That Mighty Bond
by BlackLily
~030314~
Yow! It’s been a while since I’ve last read a BlackLily story. At sa sobrang tagal na, muntik ko nang makalimutan kung bakit siya ang pinaka favorite author ko (Oo, siya na talaga ang 1st. 2nd na lang si shirlengtearjerky sa ngayon). TMB just made me remember and prove that BlackLily is indeed, still the awesomest author in wattpad.
Synopsis. Ito ay story ni Ma. Remedios Asuncion Dimasalang o mas kilala bilang Mira, woman of the future, ultra modern, high-tech, liberated and straightforward. Hindi papatalo, hindi papaapi, hindi papa-under. Naniniwalang magkapantay ang mga babae at lalaki sa lahat ng aspeto ng buhay. (kinopya ko yung start, actually. Haha!). At ni Angelo Gabriel Villegas, isang lalaking makaluma, complete with his vintage looks, vintage beliefs and vintage language. Nagsimula ang makulit nilang storya nang magkrus ang kanilang landas nang matapilok si Mira habang naglalakad sa underpass wearing her 5 inches stilleto heels. Naputol kasi ang heels niya. Hindi niya inexpect na may tutulong sa kanya sa ganoong sitwasyon pero dumating si Gabriel at tinulungan siya. At mahihiya ang lahat ng boyscout sa mundo dahil sa sobrang kahandaan ni Gab. Sino ba naman kasi ang taong magbabaon ng Mighty Bond sa pang araw-araw? Mighty Bond, oo yung pandikit! Ginamit niya ‘to para maidikit ang naputol na stiletto ni Mira. Masyadong naamaze si Mira sa kagwapuhan ni Gabriel kahit na medyo may pagka Elvis Presley pa buhok niya nung time na yun. Dahil sa natatagong kalandian ni Mira, hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataong mas makilala pa si Gabriel. Niyaya niya agad na mag breakfast sa Mcdo, kinuha ang number at boom, naging instant textmate nga sila. Nakilala niya si Gab bilang isang taxi driver. May pagka social climber si Mira kaya naman medyo nag alangan pa siya kung itutuloy pa niya ang pagkagusto niya kay Gabriel. And the story goes on… Basahin mo na lang dahil parang ang haba haba na ng synopsis ko! Haha! :D
Spoiler Alert! Reaction paper here. XD
Binasa ko dati ang chapter 1 ng TMB nung nagsisimula pa lang ‘to. Siguro nasa four chaps pa lang. Ang setting, Makati so naisip ko, siguro nagwowork si author sa Makati, specifically sa SGV. Kaya nga natanong ko yun sa interview question ko sa kanya dati. Haha! Anyway, sa Makati kasi ako nagwowork kaya naman imagine na imagine ko talaga ang setting. Hindi ko lang itinuloy noon ang pagbabasa nito dahil hindi nga ako nagbabasa ng ongoing. Sinimulan ko ulit siyang basahin kaninang 5am at natapos ko rin ng 8:45am. Not bad, halos 4 hours na tuloy tuloy at walang hinto ko siyang binasa.
Ang masasabi ko lang… This is so AMAZING! (Betong? haha!) Pero di nga.. Iba talaga ang isang Blacklily story. No dull moments, walang boring, as in! Walang parte ng storya na naboringan ako. Lahat ng hinahanap ko nandito. Yung revenge, yung chase.. Nandito lahat! At higit sa lahat yung kilig at syempre happy ending! Omayghad! Hahaha! Gusto ko kasi sa isang storya, yung medyo masakit. Haha! Yung galit na galit yung babae tapos sising sisi yung lalaki sa nagawa niyang kasalanan. At OMG lang dahil nandito lahat yun! I’m so enjoying the chase! Haha! Nung nagalit si Mira kay Gab? Ugh! Heaven! Haha! (ang sadista ko. XD) Gusto ko lang kasi yung feeling na medyo nakakaiyak na medyo nakakatunaw ng puso. Hahah! Tapos yung chase! Lalalalala! Heaven talaga! Hahaha! Gustong gusto ko yung nagmamakaawa si Gab. Nung binigyan siya ng 2nd chance pero dahil sa madaldal na si Xiara, ayun, fail ang 2nd chance. And then the chase begins again. Haaaay! Ang saya saya ko talaga. Haha!
