She's Dating the Gangster (SGwannaB)

11.3K 69 20
                                    

She’s Dating the Gangster

by SGwannaB

Hindi ito ang 1st story na nabasa ko sa wattpad pero ito ang unang story na nagpaiyak sa’kin ng sobra. Hindi ka certified wattpader kung hindi mo pa ‘to nabasa. Siguro ito na rin ang naging dahilan kung bakit naging trending ang mga gangster stories dito. Kaya I therefore conclude na SDTG talaga ang pinakasikat na tagalong story sa wattpad. (I think?)

Bago ko pa basahin ‘to eh alam ko na kung ano ang ending dahil sa spoiler at madaldal ‘kong kapatid. Ang sabi pa nya, ang pangit daw at nakakainis ang ending kasi nga namatay ang dalawang bida. So ako naman, ang nasa isip ko eh ayoko ng basahin yan! Panget naman pala ang ending. So ayun nga, hindi ko sya binasa. Marami muna akong ibang storyang nabasa bago ito. Pero nacurious kasi talaga ako kung anong meron sa storyang ‘to dahil sobrang sikat nya sa facebook, twitter at syempre sa wattpad mismo. Kaya naman binasa ko siya offline. Sa phone lang ako nagbasa at aaminin ko nung una eh hindi ko talaga sya ma-enjoy kasi nalilito ako kung sino na ba ang nagsasalita sa bawat conversations. Yun pala eh yung PDF copy eh color coded ang converstions. Kaya naman sa computer na lang ako nagbasa simula nun at eto na nga.. Ang haba ng intro ko, kainis! haha! Nga pala, yung original version ang pinepertain ko dito. Nabasa ko na rin kasi yung English version na book. Mas gusto ‘kong gawan yung orig kasi mas detailed yun. Mamaya ko na ieexplain.. haha!

Nagsimula ang storyang ito sa MSN convo nila Athena Dizon at Kenji delos Reyes bilang Princess Athena at I am Sushi (sa original version MSN pero sa book, sa text lang). Syempre, the usual lang, hate at first sight ang drama nila. Hanggang sa naging magkaklase pa sila at nakilala rin ni Athena at ng kaibigan nyang si Sara Jung ang mga kaibigan ni Kenji, ang Barney and Friends na kinabibilangan nina Jigs Bala at Kirby Araneta. Nagpanggap silang mag-ON para pagselosin ang ex GF ni Kenji na si Athena Abigail Tizon na kasalukuyan namang in a relationship with Lucas Lazaro during that time. Pero di nagtagal, nagkagustuhan din sina Kenji at Athena, pero dahil iba ang SDTG at di tulad ng ibang love story, hindi doon nagtatapos ang kwento nila.

Punta muna tayo sa happy moments ng story.. weeeee!!! hahaha!.. Kung kilig lang din naman ang paguusapan, sino bang hindi kikiligin sa most popular spiel ni Kenji na “I can’t breathe”? Kyaaaaaaa!!! hahaha! Alam nyo ba nung una kong nabasa yan, eh parang walang impact sa’kin?.. ahaha! Ewan ko ba?! Pero nung natapos ko na yung story, tapos nagback read ako, eh sobrang kilig ko talaga dun sa part na yun. Weird ko.. hahaha! Kung hindi ako nagkakamali eh 3x lang ni Kenji yan sinabi, yung isa eh in tagalog pa at sinabi nya lang yun ng pasimple kay Athena nung time na break sila kasi Kenji is with Abigail that time. Oh myyyyy!! :( Ito yun oh, “5 minutes na.. Merry Christmas..…ano ba to.. hinde ako makahinga..” OHMAYGASH! yun yon.. haha!

