Seducing Drake Palma
by beeyotch
-062413-
Hello again! It's been a while.. Nitatamad kasi akong gumawa ng reactions sa mga nabasa ko kaya ang tagal bago masundan. Haha! Pero dahil super awesome talaga ng story ni beeyotch, hindi pwedeng hindi ko 'to malagay dito. Haha!
As soon as nakita ko na may green check na ang SDP, dinownload ko na agad. Egzoited much ako dito kasi binabantayan ko talaga 'tong matapos. Ang laki kasi ng bilib ko dun sa FHADGK and GGGB ni author at alam ko na somehow ay connected ang SDP doon. And yes, offline reader ako. Mas feel ko kasi magbasa sa phone. Haha! Anyhow, let's start.. Kainis ang haba ng pasakalye ko! Haha!
Seducing Drake Palma, title pa lang interesting na. Ang landi ng title. Haha! 1st impression sa SDP? Siguro ang bida ay isang malanding babae na patay na patay kay Drake Palma kaya nya i-seseduce ito. Haha! Napakaliteral lang ng interpretation ko. Haha! Pero ito ay isang malaking EKIS dahil swak na swak ang SDP sa humor na category nito and take note wholesome 'to! Super light, fun and kilig lang! Book 3 ang SDP ng For Hire A Damn Good Kisser ni author. Mas ok na basahin mo muna ang FHADGK at GGGB bago ito para malaman mo kung sa'n nagmula ang awesome genes ni Alys. Pero kahit na hindi mo basahin yun, maiintindihan mo pa rin ang SDP kasi kay Alys naman umiikot ang story dito.
A brief synopsis lang. Si Alys Zyril Perez, ang babaeng cute na cute (sabi nya) ngunit di biniyayaan ng katalinuhan, na nagkaron' ng 'Mission Impossible: Seducing Drake Palma' para lang sa secret love na bestfriend nyang si Sheen Mendoza. Together with her BFF na si Aya Pineda, nagkaron sila ng misyon na i-seduce ang isang super cold, weird, hot, genius at popular na si Drake Sebastian Palma. Ganito kasi yun.. Si Kei Chui na girlfriend ni Sheen ay nagkagusto kay Drake at dahil labs ni Alys ang bestfriend nyang si Sheen, kailangan nyang maging boyfriend si Drake para si Kei ay bumalik na kay Sheen. And the story goes on.. Let's go to my reaction. Haha!
SPOILER ALERT! Kung hindi mo pa nababasa ang SDP, wag mo nang ituloy ang pagbabasa nito. Go to the external link at magbasa ka na lang. Haha! XD
Omo! Author! Ba't ang galing mo sa ganito? Torn between two lovers lagi ang peg! Nakakalokaaa! Mas nakakaloka kasi 'torn between two Palmas' ito! Alam mo yung feeling na *to the tune of migraine* 'nalilito.. nahihilo..' Eh sino ba kasi talaga sa dalawang Palma ang end game ni Alys? Si Drake o si Tripp? Yan ang tanong sa utak ko noon nung binabasa ko pa ang SDP. Ang galing lang kasi kahit kay Drake nakatitle ang story, mapapaisip ka pa rin kung sino ba talaga ang makakatuluyan ni Alys. Magaling talaga si author magpaloka ng mga readers. Haha! Siguro kasi nadala na kami sa nangyari sa FHADGK at GGGB. Kaloka ang twist dun at ang SDP hindi nagpapahuli! FYI lang DANDY ako at certified DRALYS ako! Haha! XD
Usapang DraLys muna. Si Drake ang lakas maka abnormal ng personality. Haha! Napakasilent at walang alam sabihin kundi TSS.. Haha! Tunog pancit canton na niluluto lang. Haha! Pero wag ka, pag bumanat, shet lang yung endorphins ko, tumataas sa sobrang kakiligan! Yay! Pero napakaweird nya talaga. Nasabi kasi dun na gusto nya yung may challenge kaya sya nakikipagrelasyon sa taken na. At ibang klase lang ang trip nya dahil soon to be step mom pa nya ang napili nya. Pero kung tutuusin, nauna naman talaga si Drake kay Katrina diba? Parang may pagka gold digger lang talaga ang peg dito ni Katrina sa umpisa. Pero I think, minahal din talaga ni Drake si Katrina at si Katrina? Siguro nadevelop na lang din sya kay Steve dahil sa kabaitan nito.
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p