If I Fall (Shirlengtearjerky)

19.1K 71 19
                                    

If I Fall

by: Shirlengtearjerky

Ok, pano ko ba to uumpisahan. Eto..

B

,

 I want you safe, but I don't want you back.

 You love me, but I can't love you now.

 You hate me for doing this, but I don't hate you.

 ----

C

Tanda niyo ba yan?.. Naman! Prologue yan eh. Pero aminin mo. Nung una mong binasa yan hindi mo naintindihan? Syempre nasa bandang dulo ang scene na yan eh. Kung naguumpisa ka palang magbasa, parang nonsense yang passage na yan. Kasi nga di mo maiintindihan. Pero pag nandun ka na pala sa scene na yun? Napakastriking ng words. Hurtful, Ouch! As in! Haaay! Mapapabuntong hininga ka na lang.

Kung ang TDG about college, ang IIF highschool life. About friendship din na pinangungunahan ni Barbara Ramirez o Barbs. Syempre with Cyrus Casabueno, Rachel Rodriguez, Wesley Rodriguez, Vivien Padilla, Chester Sison at Janine Kitagawa. Isama mo na rin si Lean Abarquez na kanilang teacher sa honors at si Seth Bello na ewan di ko ma explain! (haha! bitter?! BAYRUS ako eh! hoho!)

Tulad nga ng nasabi ko, highschool lang sila. Pero iba talaga ‘tong story na to. Kagaya ng TDG, hindi siya puro pacute, patweetums at kaartehan. May patutunguhan at higit sa lahat hindi corny!

Sino bang hindi matutuwa kay barbs? or rather should I say matatawa? haha! kung makapagmura at trash talk WAGAS! tomboyish type na may tinatagong ganda. Matalino, batcom, writer sa herald at wattpad na may pen name na notanotherfairytale at isang babaeng nagsasabing “I don’t do love sh*ts, hindi ako equipped for that”. Oh di ba? ansaya nya. haha!

Eto na, si Cyrus Casabueno aka “tuko”. haha! minsan pa “panghe”. Hahaha! pet name sa kanya yun ni Barbs.  Campus crush, maraming fan girls, matalino, gwapo at editor in chief ng Herald (school paper ng Charleston). Siya ang tumulong kay Barbs na mas mapaganda ang sinusulat nyang story sa wattpad na “You’re the One that I Want”. Dahil dun naging close sila. Nga pala, sa kanya pala pinatern ni Barbs si Denn Estrella na main character sa YTOTIW.

Syempre, hindi lang BayRus ang aabangang dito dahil meron ding WesKy at ChesNine.

Sa WesKy muna tayo. Weeeeeee! favorite ko rin sila! Actually nung first part, eh mas interesado ako sa kanila kesa sa main characters. Wala pa kasing nangyayaring kakaiba kina Barbs sa 1st part ng story eh. Para sa’kin, WesKy or sina Rocky at Wesley lang ang nagpapakilig sa’kin dun. Eh kasi, ang cute ng set up nila. Magkapitbahay as in magkatapat ang bahay, parang bestfriends din ang dating nila pero hindi, kasi magkaaway sila palagi. Para sa’kin, ang dating ng WesKy ay parang KevJe. Ang tumatak na WesKy moment sa’kin ay yung “It’s Thursday and I like you” spiel ni Wesley para kay Rocky. Ang cute lang.. haha! :)

Para naman sa ChesNine, o Chester and Janine tandem, ahm.. syempre sino bang makakalimot sa confession ni Chester kay Janine.. Yung 138 moment nila.. haha! Mahaba yun, nakalimutan ko na! Basta sobrang ugh lang nun. Haha! Ang cheesy! Kainis! >.< haha! :)

Punta na tayo sa highlights ng story. Wahaha! eto na yung marealize ni Cyrus na type nya si Barbs. At di lang sya, umepal pa si Seth Bello! (haha! bias ba? epal talaga yung term? hoho! eh BAYRUS ako eh! sorry SETHRANGs haha! *peace*).

 Sino bang makakalimot sa epic part ng pilian na ROOFTOP or BRIDGE? Team BLUE or Team ORANGE? Oh san ka? haha! ako sa Rooftop at team blue. hahah! Inuulit ko BAYRUS ako! haha! ehem.. so much for that. Kaya nga tayo nabaliw diba? (o ako lang yung nabaliw? ikaw hindi ba?). Eh kasi naman, kung ang TDG ang may ending na wala ka ng hahanapin pang iba, baligtarin mo ang IIF! Eto yung story na masasabi nating “cliffhanger”. Pero hindi ko sinasabing hindi maganda huh! Pero hinahanap hanap ko lang naman ang book 2 dahil dun. Well, meron naman pero sa pagbabalik pa ng mahal nating author. This Might End Up A Story ang title ng book 2.

Bago yun, gusto kong ishare ang feeling ko nung binasa ko to. Alam nyo yung feeling na nasa tugatog ka ng kilig at excitement? Mga bandang 80-90% siguro ng story. Puro BayRus moments kasi yun. Haha! Tapos biglang ganun yung ending? Hahaha! Ayun tuloy, reaksyon ko after kong mabasa ang ending? Nagsisigaw lang naman ako, as in literal na sigaw! haha! Over! Nacarried away ako! Ang OA ko ba? haha! eh yun ang reaksyon ko eh! walang pakialamanan! haha!

Kung hindi mo pa nabasa ang If I Fall, nakakacurious ang ending dahil sa mga pinagsasabi ko. Pero hindi ko sasabihin dito. Hindi ako spoiler. haha! Hintayin mo na lang magbalik si ate Leng para mabasa mo. Kasi tulad nga ng nasabi ko, stop muna siya ngayon. Kasabay ng pag stop nya ay ang pag delete nya ng lahat ng stories nya sa web. TDG lang ang available sa Scribd at wala pong If I Fall.

At wag na rin magtangkang humingi ng SOFTCOPY dahil bawal po mamigay! Kaya nga tinanggal sa web eh! OK? Si author lang ang may karapatang mamigay ng softcopies. Paminsan minsan bigla siyang naglalabas. Abang abang din pipol.

So for now, let’s just wait for Shirlengtearjerky’s comeback and I’m sure it’s worth the wait.

Remember, GOOD THINGS COME TO THOSE WHO WAIT.

And that’s all folks!

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon