DyepNi (pajama_addict)

3.4K 17 11
                                    

DyepNi

by pajama_addict

~062414~

Haaaaay.. Sarap ng feeling, grabe! Sobrang ganda ng story. OA na kung OA, pero soooobrang ganda talaga! At nasabi ko na bang maganda ang story? Oo! Ang ganda ganda talaga, as in. XD Ang dami kong iniyak dito. Feel na feel ko yung sakit. Sumakit talaga yung puso ko. Hahah! Yung excitement, yung pagkabitin, pagkainip, pagkabwisit at kilig. Ugh! Nandito lahat ng hinahanap ko.

Una sa lahat, gusto ko lang i-commend ang sobrang gandang conversations, sobrang natural. Yung mga asaran, hindi lang basta asaran dahil ito yung pangmatalinong asaran at sagutan. Lahat may sense at hindi basta basta mema lang, memasabi lang. Yung narration, perfect. Yung thoughts sa dalawang POV, ang ganda, punung puno.

Hindi ko nabasa yung original na one shot story nito kaya hindi ko alam kung hanggang saan lang ba ang storya nila dati. Sabi sa umpisa, Nagsimula lahat sa dyepni. Dun din nagtapos.. Malabo tayong dalawa. Kaya tuloy di pa man nagsisimula ang kwento, nagkakalabuan na. Alam mo yung feeling na praning na praning ako? Iniisip ko kasi agad kung ano yung magiging ending. Kung happy ba o masakit kasi parang hindi ko matatanggap kung pangit ang magiging ending nito dahil ang haba haba ng hinintay ko para sa happy ending nila.

Sobrang haba ng hinintay ng mga readers. Nagumpisa sa POV ni Nial ang story. Akala ko single POV story ito. Kaya naman mas lalo akong na excite nung mabasa ko ang POV ni Jepoy. Nandoon kasi lahat ng thoughts niya. Iba pala ang nangyayari sa inakala naming nagyayari noong binabasa pa lang namin ang POV ni Nial. Pero mabalik muna tayo sa POV ni Nial. Ayun nga, ang daming part na masakit. Aliw na aliw ako sa conversation nila kasi sabi ko nga, matalinong tao ang nagsasalita. Nakakatuwa dahil lahat ng banat ni Jepoy, may pang tapat na bara si Nial. Sa tuwing nasasaktan si Nial, feel na feel ko. Ang ganda kasi ng pagkakakwento, damang dama ko talaga, tumatagos. Kaya ayun, sa tuwing umiiyak si Nial, umiiyak din ako. Hahah! At alam nyo ba yung scene na sinabi ni Jepoy na "Diyos ko naman, ano ba! Nililigawan kita!", hay grabe! Nagback flip ang puso ko dun. Hahaha! Parang shet! Sa wakas! Nasabi rin! pero grabe naman yung scene na sumunod doon dahil hindi nga natuloy di ba? Sobrang sakit na naman tapos parang sumuko na si Nial. Then there came Jepoy’s POV.

Sa POV ni Jepoy, nagkaroon ng liwanag ang lahat. Yung mga sawi moments ni Nial, puro misinterpretations lang pala lahat. At kung nasaktan ako sa POV ni Nial, nasaktan din ako sa POV ni Jepoy. Hay grabe! Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Haha! Pero mas naging praning ako para sa happy ending nila nung nasa POV na ni Jepoy dahil napakita doon kung gaano kabaliw at kamahal ni Jepoy si Nial. Parang iniisip ko kaagad na paano kung hindi happy ang ending. Sobrang ma ha-heartbroken talaga ako nang bongga para kay Jepoy. Naiisip ko pa, baka tragic ‘to, na may mamamatay since ang haba ng timeline. More than six years di ba? Naisip ko rin na baka trip ni author ang sad endings, baka hindi sila magkatuluyan, makahanap ang isa sa kanila ng iba dahil sobrang tagal ng hinintay nila. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng apat na taon. Magkalayo pa sila kaya praning na praning talaga ako, feeling ko ako yung character na naghihintay ng apat na taon. Then nadagdagan pa ng dalawang taon. Hanggang sa point na ikakasal na lang sila, praning pa rin ako. Naisip ko pa rin ang tragic ending. Na baka maaksidente pa si bride sa pagpunta sa simbahan. Hahaha! Oh di ba? Ang praning ko talaga? Marami kasing pwedeng mangyari, malay ko ba kung gustong manakit ni author? Hahah! Kaya naman nung nakarating na sa simbahan si Nial, saka lang ako nakampante. Sakit sa ulo di ba?

