Heartless
by jonaxx
Finished reading: 11-18-13
Reaction Paper posted: 12-09-13
Una sa lahat, Mapapansin Kaya muna ang basahin mo bago ito, okay? :)
A brief synopsis. Ito ay pinangungunahan ni Coreen Samantha Aquino, isang babaeng mahilig sa ‘in betweens’, obsess sa thrill, sa chase, sa challenge, gusto niya yung walang kasiguraduhan, yung unpredictable. Bestfriend sya ni Reina Elizalde, na kapatid naman ni Rozen Gaiser Elizalde at Noah Elizalde. Grade 5 pa lang ay crush na ni Coreen si Noah pero hindi naman siya nito pinapansin. There goes Rozen na matagal na palang may gusto sa kanya. Napilitan nyang tanggapin ang offer na deal ni Rozen na one month dating kapalit ng assurance na after nito ay mapapansin na siya ng kanyang all time crush na si Noah. Sa isang bwan na ‘yon, maraming mangyayari at magbabago na sobrang ikatutuwa ng puso mo. Haha! XD Basahin mo na at nang malaman mo kung sino ba talaga sa kanila ang may titulong Heartless.
Isa ang Heartless sa mga storyang mahirap kalimutan. Yung feeling na pagkatapos mong basahin eh parang wala ng ibang magandang storyng nag eexist sa wattpad. Haha! Yun kasi ang nafeel ko. Grabe, parang nagka-hangover slash aftershock ako sa Heartless. Masyadong nakakainlove si Rozen, myghad! Haha! >////<
Nasabi ko na ‘to dati, hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko yung enemies sa una tapos magkakatuluyan. Haha! Cliché, right? But who cares, I love it! Depende kasi yun sa author kung paano niya paiikutin ang storya. At itong Heartless? Omyghad! This just got me whipped and smitten. Hard! Haha! (pahiram lang ng line, Drake. XD) Gustong gusto ko yung chase. Yung endless chase. Lalo akong naiinlove kay Rozen! Haha! Lalo na pag nagbibitiw siya ng mga salita slash banat na super duper kilig overload! >/////<
At eto pa, mas bumilib ako dahil parang magkasabay ginawa ang Mapapansin Kaya at Heartless. As in sobrang galing lang. Parang bago pa matapos ang Mapapansin Kaya, eh buong buo na ang storya ng Heartless. Actually, habang binabasa ko ang Heartless, eh binabalik balikan ko yung mga scenes sa Mapapansin Kaya. At ang galing lang dahil parang nagpalit lang ng POV. Mapapaisip ka na lang na ‘oh kaya pala wala si Coreen nung time na yun’.
Sa Mapapansin Kaya pa lang eh, napansin ko na parang may something kay Coreen at Rozen. At nung makita ko yung Heartless, ay over na-excite na ko noon kahit description pa lang ang laman. Na-feel ko agad na mas kikiligin ako ng bongga kay Coreen at Rozen. Hahaha!
Kaya naman, ito na ang pinakafavorite ko sa lahat ng story ni jonaxx. Hindi ako nagbabasa ng ongoing kaya nung nakita kong completed na siya eh, sinimulan ko agad basahin. Sobrang atat na atat na talaga akong basahin ‘to noon, pinigilan ko lang, pati ang pagbabasa ng mga comments na sobrang spoiler! Although minsan, nakakabasa talaga ako ng makakapagspoil sa’kin. Example ang trend sa twitter na #DaddyNaSiRozenElizalde. Kahit hindi ko pa nabasa syempre nakisali ako sa pagpapatrend. Haha! Lalo naman yung finale na #HeartlessFinaleByJonaxx. In fairness, 2nd spot tayo nun. Haha! Kinareer ko talaga ang pagtutweet. Haha! Todo kampanya ako sa wattpad page na pinagaadminan ko. 1st spot kasi yung target ko nun. Kaso pag minamalas ka nga naman, nagkataon na yung kalaban sa 1st spot during that time, eh 1st spot trending worldwide pala! Haha! Parang bumangga lang sa Great Wall of China. Anakng! Huli ko ng narealize na sina Justine Bieber, One Direction at kung sinu sino pang MTV stars ang kalaban sa trend.
So ayun lang naman. Haha! Ang haba. >.< Iba kasi talaga ang feeling after mabasa ang Heartless. Nakakawala ng ulirat. Charot lang! Haha! Basta pag gising ko nun, namiss ko lang si Rozen. Charot ulit! (pero totoo.. Haha! XD)
And that’s all folks. Damn that sexy beast! XD
External Link, go! :)
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p