng Bgees. Pag naririnig ko ang mga kantang yun, KevJe lang talaga naaalala ko. Pati yung Sundo ng Imago! Si Jersey ang naiisip kong kumakanta nun. Haha!
At syempre ang pinaka epic sa lahat ng part ng story ay ang kasal nila.. ^__^ Haaaaay! grabe yung wedding vows nila! Sobrang bilib talaga ko kay Leng dahil dun.. :)) Di ko alam kung saan nya hinuhugot yung ganun! Punong puno kasi ng emotions. Tapos yung wedding song pa nila, yung After All, saktong sakto yung lyrics para sa love story nila. Parang ginawa yung kantang yun para sa story ng KevJe. Swak na swak lang. Sa totoo lang, kinilabutan ako nung una ko yung nabasa, habang naka earphones ako at nagpeplay ang After All.
Ayoko ng pahabain pa, dahil wala na kong masabi. Basta ang gusto ko lang iparating, wala pang nakakatalo sa TDG as PINAKAMAGANDANG STORY na nabasa ko. The best ang ending, yung tipong wala ka ng hahanapin pang iba. Hindi bitin, at hindi na kailangan pang humiling ng Book 3. Ito lang ang kaisa isang story na kaya kong basahin ng paulit ulit nang hindi nawawala ang excitement habang nagbabasa. Actually, ilang beses ko na rin syang nabasa ng buo. Tapos, minsan binabalik balikan ko yung mga fave scenes ko. Minsan nga, may babasahin lang akong scene tapos magtutuloy tuloy na. Haha! Feeling ko nga mas kinilig pa ko nung naulit ko na syang basahin kaysa noong una ko syang nabasa. Haha! Mas kilig ang repeat. Try mo. XD
Kaya.. Two thumbs up sa’yo Ms. Leng / shirlengtearjerky!
Nabasa ko na rin pala ang book version. Medyo naiba lang ng sobrang konti. Yung names lang ng places. Saka nadagdag yung “One Step Closer” ni Kevin. Kung di mo pa nabasa, bumili ka na. 195 pesos lang. Published by Summit Books. English version with bookmark pa.
And that’s all folks! :)
PS. Sa mga nanghingi, nanghihingi at manghihingi pa lang ng softcopy, HINDI PO AKO NAGBIBIGAY, okay? Wag makulit dahil BAWAL yun. BAWAL! Magagalit si idol! Bumili ka ng libro para mas masaya. :)
External Link: The Despicable Guy 2
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p