My Husband is a Mafia Boss
by YanaJin
~062314~
Alam mo yung prologue pa lang, ulam na?
Excerpt:
Prologue
Isa lang akong ordinaryong babae, as in ordinary. Maganda, sexy, matalino. Pero syempre JOKIJOKI lang lahat yan, si mommy lang may sabi nyan hehehe.
Hanggang isang araw, may di inaasahang pangyayari..
Nakatagpo ako ng isang lalakeng may kakaibang ugali..
At sinabing..
"we're married"
Waaaaaa!
Pero alam nyo ba, nung naging asawa ko na sya, ang sweet sweet-
"Hoy babae ang daldal mo!"
"teka naman Zeke nagkwekwento kaya ako dito"
Yung mga ganyang cuts ng convo, comedyng comedy agad ang dating. Gaya ng nasabi ko, prologue pa lang, mahihikayat ka nang basahin. At prologue pa lang, halatang comedy na. Hindi nga ako nagkamali dahil ito na yata ang pinaka nakakakatawang story na nabasa ko ever. As in mula umpisa hanggang dulo, nakakatawa. Hindi pilit na comedy dahil ito yung comedy na tatawa ka talaga, hahalakhak, sasakit ang ulo at maiiyak kakatawa. Ewan ko sa iba, pero sa’kin, kuhang kuha nito ang humor ko. Hindi sa mababaw ang kaligayahan ko dahil ang alam ko mahirap akong patawanin. Siguro sumwak lang talaga sa type ng humor ko itong storya.
Baliw ang bida. Wait, scratch that. Sobrang baliw ng bida. Hahaha! Hindi sa literal na baliw. Baliw baliwan ang takbo ng utak nya. Si Aemie Romero, matalino pero literal mag isip. Kung ano yung naiimagine nya, yun agad ang pinaniniwalaan nya. Sobrang natatawa talaga ako sa mga thoughts niya. Minsan parang abnormal na siya pero yun talaga yung personality niya dito eh. Slow clap para sa author na nabigyan ng consistency ang personality ni Aemie hanggang sa dulo. Kung gaano ka krung krung ni Aemie, siya namang astig ni Ezekiel Roswell aka Zeke. Isa na yata si Zeke sa pinaka astig na guy character na nabasa ko. Sobrang cool, as in! Alam mo yung pangalan pa lang, nakakakilig na? Hahaha! (Syet! Ang landi. XD) Bawat salita ni Zeke, nagsusumigaw ang coolness at ka-astigan. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit pinagpapantasyahan ang mga gangster sa wattpad eh. Hahaha! Ngayon, hindi na lang gangster ang pinagpapantasyahan, pati Mafia Boss! XD
Alam mo yung eksenang nagbabasa ka tapos nakatingin sa’yo ang nanay mo habang nakakunot ang noo na tinititigan ka? Eh kasi naman, para rin akong baliw kakatawa, as in tawang tawa. Pati sa office, nagbabasa ako nito tapos tawa ako nang tawa. Yung mga officemate ko, sabi bakit tumatawa daw ako mag isa. Hahah!
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p