That Twisted Love Story
by pilosopotasya
Finished Reading: August 9, 2014
Ang storyang ‘to ay isa sa pinaka twisted na storyang nabasa ko. Ang sakit sa braing cells at ang sakit sa <3. Tungkol saan ba ‘to? Ito ay storya ng isang babaeng pinagpalit lang naman ang kaluluwa niya para lang mabuhay ang lalaking mahal niya. Oo, literal na kaluluwa! As in SOUL! Curious? Basahin mo. :)
Warning: Spoiler Alert! Mas maganda siyang basahin kung may thrill. ‘Wag unahin ang ending, please. XD
Yung mga ganitong klase ng storya yung masarap i-marathon. Yung tipong bawat chapter cliffhanger. Bilib ako sa mga sumubaybay nito noong on-going pa lang siya. Grabe! Hindi ko kaya yun. Actually, binalak ko siyang basahin nung malapit na siyang matapos. Nung nagkaron’ ng pacontest na gumawa ng review tapos ang prize is AFGITMOLFM na book. Gusto ko sanang career-rin ang pag gawa kaso 5 to 10 chapters pa yata after nun. So naisip ko, ayoko mabitin. AT buti na lang talaga, hindi ko muna binasa dahil OMFG lang, nandun yung hype ng kwento.
Ito yung tipo ng storya na pag iisipin ka, palolokahin, mapapraning at kalaunan ay mababaliw. Charot! Haha! Pag iisipin in a way na habang nagbabasa ka, gumagawa ka na ng mga hula kung ano ang mangyayari, kung ano ba talaga ang totoo at kung ano ang magiging ending. O ako lang talaga yon? Haha! Sa sobrang kapraningan ko para sa ending kung anu ano ang naiisip ko. Nakakapraning kasi yung prologue! Hahaha!
"Kahit buhay mo ang kapalit?"
"Kahit buhay ko pa."
"Para sa kanya lang?"
"Para lang sa kanya."
At dahil dalang dala na talaga ako sa mga sad endings at ayoko nang makabasa pa muna sa ngayon dahil nakakastress, nagpost ako sa FB na sana naman hindi sad ang ending ng TTLS. At may nagcomment, ang sabi niya hindi yan, basahin mo na. :) So ako, naisip ko ay hindi naman nga siguro.Halos sunod sunod na kasi yung mga storyng hindi ko inexpect na ganun ang ending tapos yun pala sad ang ending. Ayoko kasi ng sad ending, nakakadepress! Sabi ko nga, fiction na nga, bakit sad pa rin. Hindi ba pwedeng escape from reality naman at puro happy na lang? Oh di ba? Muntangang notion lang? Hahah! Alam ko naman na hindi pwede yun. Kaya nga may tragic na genre di ba? Hahah! XD At dahil sa nagcomment na yun, nagkaron ako ng hope na baka nga hindi sad ang ending nito kahit na parang prologue pa lang eh nagpaparamdam na ang kasawian ng kwento.
Punta na tayo nung pinagpalit na ni Ces yung kaluluwa niya kapalit ng buhay ni Lyle. Mula sa pagiging kilig kilig patweetums na story, biglang naging fantasy at twisted ang storya. Nagkaroon ng character na kamatayan. Sa point pa lang na yun, nagiisip na ko kung totoong mahal ba sya talaga ni Lyle. Iniisip ko kasi agad yung conflict, yung twist. Kasi to the highest level na yung sakripisyong ginawa ni Ces. Kaluluwa? Ugh! Then ayun na nga yung ineexpect ko, na hindi talaga siya mahal ni Lyle. Grabe, ang sakit sa part ni Ces. Pero advance nga ako magisip. Unang pasok pa lang ni Lyric sa eksena, naisip ko na, na siya ang magiging end game ni Ces at hindi si Lyle. Kaya talagang niloloko lang siya ni Lyle. Pero at some point of the story, napaisip din ako na baka madevelop si Lyle sa kanya at totoong mahalin siya. Alam mo yung cliché type na storya na kung kelan may mahal nang iba yung bida, saka maghahabol yung ex? Haha! Pero dahil twisted nga ito, hindi ganun ang nangyari. And what makes it more twisted is nung nagkaroon ng deal si Ces at Boss. Na bawal sabihin ni Ces yung mahal kita sa kahit na anong lenggwahe man o paraan kundi mamamatay siya. Lalong sumakit ang ulo ko. Like what the ef lang di ba? Hindi pa nga nagsisimula ang love story nila ni Lyric, may kasunduan nang ganun? Eh pano na yun?! Yun agad yung naisip ko. Parang ang sarap lang batukan, kutusan at jombagin ni Ces nung time na yun. Nakakainis! Nakasanla na nga yung kaluluwa niya, dinagdagan pa yung parusa niya! Kaloka to the highest level!
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p