He's Into Her (maxinejiji)

9.5K 131 90
                                    

He’s Into Her

by maxinejiji

~100613~

Kung KILIG at KILIG lang din naman ang hanap mo. Eto na yun! Sinasabi ko sa’yo, mangingisay, tatumbling at gugulong ka sa kilig dito lalo na sa Season Two! Kaya click the external link to route you to the story. Puro reactions ko lang ang laman nito. :)

A brief synopsis. Hate at first sight, mortal enemies, bully buddies. Dyan nagsimula ang storya nina Maxpein Zin del Valle, isang babaeng hindi kakikitaan ng emosyon sa mukha, cold personality, misteryosa, matalino, malakas ang dating at higit sa lahat hambog at ni Deib Lohr Enrile, campus crush, gwapo, basketball player, mama’s boy at number one bully ng Brint International School (BIS). Kulang ang salitang ‘they hate each other’ para sa kanila dahil away kung away at gantihan kung gantihan. Paanong magugustuhan ng isang gwapong gwapong Deib ang isang cute na cute lang na Max? Lalo na kung wala syang nakikitang maganda dito maging sa looks at personality. At paano ring magugustuhan ng isang Max ang isang Deib kung sya ang naging dahilan ng paghihirap ng buhay estudyante nya? Well, it’s for me to know and for you to find out. External link, GO! :)

Kung pagbabasehan mo ang synopsis na ginawa ko, mukang napaka cliché ng pagkakadescribe ko. Sorry naman.. ayoko lang ng spoiler sa simula. Mamaya ako hahataw. Haha! Well, going back… Ito ay gangster story, humor at higit sa lahat naguumapaw na kilig. Pag sinabing gangster, gangster talaga! Ito yung hindi pekeng gangster story, action jam packed ito. Kaya kung hindi mo pa ‘to nababasa, pwede ka ng lumayas sa page na ‘to dahil sisimulan ko na ang reaction paper ko.

WARNING: Spoiler Alert! layas na sa mga ayaw ma ispoil. XD

Una sa lahat, ito ay reaction paper KO, POV ko ‘to. Kung hindi ka sangayon sa mga sasabihin ko, ok lang pero ‘wag mong ipilit ang gusto mo kasi nga reaction ko ‘to. Ok? Haha! Pinangungunahan ko na. Ba’t ba? Haha! XD

WARNING ulit: Medyo mahaba! XD

“Don’t judge a story by its beginning”. Naniniwala talaga ko jan eh. Haha! Kaya nga naituloy ko ang pagbabasa ng HIH eh. Bakit? Eh kasi nga sa totoo lang, palagi ko ‘tong sinasabi dun sa page na pinag aadminan ko, naboringan talaga ako sa umpisa ng HIH. Wait lang, mamaya na ang violent reactions, magpapaliwanag ako. Haha! Una sa lahat, hindi ko sinasabing ‘boring’ ang umpisa dahil sa gusto ko lang manlait kundi para iparating na ‘sige lang, ituloy mo ang pagbabasa kung boring din ang dating sa’yo’ dahil pag narating mo na ang exciting part, hindi mo na talaga magagawang itigil pa ang pagbabasa. Para sa AKIN kasi, nagsimula ang spice nung nasa 70% na ng season 1 at nagtuloy tuloy na nga sa season 2 kung saan mapapatumbling ka talaga sa KILIG! Haha! :D

Pero bago yun, eto muna. Bakit ako naboringan sa umpisa? Una sa lahat, sooobrang haba. Hindi sa ayaw ko ng mahaba. Sa tingin ko lang ay maraming unnecessary informations at conversations ang nasa umpisa. As in sobrang dami talagang conversations na minsan ay paulit ulit lang. Hinahanap ko yung narration. Kasi minsan pwede naman syang isulat in form of narration kasi 1st person POV naman ang gamit dito. Unnecessary convos na napansin ko eh yung ex. tatanungin ni Tob kung anong nangyari, tapos ikukuwento naman ni Deib in form of convo, tapos magtatanong si manang, same question na tinanong ni Tob, ikukwento ulit ni Deib in the form of convo ulit. Yung mga ganon ba. Kaya ini-iskip ko na pag may nakita akong convo na ganun. Pati pagpapaalamanan nila in detail din. Sunod, information overload. Too much definition of terms. Nice to know pero hindi lang talaga ako interesado. Inuulit ko, AKO ito, hindi ikaw. Next, nagulat ako sa timeline kasi malapit na ko sa kalahati pero yun pala, two weeks pa lang ang lumilipas. Hindi ko sinasabing mali, nagulat lang ako. Haha! Ayoko magcompare pero siguro nga ay iba lang talaga ang style ng pagkakasulat dito kaya in detail lahat. Parang teleserye sya, ganun. Alam ko naman na in a way, importante ang mga details na nandun kaya nilagay, it’s just that it bores me nung UNA. Inuulit ko, nung UNA kasi yung bandang dulo, ay bongga! Magpapafireworks ako sa kabonggahan. Wait lang, meron pa pala. Hindi ako spelling at grammar nazi, napansin ko lang talaga ang word na ‘to. I don’t think there’s such a word as ‘MUNIT’? ‘NGUNIT’ yata dapat? May isa pa pero nacorrect na sya. Sa season 1 madalas din gamitin ang word na ‘KINUWA’, na sa tingin ko ay ‘KINUHA’ dapat. Nacorrect naman na sya sa season 2 so ok na. Yung ‘munit’ na lang talaga. So yun lang naman ang mga ‘not so nice’ na napansin ko sa season 1 dahil the rest ay kaelib elib na.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon