EX with Benefits (youramnesiagirl)

10.2K 25 5
                                    

-060613-

 

EX with Benefits

by: youramnesiagirl

Ah.. Eh.. Wait lang.. Pa'no ko ba uumpisahan to?.. Hindi ko alam!.. Haha! XD Ok, game ito na. Umpisahan natin sa title. Ex with Benefits. Title pa lang, nasesense ko na na rated SPG ata ang storyang 'to w/c is true naman. SPG kasi mature ang tema ng story. Nakita ko lang 'to na kasama sa "What's Hot" list sa wattpad. Kaya naman i-nadd ko sya sa library ko. Nung time na yun, on-going pa sya kaya hinintay ko munang matapos. Tiningnan ko lang yung umpisa and OH! o.o chapter 1 pa lang BS na?!!.. >.< So I thought puro ganon lang ang laman ng storyang 'to... Ngunit subalit datapwat hindi naman pala! May storya sya at yun ang gagawan ko ng reaction paper. Haha! :) Mabuti na lang at hindi puro ganon’ kasi muntanga lang. >.< No offense sa ibang  non teen fiction story pero opinion ko lang 'to. Alam mo yun, nakakaumay kasi at higit sa lahat  parang hindi na sya pang wattpad. Kaya kung minor ka pa, wag mo na lang basahin ang chapter na nakaprivate. (sus! as if naman laktawan mo!.. >.<) Read at your own risk na lang. Pero sinasabi ko na, kahit hindi mo yun basahin, maganda at buo pa rin naman ang story. So yeah..

Ok, bago ko basahin 'to naghahanap talaga ko ng storyang nakakakilig kasi nga gusto 'kong kiligin ulit! Haha!.. Wala lang.. Kaya may binasa akong ibang story bago 'to kasi sabi sa chismis 'nakakakilig daw' yun. So yeah, binasa ko. =__= ako yan after kong mabasa ang storyang yun (secret na lng kung ano). Hindi naman sobrang panget pero hindi ko lang talaga nagustuhan at wala yung kilig na hinahanap ko. Take not million reads yun kaya dissapointed much ako sa story. So, browse browse ako sa library ko and shoot nakita ko ang Ex with Benefits. Tinry ko lang basahin, you know.. ‘Curiosity killed the cat’ ang peg ko. So basa basa basa basa.. Hindi ko namamalayan na malapit na pala akong mangalahati. Hindi ko pa tapos yung isang boring na story kong binabasa, nasa 90% na yata ako dun nang simulan ko ang EWB. Yung kilig na hinahanap ko?.. Dito ko nafeel!.. Kyaaaaaaa!!! :D Ang saya lang talagang kiligin weeeeeee!!! :D

A brief synopsys ng story. Ito ay storya ni Arkisha, working student, maganda pero hindi mayaman at may super hot na EX boyfriend namely Adam Jacob Castrences, mayaman, business man, babaero at higit sa lahat maraming benepisyo. Chos!.. Iba ang meaning ng benepisyo dito eh. Pati ‘duty’ at ‘punishment’ iba rin ang meaning dito.. haha! :D Ok, going back.. Magulo ang set up nila, from the title itself, ex with benefits nga! Alam mo na yun. Walang commitment, just pure *toot*. Pero hindi para kay Arkisha kasi nga mahal niya talaga ang ex nya na si Adam. And the story goes on.. Ayoko magkwento ok? Let's go back to my reaction paper. Haha!

Kung kilig at entertainment ang hanap mo, eto na yun! Packingtape! Parang bulate lang ako na inasinan na namimilipit sa kama habang nagbabasa sa mobile specifically dun sa chapter 32. Hahaha! Yes, offline reader ako at shet lang! Over sa kileeeeeg! Yiiieee!! ^o^ Some of my favorite scenes:

Scene 1:

Arkisha: "Adam, are you on drugs?"

