The 22nd of April (lovelettersofpeach)

2.8K 7 1
                                    

The 22nd of April

by lovelettersofpeach

Finished Reading: July 3, 2014

Reaction paper, pending. Ilalagay ko na lang muna ang prologue since super catchy ng prologue para mahikayat kayong basahin. XD

Prologue

Magkakatuluyan kami.

Wag kayong mag-alala. Sinasabi ko na sa inyo, magkakatuluyan kami.

Napaka-unusual no? Ang ibig kong sabihin, sinong sira ulong author ang magsu-spoil ng sarili niyang kwento?! Ako! Ako lang ang gagawa non dahil hindi ako isang magaling na author! Wahahahaha. Eh pinilit lang naman niya ako magsulat nito eh. Hindi naman ako manunulat, architect ako.

Pero dahil dun siya masaya... At gagawin ko lahat para mapaligaya tong babaeng to... Sige, sinulat ko na.

Eh ano naman kung sinabi kong magkakatuluyan kami? Importante ba talaga ang simula at ending ng bawat kwento? Tingin ko kasi...

Mas importante ang malaman kung paano umabot sa ganong ending.

Isa tong kwento kung paano ko magiging asawa-in-the-future ang isa sa pinakawirdong babae sa mundong to, ang bespren ko at kaaway ko at the same time, si April. Hindi ko nga alam kung bakit April ang pinangalan sa kanya eh April 22 siya pinanganak. Diba usually yung may mga ganong pangalan pinanganak ng April 1 o April 2?! Halos magiging May na nga siya eh.

Dapat pala Epilogue to no? Eto kasi yung huli kong sinulat eh. Pero mas feel ko siya maging prologue, para masaya at kakaiba-kasing kakaiba kung paano kami naging kami.

External Link: The 22nd of April

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon