Home Sweet Home
by ShuperShimmer
Finished reading: April 19, 2014
Again, ang tagal ko na siyang natapos basahin. Pero medyo naaalala ko pa ang story kaya mabibigyan ko pa ng super short synopsis. Mayaman si James, may ari ng restaurant. Then si Jennifer, waitress sa restaurant na iyon. Gustong ipa-arrange marriage si guy ng kanyang lola sa isang babae pero ayaw ni guy kaya kinontrata niya si Jennifer na magpanggap bilang asawa niya. Tumira sila sa isang bahay at nagpanggap na magasawa. And the story goes on.
A very short reaction:
Laugh trip ang storyang ‘to, promise! Hahaha! Basta, nakakatawa talaga siya. Kahit serious yung scene, laging umeextra ang comedy part. Pinaka bentang scene sa’kin:
The ‘taeng naligaw sa matres’ scene:
James: "By the way... you dont have to worry about the pregnacy thingy.."
Jennifer: "Ano? Di ko magets!"
James: "Nakausap ko na si Lola. Sabi ko sa kanya.. false alarm lang yung fetus sa tiyan mo. I bet she's sad."
Jennifer: "Hah? Nasabi mo yung ng ganun kadali?! Paano mo siya napaniwalang wala talagang baby?"
James: "Well. i just said na nagkamali yung doctor. Sinabi ko rin na naduling lang yung OB sa paguultrasound sayo.. Akala niya fetus, yun pala tae lang na naligaw sa matres."
Jennifer: "Anooooo?!!! Bakit naman ganun pa yung rason mo?! Di mo man lang ako binigyan ng kahihiyan! Nakakainis ka naman eh! TAE?! Ugh!"
James: "Hahahahahaha!!!!"
AVAILABLE NA ANG HOME SWEET HOME SA LAHAT NG BOOK STORES FOR ONLY 119.75 PESOS!
BINABASA MO ANG
Stories Worth Reading
RandomReview reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpasaya, nagpaloka, nagpastress at naging dahilan ng eyebags ko.. haha! :p