30 Days of May
by: BlackLily
~052713~
27May13, 11:32am.. exact time nang matapos kong basahin ang storyang ‘to. Ba’t ko nilagay?.. Wala lang.. haha! de joke lang.. kasi isang higaan ko lang sya binasa. Yes higaan, hindi upuan kasi nakahiga ako nung binasa ko. Pagkagising ko kasi sya inumpisahan, as in pagkamulat ng mata ko. Haha! Not sure sa time, 7 or 8 am yata. At ichura ko nang tumayo na ko?.. Maga na mata ko.. haha! Nakakaiyak shet! :’( Ang haba ng intro ko, kainis!.. haha! XD
Ito ay story ni May Ayr Dominguez, ang babaeng hindi naniniwala sa ‘happily ever after’. May happy ending ba ang story nya?.. Secret! basahin nyo na lang. haha! Syempre kasama dito ang love of her life nya na si Cloud Elexier Tan. Shems! ang lakas ng dating ni Cloud! haha! Ok, ayoko magkwento ng story. Purely reactions ko lang ‘to.
As much as I wanted not to discuss details here.. (chos! may ganun?) hindi talaga maiwasan. Ok SPOILER WARNING here.. Kung hindi mo pa nabasa ang story, WAG mo ng ituloy ang pagbabasa. Araso?.. XD
Bago ko pa basahin ‘to, may nabasa lang akong phrase na ‘Wala akong paki sa ending chuva eklavoo etc etc..’ haha! basta something comment about sa ending. Pero hindi ko na tinuloy ang pagbabasa kasi ayoko nga maispoil. Pero somehow, I got a hint na mukang hindi yata happy ang magiging ending nito.
Title: 30 Days of May. Hindi ko naman napansin dati ang title. Basta ang alam ko lang, 31 days meron ang May. Haha! Sa huli mo lang pala maiintindihan ang title. So yeah.. wala lang.. :D
2 weeks yata akong hindi nagbasa. Hindi ko kasi alam kung anong babasahin ko. Usually puro umpisa lang nababasa ko kasi naboboringan ako. Then kanina, pag gising ko, I tried reading this sa phone. Yeah, offline reader ako. Mas naeenjoy ko pag sa phone ako nagbabasa kasi mas feel ko kesa pag nakaharap sa laptop. Mahirap umiyak sa harap ng laptop. Haha! Anyways, yun nga.. Hindi ko na maitigil ang pagbasa. Hindi na ko nakapagbreakfast. haha! Ganun talaga ko pag gusto ko matapos agad ang story. Kaya ayoko ng on going eh. Ayoko kasing nabibitin. Shet ba’t ang daldal ko? Off topic na ‘to! >.<
Ok, going back.. Umpisa pa lang kasi ng story, napakainteresting na. Nung nagkasabay sila ni May and Cloud sa elevator, ramdam na agad yung intense ng story. Sabayan agad ng flashbacks. Nice author! Ang ganda ng transition ng story! Hindi ko maexplain ang feeling. haha!
Yung buhay ni May, ang daming conflicts.. Nakaka ano.. ano.. ano bang term? Ayun, makabagbag damdamin! (haha! lalim..) Seriously, ang sikip sa dibdib. Haha! Sobrang nakakaawa talaga si May. From being a princess tapos nawala sa kanya lahat. Pero si May na talaga ang pinaka selfless na babaeng character na nabasa ko so far. At sobrang nanghihinayang ako para sa happy ending nya. Pero ganun talaga.. 30 Days of May nga eh.. *huk* :’(
Si Cloud naman, tulad nga ng nasabi ko kanina, ang lakas ng dating nya. Parang ideal man ba, lahat kasi nasa kanya na. Siguro ang nega lang sa kanya, masyado yata syang seloso at sabi nga ni May, may pagka judgemental sya. Pero all in all, full package. Take note, ang galing nyang stalker ha!.. Pero nakakainis lang, kung hindi nya pinairal ang pagkajudgemental nya at pagkaseloso, hindi sana sila nagkahiwalay ng four years. Kainis! >.< At sana siguro may happily ever after si May. :( (Ok, ba’t ba ko nakikialam sa plot ni author? As if naman mababago ko yun? haha!)
Anyways, all in all, soooobrang ganda talaga ng story promise! Ibang level na ‘to. haha! Totoo.. Tamako Sia and Tamadao pa lang nababasa ko sa mga story ni author pero nakapila na yung iba nyang story. At dahil dito sa 30 Days of May, prioritize na ang mga stories nya. One of the great/best writers ka talaga! Iba na ang atake ng story mo. Just wow! Wagas ang iyak ko sa bandang dulo. Feel na feel ko lang.. :’( Pinagsama samang emotions.. Panghihinayang kasi ok na ang lahat tapos ganun bigla. Awa, nakaka awa si Cloud, kasi sabi nya hindi na daw sya papayag na magkahiwalay pa sila ulit ni May, yun pala ibang hiwalayan ang mangyayari. :’( Sobarang nakakalungkot lang talaga. *huk* naiiyak nanaman ako shet! :’( Pag mga hiwalayan, iwanan scenes talaga, naiiyak ako. :’( Tapos, sobrang nakakatouch lang yung selfless act na ginawa ni May. Lahat talaga sinakripisyo nya para kay Sky.
Basta most recommended story talaga ‘to. Sa mga minors, disregard the BS part na lang (Sus! As if i-disregard naman nila? Haha!) Maganda kasi talaga yung story kahit wala yung BS part. Actually, ako kasi ang nagdodownload ng stories sa wattpad tapos pinapasa ko lang sa mga kapatid ko. Nung una, tinago ko ‘tong 30 Days of May kasi alam ko SPG ‘to. So binasa ko muna. At shet hindi pwedeng hindi ko maipabasa ang ganito kagandang storya. Kaya ang ginawa ko na lang, tinanggal ko ang BS part at pinalitan ko ng “and the rest was history”.. Hahaha! Para mabasa ng sisters ko. Actually 17 yrs old na yung isa kong sister and yung isa 14. Pero ayoko lang makabasa sila ng BS. haha! Hindi naman kasi ako nakakabasa ng BS nung 17 yrs old ako eh. Haha!
That’s all folks!
Kudos BlackLily! Bow ako sa’yo dito, seriously. Ang galing mo, one of the favorite writers na kita! d^__^b
Click the External Link for the story.
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p