...And ThEy Kill Each Other
by Blacklily
~062813~
Isang mabilisang recommendation… Hindi ko na pahahabain pa dahil tinatamad ako.. haha!.. XD
Kung gusto nyong sumaya, lumigaya ang inyong buhay, basahin nyo ang storyang ‘to. Simula umpisa, nakakatawa na talaga sya. Ito ang story na pinaka natawa ako. Ewan ko sa inyo, pero nakuha nito ang humor ko. Nung umpisa, parang walang patutunguhan ang story kasi sobrang kulit lang talaga. Hahaha!
Title pa lang, ang saya na. Haha! Pero hindi naman siguro magpapatayan ang mga characters dito kasi nga humor slash non teen fiction ang category nito at hindi naman horror. Pero ayos din ang title kasi walang ginawa ang mga bida dito kundi mag asaran na pinangungunahan ni Ana Cruz, reyna elena at ni Angelo Raphael Villegas also known as Paeng, isang gwapo at mayamang magsasaka. Well, hindi talaga sya magsasaka, haciendero sya, may pagkashonga shonga lang talaga ‘tong si Ana para hindi agad yun malaman. Haha!
Nagsimula ang kanilang pagkikita nung naliligo si Ana sa batis habang nakikipaglaban sa mga tilapia sa pagsisid. There goes the grand entrance of Paeng na pinapanood pala si Ana sa kanyang ginagawa. Si Ana naman, inakusahan (waah! lalim! haha!) nya agad si Paeng na namboboso daw sa kanya. Syempre itong si Paeng, hindi aamin sa ginawa nya, hindi naman daw nya sinasadyang makita na may naliligo sa kanilang sakahan. At dahil doon, pinagbantaan pa nya na idedemanda nya si Ana ng trespassing at assault resulting to physical injury. Sinuntok kasi sya ni Ana. Haha! At doon nga nagsimula ang magulo, makulit, nakakaloka at nakakakilig na storya ni Paeng at Ana.
Grabe, sobrang natawa talaga ko dun sa part na napagkamalan ni Ana na bading si Paeng! Hahaha! Tapos nung magbibirthday na sya. Nung pinaghandaan nya pa si Paeng ng mga girly stuffs for his birthday. Hahahahahaha! Hindi ko talaga mapigilang hindi humalakhak nun kahit nasa bus ako nagbabasa. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko dun para hindi tumawa ng malakas kasi nga nakakahiyang tumawa ng malakas sa loob ng public bus! Ang tahimik pa naman! Hahah! Pero napahalakhak talaga ko sa part na yun, nagtakip nalang ako ng panyo para di masyado halata. Hahaha! Sobrang naiimagine ko kasi yung reaksyon ni Paeng. Pati yung thoughts ni Ana, hahaha! nakakatawa talaga! ^____^
Kaya kung gusto nyong sumaya, basahin nyo ‘to. Nakaka goodvibes! haha! Favorite ko na talaga si blacklily! Waaaah! Binabasa ko pa ngayon yung Wanted Baby Maker. Haha! Nasa 50% na ko. ^__^
Yun lang.. :))
PS. Author, pwede padedic naman ako. Pangarap ko kasi magka dedic sa mga fave authors ko. Haha! Ang kapal ko.. -__- Kung pwede lang naman, kung hindi ok lang.. ^__^V
Click the Externa Link for the story.
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p