Until He Was Gone / Until He Returned
by jonaxx
Finished reading: May 17, 2014
Kahit matagal ko na siyang nabasa, parang fresh pa rin yung feeling. Patunay lang na iba talaga ang isang jonaxx story.
Description: (Until He Was Gone)
Si Klare Montefalco ay ipinanganak sa isang kilala at marangyang pamilya. Everything is perfect. Mahal siya ng pamilya niya at mahal din niya ang mga ito. Her life is simple. No drama, no sweat, no nonsense. Nang tumibok ang puso niya, doon niya napagtanto na ang bawat pader na inakala niya'y matibay ay natitibag din. Na lahat ng pinakaiingatan niya ay maaring mawala sa kanya. Dahil may mga pag ibig na kahit anong gawing iwas mo ay lagi kang tinatamaan. Iyong pag ibig na umiilag ka na, bull's eye ka pa rin. Iyong tipong sinarado mo na ang pinto mo, pilit paring kumakatok. But Klare's fierce, she wouldn't let that happen. No. She will risk her heart just to protect her comfort zone, her home, her everything.
Ngunit sa pagkawala ng pag ibig niya, doon lang din ba niya mapagtatanto kung ano ang nawala sa kanya? That she had lost everything when she let him go? Is she ready to fight for it now? Now that he's gone?
Warning: Spoiler Alert!
Warning ulit. Medyo mahaba. XD
Hindi ko kayang i-summary ang storyng ‘to kaya tuloy na agad tayo sa reaction ko. Napaka sensitive ng plot ng storyang ito. Incest o ang pagkakaroon ng relasyon sa isang kadugo o kamaganak. Maling mali sa mata ng tao at lalo na sa mata ng Diyos. Pero bakit nga ba marami ang nahumaling sa storyang ito?
Hindi ko kayang magbasa ng on-going story ni jonaxx dahil sobrang mabibitin ako. Sobrang ganda kasi ng mga stories niya kaya pag binasa ko yun, hangga’t maaari eh isang upuuan lang. Kaya hinayaan ko munang matapos ang UHWG. Pero napakaraming posts sa FB about Elijah. Kung gaano sila kinikilig at kung gaano rin sila nasasaktan. Nang matapos ang UHWG, napansin ko ang posts ng mga readers na mukhang masakit yata ang ending ng UHWG at nalaman ko rin na may book 2 pa kaya hinintay ko rin ulit matapos ang UHR. Hindi ko pa rin sana babasahin kahit tapos na ang UHR dahil nalaman ko na may book 3 pa, ang Until Forever. Pero dahil nga sa maiingay na followers ni jonaxx, eh sobrang naiispoil at na cucurious na ko kung ano ba talaga ang meron sa storyang ito.
Noong una, syempre alam ko na na incest story ito dahil nga sa mga spoiler sa FB. Alam ko na rin na hindi totoong incest story ito dahil din sa FB at sa description ng book 2 na hindi totoong Montefalco si Klare. Pero ganun pa man, hindi ito nakabawas sa intensity at pasabog ng storyang ito. Sa una ay kinilig ako kay Eion. Yung ugali niya kasi yung usual na nagiging partner ng bidang babae. Cold, suplado, gwapo at pahard to get. Pero una pa lang din, mapapansin na nagpaparamdam at nagpapalipad hangin na si Elijah. Baka kung noong on-going ko pa ito nabasa, hindi ko alam kung kikiligin ako o mandidiri sa nangyayari. Thou, at the back of my mind, kikiligin pa rin ako dahil iisipin ko na hindi talaga sila magkadugo ni Elijah. Ang akala ko pa, alam na ni Elijah na hindi talaga sila magkadugo. Kaya botong boto talaga ako kay Elijah. Pero nawirduhan ako kay Klare dahil ang alam niya ay magpinsan sila so bakit siya biglang magkakagusto sa pinsan niya? Ang hirap isipin na alam mong magpinsan kayo pero biglang may mararamdaman kang ganun. Hindi ko talaga ma-imagine. Baka lukso ng damdamin? Instinct? o Destiny?
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p