Hindi Ko Inakala
by beeyotch
~091613~
Hindi ko inakala! Sobrang hindi ko talaga inakala! Aargh! >.<
Ang hirap bigyan ng synopsis ang storyang ‘to kasi nga, ‘hindi ko inakala’. Haha! Ok, ganito na lang. Si Annika, isang probinsyanang galing sa Alegria na lumuwas ng Maynila para mag-aral. Kasama nya ang kanyang boyfriend na si Clyde, mayaman, gwapo at vocalist ng bandang 'A Love That Kills' na nagmula din sa Alegria. Nakatira din sya sa apartment na tinitirahan ni Clyde kasama ng room mate nyang si Derek also known as Danger, ang gitarista ng banda, gwapo, playboy at may pagkamisteryoso. Sa pananatili ni Annika sa Maynila ay nakilala at naging close din sya sa lahat ng myembro ng banda. Kabilang dito sina Dale, bunso sa lahat at drummer ng banda; si Key, ang pinakatahimik at keyboardist ng banda at higit sa lahat ang manager ng banda na si Gelene. Isang taon nang magkasintahan sina Annika at Clyde, masaya naman sila not until umenter sa picture si Danger. And the story goes on…
Warning! Spoiler Alert! Click the external link, bilis! :)
SPG: Lenggwahe.. Haha! Kailangan ‘kong mailabas ‘to. XD
Shit na malagkit talaga! Putanginaaaaaaaaaa!!!! Haha! XD Ang aga aga naloka na ko sa binasa ko. Nakakaloka ang ending! Haha! Sobrang hindi ko talaga inexpect. >.<
Una pa lang, naisip ko, ‘ay baka si Derek talaga partner ni Annika’. Kaya naman, yung hinintay hintay ko lang, eh ang paghihiwalay ni Annika at ni Clyde. Umpisa pa lang, na kay Derek na ang kilig vibes ko. Although, nalito talaga ko sa personality ni Derek, inisip ko, baka may nangyari lang sa kanya sa past kaya ganun ugali nya. Tapos si Clyde din, nalito din ako sa kanya. Hindi ko alam kung mahal ba nya talaga si Annika o niloloko lang nya. Ah basta! Ang gulo gulo talagaaaa!
Hanggang sa umabot nga dun sa naniwala na si Annika kay Derek na may something kay Gelene at sa boyfriend nya. Tapos nakisabay pa sya sa panloloko. Ewan ko huh?!! Pero may pagkabobita rin talaga ‘tong si Annika eh. Bakit kasi hindi na lang nya kinumpronta si Clyde?!!! Dapat nakipagbreak na lang sya, at least nalaman ni Clyde na may problema sila. Aaaargh! >.< Nakakaloka talaga! Nag gaguhan pa sila, yun pala sya lang ang nang gagago. Ampota talaga oh! Naawa lang ako kay Clyde, ugh! :’( Feeling ko sobrang mahal nya si Annika. Gagita kasi ang girlfriend nya, scholar pa man din pero may pagkabobita! Nanghihinayang lang ako.. nanghihinayang talaga ko, nanghihinayang ako! >.<
Last, hindi ko alam kung mabibitin ba ‘ko sa storya. Iniisip ko lang, nadevelop na ba talaga si Annika kay Derek? Minahal na ba nya talaga si Derek o si Clyde pa rin? Tapos si Derek, wala ba talaga syang nararamdaman para kay Annika kahit hannggang sa huli? Likas bang masama si Derek? Aargh! Danger nga talaga dapat pangalan nya, Danger! >.<
All in all, maganda ang kwento, mysterious, unpredictable talaga hanggang sa huli. Hindi ko naisip na ganun ang mangyayari. Akala ko tulad lang ng iba na mahuhuling nagtataksil si boyfriend tapos yung shoulder to cry on ang makakatuluyan ng damsel in distress na bida. Malayong malayo sa mga cliché stories na nababasa natin. Ang masasabi ko lang, si Eydee na yata ang pinakamagaling na mang shock na author. Shocking kasi lagi yung mga nangyayari sa mga storya nya eh. Yung tipong unpredictable, malilito ka, maloloka, mag iisip at sa kalaunan ay mababaliw. Chos! Haha! XD Anyway, this story is really a good read, regardless kung ano man ang naging ending. :)
And that’s all folks! ^_^
Click the External Link for the story.
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p