Wala na ‘kong mahihiling pa sa storyang ito dahil tulad nga ng nasabi ko, nandito talaga lahat ng hinahanap ko. Thou mas fave ko pa rin ang HKDE. Haha! Iba ang kilig nun. Iba magpakilig si Luke. ^_^ Palagi akong naghahanap ng story na may pagkarevenge. Ang description ko pa nga, yung parang Baka Sakali at End This War ni jonaxx. Pero walang makapag suggest sa akin ng matino. Yun pala dito ko lang matatagpuan. Akala ko kasi romantic comedy lang ito kasi naunang mabasa ito ng kapatid ko at habang nagbabasa siya ay tawa siya ng tawa. Yun pa ang isang nagustuhan ko dahil hindi trying hard ang pagpapatawa. Likas na nakakatawa talaga. Yung hindi mo mapipigilang hindi mapahalakhak dahil sa binabasa mo. Natawa talaga ko nung hinohold up si Mira. Haha! Yung scene na ‘to: "Kuya naman! Mag isip ka nga! Hindi mo naman mapapakinabangan ang mga yun lalo na ang ID ko. Imposibleng mapagkamalan kang ako. Mukha ka kayang ipis!". Napahalakhak talaga ako diyan. Sobrang naiimagine ko kasi yung scene with the holdaper. Ang lakas pa ng loob niya na manghingi ng 100 pesos na pamasahe sa holdaper. Hahaha!
Matapos kong mabasa ito, napag isip isip ko kung bakit gustong gusto ko ang mga story ni author. Kasi lagi palang may touch of revenge at chase. Gusto ko yung part na galit na galit yung babae tapos pinaninindigan talaga niya na hindi pa niya patatawarin yung lalaki. Gusto ko talaga pag hindi api yung babae sa story, yung hindi tatanga tanga at hindi sunod sunuran. Tapos yung lalaki pag hinahabol na niya yung babae, humihingi ng tawad, nagsisisi, lumuluhod. Hahaha! Kinikilig ako lalo. Napapakita kasi kung gaano kamahal ni guy si girl. So ayun nga, lahat ng yun, nasa mga story ni author. At syempre yung kilig factor hindi papahuli. Wala ni katiting na kakornihan, just pure kilig.
And so.. Those were the reasons why I so love Blacklily stories. At kung bakit hindi ko kaagad binasa ito kahit alam ko na nung January pa ito natapos? Kasi baka wala na kong ibang mabasa pa pag binasa ko ‘to. Tataas kasi ang standards ko. Feeling ko, lahat na nanaman ng storya eh panget. Mahirap kasing pantayan. Kaya ayun, yung isang binabasa kong story.. ewan ko na lang. Haha! XD Naisip ko nga, ang cute lang siguro kung ito ang magiging movie. Eh walang sinabi yung mga romcom movies lately eh. Haha! Naku! Kung producer lang ako, gagawin kong isang movie ang HKDE, WDBSA at TMB. Trilogy sila. Yung parang Shake Rattle, 3 stories sa isang movie. Pang movie kasi ang mga story eh. Haha!
To sum this all up. I so love the Villegas clan story. Super awesome! Kung pwede lang pati love story ni Lola Gertrude magkaroon eh. Saka yung love story ni Raziel, sana magkaroon. Naudlot kasi ang love story niya sa Ang Kwento ng Greenminded eh. Haha! XD Sorry mahaba. Haha! Andami ko kasing oras ngayon eh. Hindi ako pumasok sa office, mabasa lang ‘to! Dejok RD ko today. Mag O-OTRD dapat ako, di ko lang tinuloy. Haha! (ang daldal ko.. ano namang paki nyo di ba? haha! XD)
And that’s all folks! ^o^
PS. Author, congratulations sa published book mo. At sa mga future books mo pa na mapupublish. You really deserve it. Pumunta ako nung Gold Rising sa mega at Tamako Sia lang ang kaisa isang libro na dinala ko para mapasign-nan kaso hindi na kita inabutan. Hapon na kasi. Haha! Idol talaga kita! Sa apat na super idol kong author, sa’yo at kay jonaxx na lang ako hindi nakakakuha ng sign. Sana makakuha ako. (kahit hindi ko alam kung pano. haha! XD). Anyway, God bless you more and have a safe delivery! :))
External Link: That Mighty Bond
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p