 

Adam: "You are my drug and I'm addicted to you"

 

Arkisha: "Adam, you're giving me a fright! Ano bang nangyayari sayo? Baka naman may sakit ka lang?"

 

Adam: "Yes, at ikaw lang ang gamot sa sakit ko."

 

Arkisha: "Saan mo dinala si ADAM?!! Bring him back!"

 

Adam: "I am back, baby. I am all yours."

 

Scene 2:

 

Arkisha: "Ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan?!"

 

Adam: "Ikaw. Ikaw ang problema ko."

 

Arkisha: "Ako?! Wala naman akong ginagawa sayo ah!"

 

Adam: "Anong wala? Palagi kang laman ng utak ko. Doon ka na nga yata nakatira eh. Nagseselos ako kapag nakikita kita with another guy. I always wanna be with you. Sinubukan ko naman na baka kaya ko na wala ka, pero hindi talaga. Buong sistema ko, hinahanap ka. Mahal kita, Arkisha. I love you so much!"

 

Arkisha: *dug dug dug dug*

 

Adam: "Believe me, Arkisha. Mahal kita. Gago man ako pero mahal kita."

 

Yieeeeeeh! yun!.. Hahah! Basta buong chapter 32 nakakakilig at marami pang chapters na nakakakilig!!!! ^___^

Eh kamusta naman nung pumasok na sa eksena si Scarlett at nagkandaleche leche na ang relasyon ng AdKisha? Yung scene na nahuli ni Adam sila Arkisha at Brent tapos hindi pinaniwalaan ni Adam si Arkisha, sobrang nakakabadtrip talaga. Pag nasa conflict stage na, hindi ko talaga tinitigilan hangga't hindi ko nalalagpasan kasi nga nakakastress! Pinoproblema ko ang problema nung character! Muntanga lang.. -__- haha! Mabuti na lang, matalino ang kambal na sina Paris at Venice at nalaman nila na ang halimaw na si Scarlett ang may pakana ng lahat. At eto pa, yung scene dun na pinagdudahan ni Adam na sa kanya ang pinagbubuntis ni Arkisha, shit! shit! shit lang talaga!.. Isa pa.. Pakshet! Ang sarap lang magmura. Haha!  Affected much?.. Yeah!.. Eh kasi yung simpatya ko na kay Arkisha. Kasi naman bago mangyari yun, super excited pa sya na ibalita yung good news kay Adam, kambal pa ang magiging anak nila, tapos may ganong eksena bigla?.. Aargh! Ang sarap lang talagang sapakin ni Adam nun. Buti na lang nasampal sya ni Arkisha. Haha! Buti nga! :p Yung scene sa probinsya, super like ko yun. Yung suyuan part. Waaah! Kilig! As in!.. Haha! ^___^

All in all, masasabi kong worth it basahin ang storyng 'to. Hindi ko sinasabing sobrang ganda ng storya. Ang gusto ko kasi dito, yung way of writing. Hindi sya boring, hindi corny at higit sa lahat nakakakilig! Nabigyan ng justice ang lahat ng POV. Pag POV ni Adam, alam mo na si Adam talaga ang nagsasalita kasi nga nabigyan ng sariling identity ang bawat characters.. Identity? Basta! Ang hirap i-explain eh. Haha! Eh kasi yung iba pag gumawa ng POV ng lalaki, parang hindi lalaki yung nagsasalita, parang bading lang. Lalo na usually, babae ang author. Yung ganun ba.. Gets nyo ba ko?.. Haha! Basta yun na yun!.. Maganda rin ang mga dialogues, yung sagutan nila, feel na feel ko lang. Haha!.. Choice of words wise, magandang basahin. Kahit cheesy na ang eksena, hindi corny. Ayoko kasi sa lahat talaga yung sobrang kacheesyhan eh kumokorny na yung eksena. Pero dito, no corny moments akong nafeel. Kilig lang. Haha! :) Kaya naman two thumbs up sa'yo author, pinakilig mo ko dito. :)

Click the External Link for the story.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon