Downfall Chronicles (jonaxx)

7.7K 29 8
                                    

Downfall Chronicles

by jonaxx

~082913~

Ito ay story ni Serene Cruz at ng ultimate crush nyang si Daelan Tanseco. Imagine, grade 3 pa lang sila nang magsimula ang crush life nya kay Dae. Hanggang sa gumraduate na nga sila ng elementary at kinailangan ni Serene na pumunta sa ibang bansa for 3 years. At sa pagbabalik nya, ang inakala nyang binasurang feelings para kay Dae ay wala na, well, she got it all wrong dahil yun nga, si Dae pa rin! And the story goes on.. basahin nyo dahil super kilig itOooo!!! :)

SPOILER ALERT! Here’s my reaction paper.

What the hell?! Kinikilig ako! Packing! Haha! Feeling teenager lang? Gaaahhh! Pero wait lang.. Bakit nga ba kikiligin ka ng bongga dito? Eh kasi, simula umpisa palagi na lang si Serene ang naghahabol kay Dae. Hanggang sa umabot na dun sa ball na hindi sinipot ni Dae si Serene, tapos yung sumama si Serene kina Dae at Francine sa farm. Yung mga yun?.. Habang binabasa ko yung part na yun? Parang gusto ko ng iumpog si Serene nang matauhan na. Sobrang martyr nya kasi. Tapos si Dae gusto ko syang murahin ng isang malutong na PAUTANGLIMAMO! Haha! Potek! Naiiyak ako para kay Serene dun! Haha! Eh dumating si Nico, nagbago ang lahat. Ohmygash! Start na yun ng kilig vibes. Shets! Haha! XD

Wait lang, i-eexpound ko yung mga remarkable scenes sa story. Una, yung sa ball nga. Yung hindi sinipot ni Dae si Serene. Sobrang nakakaleche lang. Tapos malalaman mo pa na ang reason kung bakit di ka sinipot ng date mo eh dahil sa ex nyang lukaret?!! WTH diba? haha! Tapos pinagtakpan pa sa magulang! Packing! >.< Parang pinamuka lang ni Dae kay Serene na panakip butas lang sya. Wala syang date that time kaya niyaya nya si Serene pero nung meron na, ayun iniwan na lang basta. Gagu! Sarap sabihan ng PAUTANGLIMAMO! Haha! XD At eto pa ang worse, niyaya pa nya si Serene na sumama sa farm nila Francine! Parang gago lang.. Haha! And Serene, being the most gaga of all time, sumama naman! Yung totoo?.. Masokista si ate? Haha! Tapos sa huli, malalaman mo lang pala na ang ultimate agenda ni Dae sa pag invite sa kanya eh para luminis ang pangalan nya kay Crayon, para maipakitang ok sila ni Serene kahit hindi naman. Packing tape! Masking tape! Salompas! Pero infairness! I so love the confrontation scene dun. Parang IN YOUR FACE DAE! ANG GAGU MO! Haha! XD

Next is nung umenter na si Nico. Haha! Nico, the celebrity at dating boarder ni Kuya sa PBB house. Bongga! Ang bagong admirer ni Serene, celebrity! Sinong hindi mate-threaten? Haha! Ayun, shet na malagket! Simula na talaga yun ng kiligs eh! Haha! Yung mga palipad hangin ni Dae, gestures, etc.. etc.. Ha! Basta, yung parang nagseselos na sya. Weeee! Tapos yung scene sa parking lot! Yung chapter 60!!!! The best! Haha! Yung feeling na.. Waaah! Sa wakas, this is it pansit! Dae is into Serene naaaa!!! XD Yung scene na ‘to:

Dae: "Kayo na ba?"

Nico : "Ano naman ngayon kung kami na nga?"

Dae: "Kung kayo na, edi kukunin ko siya sayo."

Nico : "Ba't mo siya kukunin?"

Dae: "Dahil akin siya."

Serene:"Dae, tama na. Di ako sayo~"

Nico : "Serene, hayaan mo muna siyang magsalita."

Dae: "Ba't mo siya liniligawan, ha? May masamang balak ka sa kanya no?"

Nico : "Liniligawan ko siya dahil MAHAL KO SIYA AT KAYA KO SIYANG ALAGAAN. May problema ba?"

Dae: "Wala, kasi ako naman ang mahal niya diba?"

*Nagkatinginan ang dalawa*

Dae: "At liligawan ko rin siya at tatapatan kita. Hihigitan pa! Wala namang problema diba?"

*evil smile*

*hinila ang kamay ni Serene*

Dae: "Liligawan kita, narinig mo?" *Binulong niya sa tenga ni Serene*

Serene: "B-Bakit? P-Paano? Ano?"  *Wala na, brain damage*

 

OMFG! Yun! Hahaha! Tapos after nun.. wala na.. kilig kilig na.. Haha! :) Ewan ko ba pero kinilig talaga ko ng bongga sa storyng ‘to. Samahan pa ng makulit na mga banat ni Crayon. Para kasing habang nagbabasa ka nito, kasabay mo si Serene na naghihintay para kay Dae. Haha! Ang tagal ng hinintay natin. Pero worth it naman ang kilig! Hoho!

And that’s all folks! ^_^

External Link: Downfall Chronicles (sa watty, ongoing pa sya dito)

Yung buo, nasa http://jonaxxstories.blogspot.com/2009/04/downfall-chronicles.html

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon