~102113~
The Wishful Thinker
by: maxinejiji
Brief Synopsis. Nagsimula ang storya nang isang gabi ay may umakyat na isang lalaki sa bintana ng kwarto ni Laubree, 19 yrs old at bagong lipat sa kasalukuyang bahay na tinitirhan nila. Akyat bahay ba? Well, hindi! Sya pa nga ang nagsungit nang sabihan syang akyat bahay ni Laubree. Hanggang sa isang araw, habang naglalakad pauwi si Laubree kasama ng bestfriend nyang si Riz ay napadaan sila sa basketball court kung saan tinamaan siya ng bola. There, nakilala nya ang naging ‘crush at first sight’ nyang si Sid at ang hambog, mayabang, laitero, ambisyoso at gwapo'ng si Aki, who happens to be the guy na umakyat pala sa bintana ng kwarto nya. And the story goes on…
Warning: SPOILER ALERT! External Link, GO! :)
…at muli nanaman akong naloka! NAKAKALOKAAA! AS IN NAKAKALOKA TALAGA!!!! (Repeat 20X).
Nacurious ako sa storyang ‘to kaya binasa ko sa isang upuan lang. Kasi yung kapatid ko, naloka sya after nyang basahin ‘to. At panay ang recommend nya sa’kin pati na din daw sa mga classmates nya. Sinasabayan ko naman sya ng pagrerecommend ng ‘He’s Into Her’. Haha! Sabi ko same author yan kaya basahin nya. Tamad kasi magbasa ng mahaba yun kaya araw araw ko syang pinipilit. Haha! Ok, going back.. Ano bang nagustuhan ko dito? Una, maganda kasi syang basahin, light yung story, jolly ang bida, maganda ang convo at higit sa lahat hindi boring. Yun lang naman ang hanap ko sa isang storya. At eto pa, nakakakilig! Haha! Yung kilig dito, hindi tulad ng kilig sa HIH kasi dun, kilig na nakamamatay, dito, kilig na mapapangiti at matatawa ka lang.
Yung personality ni Aki, nakakatuwa. Gusto ko yung mga banat nya, napakanatural at hindi trying hard. In short, ang ganda ng convo nila ni Aki at Laubree. Meron din silang sariling identity. Yung tipong makikilala mo sila na, sila talaga ang nagsasalita. Mahirap i-explain pero hindi lahat ng author sa wattpad eh kayang magbigay ng sariling identity sa mga characters kaya naman humahanga talaga ako sa mga nakakagawa nun. At yun din ang isa sa mga tinitingnan ko sa storya. Karaniwan pag hindi ko nakikita yun, tinatamad akong magbasa at hinihinto na lang. Eh bakit ba ang daldal ko?!! Ano namang paki nyo diba? Haha! In short, I really like this. I really really like this! Pati timeline gusto ko. Saka single person POV ang gamit kaya hindi nakakalito. Ok, eto na.. brace yourself.. CHOS! Haha! XD
Author, kung hindi ako nagkakamali eh nahagip na ng mata ko dati na sinabi mo na wala ng part 2 ang TWT. Pero hindi ba talaga pwedeng magkaron’? Kailangan ko rin bang maging isang ‘Wishful Thinker’? I-wiwish ko na ba ‘to sa simbang gabi? Haha! Charot! XD Pero seriously, ito ang isang matibay na ebidensya ng CLIFFHANGER! Yung tipong yung lubid eh nakasabit sa mismong leeg ng mga readers. December 22, birthday ni Laubree: THE END. Ay krema de pruta naman oh! Pasta putaneska! Haha! XD Pangatlong story ito na nabitin ako. Una yung ‘If I Fall’ ni shirlengtearjerky, sunod yung ‘Hindi ko Inakala’ ni beeyotch. Alam nyo ‘bang kinumpleto ko ang simbang gabi last year dahil sa wish ko na magkaroon ng book 2 ang IIF?!! Haha! Sobra kasi akong naloka sa kabitinan sa storyang yun. Tapos sinabi rin ni author na walang book 2. Pero guess what, hindi pa tapos ang simbang gabi, natupad na ang wish ko! Haha! XD Tapos yung HKI naman nagkaron’ din at published pa pero wala sa wattpad kaya ayun, order ang lola nyo. Haha! Kaya naman, sana.. sana talaga, magbago pa ang isip mo author. Kasi maganda talaga yung story, as in! Nagsisimula na talaga akong humanga sa’yo. Akala ko magaling ka lang magpakilig pero eto, magaling ka talaga. Kahit i-self publish mo na lang din para isang bagsakan na. Haha! Ang demanding ko, shet! Sorry. Haha! XD
Ok.. huling hirit. Please, sana magkaroon ng part 2. Kasi ang dami pang tanong na naiwan. Hindi ba talaga nagkagusto si Aki kay Laubree? Eh kasi nga diba, ‘action speaks louder than words’? Helloooo???!!!! Anong next na nangyari pagkatapos sabihin ni Laubree ang wag-ngayon-kasi-birthday-ko spiel nya. Kung kailangan, i-papatrend talaga namin sa twitter ang #TheWishfulThinkerPart2Please. Kaya namin yan, infairness! Chos! Haha! :D Lilipunin ko ang lahat ng mga jijiera para sa krusadang yan, magkaroon lang ng book 2. Haha! Anyway, nasa’yo pa rin ang huling desisyon author. Ang masasabi ko lang, maganda talaga ang storyang ‘to kaya sana, yun nga, madugtungan. Haha! Yung totoo? Paulit ulit ako. Keep writing, sana dumami pa ang stories mo, kahit yung mga ganito lang kahahaba. ^_^
Whoops! Wait there’s more.. EDITED! This part was added a few hours after I uploaded the previous paragraphs. YES, I got the confirmation na MERON nga daw pong PART 2 ang TWT. Nyaahaha! Coming from the author herself, Maxine. NEXT YEAR daw magkakaroon (2014). Haha! Ayun lang naman ang gusto ‘kong idagdag. HAHAHA! :p
And that’s all folks! :)
Click the External Link for the story.
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p