Ok, let’s talk about endearment. Haha! Sexylove and Lovebabe. Kyaaaaaaaahh!!! hahaha! Natutuwa ako.. haha! Ang cute talaga ng endearment nila. Yung sexylove nakuha nila nung sumayaw sila ni Kenji sa bar with the tune of Sexylove by Neyo. Oh, alam ko pag naririnig nyo ang Sexylove, si Kenji agad naaalala nyo noh?.. I know right?! haha! XD Yung lovebabe, imbento lang ni Kenji.. haha! Kilig part ng sexylove/lovebabe? Siguro yung basketball game ni Kenji, yung may dalang malaking placard si Athena at ang nakasulat ay ‘Kenji’s my SEXYLOVE - LOVEBABE’.

Kung may happy moments, may sad moments din. Pero pag SDTG ang usapan, super sad moments yun. Pwede ring iyakan moments. Hahaha! Kasi naman, grabeng nakakapanikip ng dibdib yung mga scenes dito. MYGASH! Naiiyak din ako sa ibang storya, pero hindi tulad ng naramdaman ko sa SDTG. Masikip talaga sya sa dibdib eh.. hahah! Alam mo yung hindi ka pa nakakaget over sa isang scene, eh meron nanaman? hahaha! grabe lang.. Ano ba yung mga yun? Syempre una yung naghiwalay sila ni Kenji at Athena, pero wala pa yun. Grabe yung “Oo nga pala. May sakit ka. Pwede ka nga palang mamatay anytime. Teka, bakit buhay ka pa?” waaaaahhh!! gusto ko talagang sakalin si Kenji jan! haha! Pero hindi pa ko naiyak jan, sumikip lang ang dibdib ko, feeling ko magkakasakit din ako sa puso. Haha! chos lang.. Hindi ko maisa-isa yung mga moments, pero marami kasi dun na nagpaiyak sa’kin eh yung mga thoughts ni Athena. Grabe sobrang nakakaawa kasi talaga sya. Nakakainis din kasi ba’t hindi na lang nya sinabi kay Kenji yung condition nya. Eh di sana sya ang sinamahan ni Kenji at hindi si Abigail. >.<

Highlight ng story para sa’kin eh yung mga sad moments kasi tingin ko, dito talaga nakilala ang SDTG. Tulad nung trip nila sa Batangas. Kenji is with Abigail and Athena’s with Lucas. Tapos yung scene dun na lumuhod si Kenji kay Athena at sinabing “Please lumayo ka na sa akin. Ayaw na kitang makita Athena.. Gusto na kitang kalimutan..” </3 waaah! grabe yun! Tapos yung mga blog ni Athena, grabeng pagpipigil ng iyak ginawa ko dun.. haha! Nakakahiya kasi makita ako ng mga kasama ko na umiiyak habang nagbabasa. Hahaha! Pero ang di nakapigil sa tearducts ko eh yung bandang last part. Nung nalaman na ni Kenji na may HCM (hypertrophic cardiomyopathy) si Athena at may taning na nga ang buhay niya. Syempre masaya ‘ko nung nagkabalikan na sila pero ang sikip talaga sa dibdib nung nandun na sa part na yun. Yung mga prayers ni Kenji, ewan ko ba pero naiiyak talaga ko dun. Sobrang nakakalungkot kasi. Napakita sa story na sobrang mahal nila ang isa’t isa pero hanggang dun lang talaga. Sunod eh yung sa Batangas trip nila na silang dalawa lang. Ang daming conversations dun na nakakaiyak talaga. :’(( Pero wala ng tatalo pa dun sa mamamatay na si Athena. Yung last words nila sa isa’t isa. Yung mahabang message ni Athena. Mahaba yun, di ko na lalagay dito. Ang lakas ng epekto sa’kin nung “Matutulog na ko in 10 minutes..”.. Lord, Saglit na lang.. please..  OMYYYY!! Naiiyak nanaman ako.. waaahhhh!! :’((( At isa pa palang nagpaiyak sa’kin.. Yung video ni Athena na iniwan nya for Kenji. Huling banat yun sa luha ko.. haha! So ayun nga, yun yung mga epic part para sa’kin sa SDTG.