Ito yung klase ng storya na maganda kasi sadyang maganda talaga ang story. Ito yung story na hinihiling ng lahat ng hopeless romantic sa mundo na tulad ko, eh sana magkaroon sila. Napaka perfect ng ending. Yung ending na wala ka nang hahanapin pang iba. Napaka perfect ng guy character. Actually, yung personality ni Jepoy yung eksaktong hinahanap ko. Hahah! Na parang sa totoong buhay eh hindi nag eexist (but who knows? haha!). Torpe, gwapo, matalino, may sense of humor, marunong maghintay, may respeto sa magulang, may pangarap sa buhay at wagas magmahal. Yan na yan talaga yung hinahanap ko! Hahah! At alam kong hinahanap mo, hinahanap niya, at hinahanap nating lahat. Sa totoo lang, gusto ko talaga yung torpe, yung sobrang hiyang hiya na lalaki pag kaharap ka? Kasi sabi nila, pag natotorpe daw yung lalaki, ibig sabihin, tinamaan siya talaga sa’yo. Kasi pag malakas ang loob pumorma, ‘yun yung parang play time lang. Thou hindi ko naman nilalalahat ha. Basta iyan lang yung interpretation ko. Kaya mas kinikilig ako sa natotorpe.. kasi totoo sila sa’yo. Hahah! At sa POV ni Jepoy, na bulls eye lahat ng pinaniniwalaan ko. Nasabi doon na nakalimang girlfriend na daw siya pero kay Nial lang siya sobrang natorpe dahil iyon lang naman yung seryoso at totoo. Aaaahh! Pwede bang maging si Nial na lang? Hahah! Nakakaiyak talaga yung story nila. Nakakaiyak hindi lang dahil sa may masakit na part kundi nakakaiyak kasi tumatagos talaga sa puso. Yung love kasi ng characters, damang dama. Pati yung honeymoon, grabe, sobrang sweet. Kitang kita yung respeto at love.

Wala na talaga ‘kong hahanapin pang iba sa storyang ‘to. Nandito na lahat eh. Hindi masyadong mahaba pero full pack. Kumbaga, kumpletos rekados, walang pwedeng itapon na scene. Wala akong mapiling favorite scene dahil wala ka talagang itatapon. At sobrang natutuwa talaga ako dahil sa wakas! Nakahanap na naman ako ng sobrang galing na author na papantay sa mga idol ko. :)) Ito ang unang story ni pajama_addict na nabasa ko and will definitely not the last. Hinihintay ko lang yung second half ng Mistakenly Meant For You book para mabasa ko na. Nakabili na kasi ako nung 1st half at hindi ko pa siya binabasa hangga’t wala pa yung 2nd half. So yeah, super happy dahil ang dami dami pa niyang on-going na story. Hihintayin ko na lang macomplete silang lahat dahil hindi talaga ako nagbabasa ng on-going. Yipeeee! So yun lang.. Final word? This story just got me whipped and smitten. Hard! (pahiram ulit ng line Drake. XD)

And that’s all, folks!

Walang external link. Soon to be published na ito. (as of June 24, 2014) Bili ka na lang ng book pag available na kung hindi mo pa nabasa. Worth reading talaga ito. Ma-iinlove ka, promise! Balikan mo ko kung hindi. XD

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon