~101513~
Why Do You Hate Me?
by jonaxx
Una sa lahat , dapat “Training to Love” po ang una nyong basahin. Sunod ang “Why Do You Hate Me?”. Medyo spoiler ang WDYHM sa TTL. ‘Wag gumaya sa’kin. -__-
Brief synopsis. Ito ay story ni Charity T. Rama, mayaman, maganda, anak ng mayor, party animal at obsessed sa freedom. Hindi sineseryoso ang pakikipagrelasyon dahil nga ayaw nyang mabawasan ang kanyang freedom at independence. Not until nakilala nya si Jayden Corpuz, mayaman, gwapo, hot, gentleman at may napaka successful na career. Lahat ng gusto ni Charity, nakukuha nya, kaya naman hindi nya matanggap na ang lalaking nagugustuhan nya ay hate na hate sya sa di malamang kadahilanan. Kung bakit? Basahin mo na lang. :)
Nung nakita ‘kong completed na ito, inumpisahan ko agad basahin. Aba! Malay ko bang dapat TTL pala muna ang una?.. Haha! Dalawa ang naging epekto nito. Una, naging question mark sa akin kung sino si Trisha sa buhay ni Jayden. Dumagdag bale sya sa thrill habang binabasa ko ang WDYHM. Kaso yung 2nd effect, ito ay naging malaking spoiler para sa TTL. Haha! Shongaers ko lang. XD
Ngunit ganon pa man, wala talaga akong masabi dahil ang ganda ganda talaga lahat ng story ni author! Ayoko ng pahabain ‘to dahil yun at yun lang din naman ang sasabihin ko. Maganda ang story, nakakakilig, nakakainlove, nakakainggit(?) Si Charity nakakainggit! Haha! :D Repeat 20X.
And that’s all folks! :)
Click the External Link for the story.
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p