My thoughts about the story. Siguro ito yung storya na wala akong maituturing na antagonist o naging kontrabida. Si Abigail, parang hindi naman siya kontrabida eh, siguro nung 1st part lang. Nung parang pinapamuka nya kay Athena na si Kenji ganito, ganyan sa’kin. Yun lang, pero other than that, wala na. Hindi naman nya kasi pinilit si Kenji na magstay sa tabi nya nung may sakit sya. It’s Kenji’s choice naman to be with her dahil nga alam ni Kenji na may sakit si Abigail. (At di nya alam na meron din pala si Athena.. hmp! >.<). Siguro kung may kontrabida dito eh yun yung sakit ni Athena. >.< Ahm.. ano pa ba?.. Yung way ng pagkamatay ni Kenji, mejo di lang ako sangayon dun. Kasi nagpakamatay sya! Eh masamang magpakamatay eh.. haha! Pero naiintindihan ko naman yung storya, kasi nga siguro sobrang depress talaga ni Kenji at kahit 1 year na eh hindi pa rin sya nakamove on sa pagkawala ni Athena. Yun lang naman, ang sa’kin lang, sana namatay sya in a natural way, para ang dating eh destined talaga silang magsama sa kabilang buhay. Yung ganon.. haha! Wala lang, naisip ko lang, magkakasama kaya sila sa kabilang buhay kung nagpakamatay si Kenji?.. Gets nyo ba ko?.. haha! Pero ayos lang, ganun talaga eh.. haha! Pero sa totoo lang, mas gusto ko talaga na namatay din si Kenji sa huli kasi nga namatay si Athena eh, dapat mamatay din si Kenji para magkasama sila.. haha!

Haaaaay! Isang malaking sigh.. hahaha! Hindi ito ang pinakafavorite ko pero isa ang SDTG sa mga favorite ko. At SDTG na nga siguro ang pinakamagandang proof na ‘Hindi lahat ng may sad ending eh panget’. Sa totoo lang, dahil nga sa marami na akong nabasa bago ‘to, eh parang usual lang para sa akin ang umpisa nito. Enemies turned lovers, ganun lang.. Pero hindi pala, isa yata ang storyang ‘to sa pinakamalalim. Malalim in the sense na ramdam mo kung ano yung nararamdaman ng bawat characters sa storya. Bilib talaga ‘ko sa mga author na nakakapagbigay ng ganong emosyon sa readers. At higit sa lahat si SGWannaB lang ang nakapagpaiyak sa’kin ng ganun. haha! Ang lakas ng impact sa’kin ng SDTG. Kahit yata ulit ulitin ‘kong basahin, mapa english o tagalog version man, eh iiyak at iiyak pa rin ako. Hindi ko alam kung iyakin lang ba talaga ako? haha! Kaya naman CONGRATULATIONS sa’yo SGwannaB / Ms. Bianca Bernardino! Best seller ang She’s Dating the Gangster book! Palaging out of stock sa mga bookstores. Haha! Actually nung bumili ako, last copy na yung nabili ko, swerte lang talaga ako. Haha! One of the best author ka talaga! ^__^

Sa mga nagcocompare sa English version at sa Tagalog/original version, syempre naman mas maganda yung original version kasi nga mas kumpleto at mas detailed. Yung English version kasi na nasa book, mas pinaikli pero yun pa rin naman ang laman. At na-gets ko rin naman yung pinopoint ni author kung bakit pinaikli yun. Kaya people, wag ng magreklamo, pareho lang yun, SDTG in English is still SDTG in Tagalog. Kenji and Athena will still be Sexylove and Lovebabe.. haha! At syempre nandun pa rin ang epic line ni Kenji na “I can’t breathe”..


 

And that’s all folks! Ang daldal ko.. haha! Final words for SDTG..


 

“I REALLY CAN’T BREATHE KENJI AND ATHENA!!!!” :*

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon