Why Do BIRDS Suddenly Appear? (BlackLily)

6.8K 12 6
                                    

Why Do BIRDS Suddenly Appear?

by BlackLily

~082013~

Oh Em G! As in OW-EM-JI talaga! Yuck! Ang conyo! Haha!.. :D

Anyway, napapa ‘Ooowww’ lang talaga ko sa amazement. Sorry pero parang ang OA ko lang? Pero hindi talaga eh. May WOW factor lang talaga ang story na ‘to. Hindi ko alam kung saang bahagi ng hypothalamus ni author hinuhugot ang ganitong idea, ganitong plot at flow ng story. Bow talaga ko dito. Pampelikula na ang peg nito. Kung ako lang si Mother Lily, gagawin ko ng pelikula ‘to. Haha! Eh walang sinabi yung mga romantic comedy films na napapanood ko recently eh. >.<

Ok, ikukwento ko ang simula para naman magkaron’ ng idea ang mga hindi pa nakabasa. Ito ay pinangungunahan nina Jamie Xiara Garcia at Angelo Jhudiel Villegas na parehong NBI agent. Una silang nagkita sa isang mission kung saan hindi nila alam na kapwa sila secret agent. Si Xiara bilang nagpapanggap na baklang customer at si Jhudiel naman bilang isa sa mga macho dancer. Pinagkamalan pa ni Jhudiel si Xiara na totoong bakla at natapos ang gabing yun na hindi nya nalaman na totoong babae pala si Xiara. So yun nga, *insert cliché theme of story here pero hindi naging cliché ang dating dahil awesome si author* Arrange marriage. One year na pala silang engaged pero hindi nila kilala kung sino ang ka-fixed marriage nila. Hanggang sa dumating ang araw na nagharap harap na ang pamilya nila para pagusapan ang kasunduan. Pero syempre bago yun, may nangyari muna at hindi ko na lang ikukwento. Ang bottom line ng usapan ay isang hamon mula kay Judiel na magpakasal na sila right then and there para patunayan ang pagkalalaki nya dahil inakusahan siya ni Xiara na isang bakla sa harap ng pamilya nila with matching picture of evidences pa. Pero bago pa yun, way back college days ni Xiara, may nanghula sa kanya na ang lalaking nakatakda sa kanya ay nagsisimula sa ‘J’ ang pangalan, may nunal sa dibdib at sa ano.. sa ano! Basahin mo ang title. It says it all. Haha! And the story goes on.. Click the external link.

Ok! Dahil ayoko ng mga naiispoil.. SPOILER ALERT! Kung hindi mo pa nabasa, pwede ka nang lumayas sa page na ‘to at i-click ang external link. Magbasa! Susunod na ang reaction paper ko.

Cause its 12:51 and I thought my feelings were gone~~ Echos! Sound trip lang. Ang totoo nyan ala una na ng madaling araw. May bagyo kasi! Haha! Eh anong konek no? Wala lang sinabi ko lang kasi hindi ako papasok bukas kahit double pay. Aray! -__- Baha kasi sa dadaanan ko. Baka mastranded lang ako at ako lang yata ang may balak pumasok sa team namin. Ayoko magpaka-hero ok? Eh bakit ko ba sinasabi ‘to, wala naman kayong paki diba?.. Haha! Baka blue moon ngayon kaya ganon. Anyway, ang daldal ko talaga kainis. Start na nga! Kasi pasado ala una na oh! >.<

Ok game ito na talaga. Bihira akong sumubaybay ng ongoing story. Tatlo lang yata ang sinusubaybayan kong ongoing and I’m planning to stop it na kasi shet na malagkit sobrang nabibitin ako! Ako ang tipo ng reader na marathon magbasa. Lalo na pag maganda ang story. Hindi ko talaga titigilan hangga’t hindi ko pa natatapos. Kesehodang hindi na ko matulog kahit may pasok pa ko kinabukasan. Ganun ako. Kaya sa mga story ni author na sobramg ganda talaga. Hindi kakayanin ng powers ko na sumubaybay ang isang ongoing na story nya; although masaya sanang magcomment every chapters. Kaya reaction paper na gan’to na lang ginagawa ko. Itong WDBSA, matagal ko na syang inaabangang matapos. At nung nakita ko sya kaninang tapos na, dinownload ko na agad kasi offline reader ako. Kaninang 6pm ko yata sya inumpisahang basahin at natapos ko sya ng 11:30pm. Ako na ang masaya, ako na ang blooming, ako na ang kinikilig! Haha! Everytime na nakakatapos ako ng story ni author ang sarap ng feeling. ^___^ Parang I just can’t get enough. Haha! Echos! Susunugin ko na talaga sarili ko sa kakornihan. Pwe! >.< Pero kidding aside, number 1 favorite author ko na talaga si BlackLily! Confirmed na confirmed na. Kumbaga sa flight HK na ang status nya, hindi na HL. Kaya ayoko munang maubos ang story ni author sa reading list ko. Uunti untiin ko muna. Baka maubos eh. Yung ‘Charm’ di ko pa nababasa saka TOA, ADNJP, HTDAP and BTG. Oha! May stock pa ko!.. :)

Hindi naman ito ang pinaka favorite ko sa story ni author. Bumilib lang ako kasi kakaiba ang story para sa’kin. One word to describe WDBSA.  ASTIG! Astig talaga! Rom-com pero hindi patweetams na pa-cute. Arriange marriage pero hindi in a usual way. With action pa dahil NBI agent sila. At syempre ang naguumapaw na kilig factor nandito! Kaya nga sabi ko sa una, pampelikula na ang peg nito dahil nakikita ko talaga sya na parang movie. Jampack kumbaga kasi nandito na lahat. At ang light lang ng story kasi yung conlict part eh hindi masyado mahaba so hindi ako nastress ng bongga. Hindi ako naiyak sa lungkot medyo naluha ako sa kilig. Haha! Natouch ako shet! Haha! Yung mga spiel kasi ni Jhudiel kainis! Ang romantic. Ang gentleman na medyo bastos. Haha! XD

Wala akong mapiling favorite part ng story kasi lahat ng part walang itatapon. Super like ko lang talaga stories ng Villegas clan. Kay Paeng, Raziel at Jhudiel pa lang nababasa ko. Syempre sa kanila pa lang completed eh. Pero hindi pa rin napapalitan ang pinaka favorite character ko sa mga stories ni author. Si Lucas! <3 Haha! Aylabet! Halikan Kita Dyan Eh! Amp! >///< Nikikilig ako! Haha!

And that’s all folks! Ang landi ko syet! >///<

PS. At dahil makapal ang muka ko. Gusto ko lang magtanong kay author. Konting tanong lang parang interview, ganun. Eh kasi nga official number 1 fave author na kita. Gusto ko lang na may alam naman ako sa idol ko kahit konti. Haha! I-ppm ko po author kung pwede? Pwede po ba? Haha! Kung hindi, wag nyo na lang po akong pansinin. Ang kapal ko lang ngayong alas dos na ng madaling araw dahil sobrang lakas ng ulan. Anong konek? Eh kasi hindi ko na marinig yung music ko. Tapos wala pang load yung broadband ko. Kaya bukas ng umaga ko pa ‘to maa-upload kasi makikisagap lang ako ng wifi sa kapitbahay. Oo! Ako na parasite.. AMP! >.<

Click the external link for the story. :)

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon