Maganda 'to!

1.1K 11 6
                                    

Hiii! Its been a while mga friends! Haha! More than a year na bago ko ulit nabuksan ang account na ito. Naka get over na ko kay Jamie Dornan. Hindi ko na sya crush kaya papalitan ko na yung cover photo ko. Hahaha! Kaso wala nga pala akong time. Medyo nag lie low po kasi ako sa Wattpad lately. Sobrang bilang na lang ang nababasa ko sa Wattpad. May iba akong reading materials na kinaadikan. Haha. So.. Nandito pa rin naman ako para mag recommend sa oras na ito.

Warning. Mahaba to. Haha! If you're interested with wattpad story recommendation, go directly to the 2nd to the last paragraph. 😊

Are you guys familiar with Bookware's My Special Valentine (MSV) pocketbooks? Opo, yung maliliit at maninipis na libro. Yung pula na may mahahalay na cover. Hahaha! Kaloka nga yung cover nila, hindi pwedeng ibandera kasi baka majudge ka. Hindi naman po sobrang mahalay ang laman nya. Slight lang. Hahaha! Mas mahalay pa yung nandito sa wattpad. Pero unti unti na nilang pinapalitan ang covers ngayon. White na yung mga bago nila ngayon. Tapos maganda na yung cover. Classy. Minsan black. Pag Uncut versions. Mura lang sya actually. 32 or 39.75 usually. 75 pag Premium (medyo makapal). Dyan po ako naaadik ngayon. Specifically kay Dior Madrigal. Medyo magastos lang dahil ang dami dami na talaga nyang books. Next, Elise Estrella. Yes, yung author ng Falling for the Billionaires. Ang lumikha sa awesome character na si Ash Montesines. 😍 I'm collecting her past pocketbooks as well. Syempre pati present. Pati kay Doreen Laroya & Inggrid dela Torre, bumibili rin ako. Pero pakonti konti lang. Yung mga bago lang nila.

Most recommended book of Dior Madrigal is Unconventional Match. Nakakatuwa ang storya nyan mga besh. Kilig! Pati Palikeros Series. Actually lahat maganda eh. Hindi ko maisa isa lahat kasi sobrang dami. Baka banggitin ko na lang lahat. Haha! Kay Elise Estrella naman, gusto ko yung A Romance for James & A Bride for David. And again, lahat din ng stories ni Elise, maganda. Kahit itanong nyo pa kay Ash. 😁

Isa pang pinagkakabusy-han ko ay ang Precious Hearts Romance. Oo, pocketbooks ulit. Late bloomer ang lola nyo at ngayon lang naadik sa pocketbooks. Haha. Piling author lang din ang sinusundan ko. Una, si Heart Yngrid. She got me in A Sexy Kind of Love. Maganda rin ang St. Catherine University Series. May St. Catherine High Series na rin sya ngayon pero mas bet ko ang Uni kasi mas matured na ang mga characters doon. College na kasi sila. Lahat ng Heart Yngrid pocketbooks ay kino collect ko na rin. Ang gastos! Umiiyak ang wallet ko. 😂 Next, Maricar Dizon. She got me with Chikboy. Under Rebel Fiction. Maganda sya. Cliche pero aliw basahin. Try nyo. Next, Rose Tan. Umpisa ko pa lang syang kinocollect. Pero nakuha na nya ko sa IOU Men Series. Book 1 pa lang nabasa ko. Ang lead girl character ay 36 yrs old single mom with 2 kids. Tapos 27 yrs old lang ang lead guy. Hindi ko inexpect na maeenjoy ko sya dahil hindi ganoong genre ang gusto kong binabasa. Pero guess what? Ang galing ng story telling ni Rose Tan. Nabigay nya point of view ng isang single mom. Kung anong mga dilemma nila, takbo ng isip, priorities at kung anu ano pa. At saka napaka realistic ng mga kaganapan doon. Basta, try nyo na lang.

Next, international novels. Pinagkakabusyhan ko rin yan at pinagkakagastusan. Ang sakit sakit sa bulsa mga besh. Favorite author? Colleen Hoover & Sarah J. Maas. Fave novel of Coho? Slammed series & November 9. Kay Sarah naman, mas gusto ko ang A Court of Thorns and Roses Series kasya sa Throne of Glass Series. Tho pareho silang maganda. Fave ko rin si Emma Chase. The best ang Tangled series. And also Jenny Han's To All the Boys I've Loved Before series. Marami pang iba pero yan na lang muna ang babanggitin ko sa ngayon. Kasi inaantok na rin ako eh. Haha.

Kung sa Wattpad naman, syempre lahat ng stories ni Jonaxx at BlackLily. Hindi ko na iisa isahin dahil lahat naman ay recommended. Ang latest wattpad story na kinabaliwan ko maliban sa stories ni Jonaxx ay ang Love-Nat: Isang Makulit na Love Story by Elliedelights. Most recommended ko yan sa ngayon. Matagal na yamg story na yan pero kelan ko lang nabasa. Early this year lang yata. Ang daming sumakit sakin jan. Ulo, puso, mata.. Haha! Sobrang ganda at galing din mag story telling ni Elliedelights. Ang haba nyan pero parang 3 days ko lang ata binasa. Can't put down mga bes! Cancelled lahat ng lakad ko nung binabasa ko yan. Walang nood, kain, tulog at gala. Sobra akong nahook jan. Akala mo lang jeje sya. Pefo hindi! Sablay lang sya sa capitalization at punctuations kasi nga 6 yrs in the making sya. Noon, alam nyo na, uso yung maraming tuldok sa wattpad. Hindi na naedit yung bandang first part. Pero waging wagi naman sa content. Must read, promise. Basahin nyo na kung hindi nyo pa nababasa. Balitaan nyo ko pag nahook kayo ha?

And that's all folks. I'll be back baka next year ulit. Haha! Byiee!

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon