BAKA SAKALI [1&2] (jonaxx)

7.8K 24 1
                                    

BAKA SAKALI [1&2]

by: jonaxx

~080613~

OoohLala! Another awesome story again! Hahay! ^__^ Isa yata ang Baka Sakali sa pinakamabilis kong natapos na basahin (Season 1 and 2). Once na naumpisahan ko na, hindi ko na matigil pa. Kahit super busy ako. Haha! Two days lang yata natapos ko na ‘to. To think na may 9hrs duty pa ako sa work. Haha! Marathon! ^o^

Sinong hindi kikiligin kina Roseanne “Rosie” Aranjuez at  Jacob Antonio Buenaventura? Ilabas nyo at iapapatapon ko sa Bermuda Triangle! Chos!  Haha! :p Anyway, a short description lang para di spoiler. Si Rosie, isang babaeng maganda at mahilig sa mayaman na iniwan ng kanyang boyfriend na si Callix, campus heartthrob at mayaman, nang dahil lang sa hindi sya pumayag na makipag-ano. Nang mawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang na dating mga OFWs sa Canada, no choice sila ng kanyang ate na si Margaret kundi umuwi ng probinsya sa Alegria para manirahan sa BAHAY NI LOLA. Sinong magaakalang sa pagpunta nya dito ay makikilala nya ang isang Jacob Buenaventura na isang perpektong replika ni Adonis?! >///< Isang lalaking may sparkling abs at sparkling sweat, na magpapaiba ng pananaw kay Rosie na hindi importante ang yaman o katayuan sa buhay ng isang tao para lang kanyang mahalin. And the story goes on.. Basahin nyo na lang dahil sobrang ganda talaga ng story.

Warning! Kung hindi mo pa nabasa, click the external link at lumayas ka na sa page na ‘to. Heto na ang mga spoiler. Haha! Hindi ito isang review (review reviewhan pwede pa), ito ay reaction paper. Reaction Paper kasi puro reaction ko lang laman nito. Haha! XD Shoot let’s start! :)

Matagal ko nang nakikita ang story na ‘to na pakalat kalat sa wattpad. (pakalat kalat talaga? LOL!) Di ko pa sya pinapansin dati kasi on going sya. Ayoko kasi mabitin kaya hinintay ko munang matapos. So inimbak ko muna sya sa library ko. Hanggang sa nagkaroon ng season 2, hindi ko pa rin binabasa dahil gusto ko, matapos din muna ang season 2 para tuloy tuloy talaga. At dahil puro Blacklily stories lately ang nababasa ko, gusto ko naman maiba.

Nung umpisa, hindi pa talaga ko nag-eenjoy sa binabasa ko pero alam ko may something sa storya na ‘to at yun ang hinihintay ko. Sa bus ko ‘to inumpisahan at sa 2hrs travel time ko pauwi from work, sa wakas ay narating ko rin ang interesting part ng story. Eto yung nalaman na ni Rosie na hindi lang isang magsasaka si Jacob. Nung nagstart nang ma-fall si Rosie kay Jacob. Pati nung nagstart na rin manligaw si Jacob! Waaaaaah!!!! Hindi ko macontain ang kilig! HAHAHA! >/////<  The best yung part na yun! Start ng SUPER KILIG chapters (para sa’kin) eh yung chapter 22! Yung ‘sumugod sa ulan scene’ >////< Galit galitan si Rosie tapos super suyo si Jacob! Oveer! haha! XD At sa tuwing mananampal si Rosie, yung ‘PAK!’ na tunog, dun palagi may intense na nangyayari. I so love it shet! Haha! :D

Hanggang sa maging sila. Yung scene sa ilog, sa kubo... Pero ang pinakamalupet talaga nung nagalit si Rosie! Andun ulit yung PAK moment. As in yung sampalan. Shete! Super intense ng scene na yun! Sobrang full of emotions. Damang dama ko talaga yung galit ni Rosie! The best! Ang galing mo author! Lahat ng lumabas sa bibig ni Rosie, grabe.. hahay! speechless ako.. “…” Kung iisipin kasi, pano kung ikaw yung nasa kalagayan ni Rosie. Yung thought na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila biglang magiging ganon. Basta! The best ang scene na yun!

Kapag nasa conflict stage na ko ng binabasa ko, hindi ko talaga maiwan. Hindi ko magawang putulin ang pagbabasa dahil alam mo yung stress? Stress ako! Apektado! Haha! At dahil sa narating ko ang conflict stage ng Baka Sakali sa oras na alas dose ng madaling araw, hindi ko talaga sya magawang putulin! Hahay! Paano ko puputulin ang pagbabasa kung ganon na ang mga kaganapan? Hindi ako patutulugin ni Rosie at Jacob sa pag-iisip kaya itinuloy ko na lang ang pagbabasa ko. Take note, may pasok ako kinabukasan at kailangan kong gumising ng 3am. Haha! Siguro kung wala akong pasok, baka hindi na ko natulog at tinapos na talaga ang book 1 sa oras na yun. Nung medyo nagcool down na ang mga eksena, natulog na rin ako sa oras na 1:30am. Bongga! Nagising ako 3:30am.. Haha! 2hrs lang tulog ko. Buti hindi ako nalate.. ^_^

Yun nga, sobrang daming magagandang scenes kahit sa season 2. Pero mas gusto ko yung book 1. All in all, ang ganda ng story! Sana may Jacob talaga sa totoong buhay! Haha! XD Sobrang ideal man lang talaga nya. Nasa kanya na ang lahat. Sobrang swerte ni Rosie!  >.< Although sobrang clingy nya at sobrang seloso. Well, parehas naman sila. Sila na talaga ang bagay.. bagay na bagay! Yan tuloy.. pag naririnig ko ang Chasing Cars ng Snow Patrol, si Jacob naaalala ko. Haha! XD

Reaction sa kabuuan. Hindi ako nabitin sa book 1. Sabi ng iba bitin daw ang book 1. Pero ako hindi ako nabitin sa book 1. Siguro kasi alam ko na may book 2 pa. Kaya sa book 2 ako nabitin. Haha! Pero ayoko na ng book 3. Kasi pag may book 3, may conflict nanaman. Utang na loob, patahimikin na natin si Rosie at Jacob. Happy na eh. Ayos na yun. Siguro special chapter na lang author? Haha! Siguro gusto ko lang mabasa na kinasal na talaga sila. Married life.. ganun.. Special chaps lang para wala nang conflict stage. Haha! XD Gusto ko rin kasi makasiguro na talagang si Rosie at Jacob talaga sa huli. Alam mo yun.. Yung KASAL na sila.. ^__^

Yun lang… Pahabol, curious lang ako, author, bakit naka all caps yung BAHAY NI LOLA sa book 1?.. Haha! Wala.. napansin ko lang.. Haha! Anyway, I really love this story. First story ko na nabasa by jonaxx. Another awesome author discovered. Sa dami kasi ng stories na nabasa ko na, tumataas na yung taste ko. Chos! Haha! Tingin ko lang yun.. -__- You know what I mean.. Basta yun yon! Mahirap nang pantayan pag ganitong story ang huli mong nabasa. Kailangan lumevel. Haha! XD May nabasa nga ko ulit after nito. Wala, di ko nagustuhan eh.. Haha! (secret na lang kung ano yun :p) Anyway, author the best ‘to, two thumbs up, ang galing mo! Ipipila ko na yung iba mong stories sa reading list ko. d^_^b

Nabasa ko na rin pala yung “Nung Narealize Mo Na (ONE SHOT)” Haha! Ibang klase. Kawawa naman si Lyle.. Abnoy kasi si Jerome eh. Kung anu ano pinagsasasabi. Haha! Yan tuloy.. AMP! >.<

And that’s all folks!

PS. Author, may goal kasi ako. Dedic from idols. Sana makakuha ako from you. Haha! 2 pa lang kasi meron ako. From beeyotch and blacklily. Kung pwede lang naman, kung hindi ok lang.. ^__^V

External Link: Baka Sakali (Season 1)

Baka Sakali (Season 2) link:

http://www.wattpad.com/18093553-baka-sakali-season-2#.UgH7dNL-HOc

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon