Gakuwesaribig / Gakuwesaribigin (lovelettersofpeach)

3K 12 11
                                    

Gakuwesaribig / Gakuwesaribigin

by lovelettersofpeach (peachxvision)

~071512~

Anak ng pesteng halimaw naman oh! – Reaction ko sa ending. Warning agad dahil puno ng spoiler.. spoiler.. spoiler.. SPOILER ALERT!

Ilang story na ba nabasa ko sa story ni peach bago to? Dalawa pa lang yata? 548 Heartbeats at 22nd of April. Parehong story na yun, light lang at may happy ending. Masyado akong stress these days at ang gusto ko lang ay magbasa ng isang storya kung saan kikiligin ako nang bongga para mabawasan naman ang stress ko. Pero anak ng halimaw na tipaklong naman dahil laging nachechempong hindi maganda ang ending ng mga storyang nababasa ko. Bago ito, may nabasa din ako.. at oo, sad ending din. Didn’t expect pa kasi wala akong hint. Tapos ito.. uggh!

Sorry kung mukhang rant yung umpisa pero hindi.. Stories Worth Reading nga ang title di ba? Hahaha! Ok, hindi ko kayang magbigay ng synopsis. Overflowing yung nararamdaman ko. Plain reaction lang ito. Time check: 12:37am na. Itinaga ko kasi sa bato na tatapusin ko sa isang basahan lang ito.

Gakuwesaribig, sa book 1 muna. Dahil nga nung nabasa ko yung 22nd of April, nasabi ko sa sarili ko na light lang yung mga stories ni Peach. Saktuhang kilig at romance.. ganun. Yun lang yung hanap ko ngayon. Yung maiikli lang pero kikiligin ka saka maganda yung conversations. Sobrang natutuwa kasi ako sa pagkakasulat ng convo ng characters. Napaka natural kasi. Parang yung usual lang talaga na conversation ng mga tao. Pati characters, realistic. Hindi sila yung sobrang ganda, sobrang gwapo, sobrang yaman, sobrang talented at lahat na ng sobra at kaperpektuhan sa mundo at usual na katangian ng mga wattpad charcters. Sabi nga sa description ni Anna sa sarili niya, ‘katamtamang panget lang’. Pero feeling ko maganda talaga siya. Wala lang bilib sa sarili. Tapos si Mark slash Yuan, gusto ko yung mga comments sa kanya ng mga kaibigan ni Anna. Nung napapansin na nila na parang gumagwapo na siya? Hahaha! Medyo nakakakilig imaginine. Hahah.

So yun nga, akala ko light lang.. akala ko kilig kiligan lang.. akala ko patweetums lang.. akala ko.. akala ko.. akala ko lang pala ‘yun. Dahil isa yata ito sa pinaka mabigat, nerve wrecking, head banging, tear jerking story. Hahaha!  Charot lang yung nerve wrecking at head banging pero pwede rin gawing totoo dahil gusto kong iuntog yung ulo ko sa sakit after kong mabasa yung ending. Nasa last few chapters yung BANG ng story. Ang sakit sa ulo (totoo), at mas lalong masakit sa puso. Tuloy tuloy ko kasi siyang binasa. Sobrang light ng umpisa. Yung tipong enjoy lang ako sa pagbabasa ng convo dahil naaliw talaga ko basahin ang mga storyang may magandang conversation ng characters. Yung parang ang conflict lang sa una ay kung magkakagustuhan ba sila sa isa’t isa gayong may gusto silang iba. Pero ayun nga, naging si Yuan at Anna. Nandun na ko sa puntong kinikilig na ko ng konti. Kasi sa dami ng nabasa ko, ewan ko, these past few days, ang hirap na talagang kiligin. Hindi ko alam kung hindi lang talaga nakakakilig yung nababasa ko o talagang tumataas na yung level ng kilig meter ko to the point na mahirap na kong pakiligin. Hahah! May point dun sa moment nila ni Yuan at Ana na.. ayan na.. medyo nararamdaman ko na yung kilig.. konting push pa. Gusto ko yung mangingisay ako at gugulong sa kilig. Pero hindi napunta doon. Dahil cry me a river ang naging peg ko.

Ang hirap.. siguro 2nd story ito na hindi ko inexpect na ganun ang magiging ending. Halos lahat kasi ng story na nabasa ko na merong sad endings, may hint na at may chismis na, na sad nga ang ending. Usually kasi may sakit yung character tapos mamamatay. At least yun, napaghandaan ko na sad talaga ang ending. Pero yung ganito? Uggh! Grabe, mas masakit! Feeling ko, ako si Anna na biglang iniwan. Sobrang nakakaiyak. Sumakit yung ulo ko kakaiyak kaninang umaga. Parang gusto kong pumasok sa storya tapos maging killer. Papatayin ko na lang si Anna para magkasama na lang sila ni Yuan. Ayoko ng malungkot. Ayoko talaga ng malungkot. Ayoko ng may naiiwan. Hahah! Ang drama ko, grabe pero nakakaiyak talaga! Yung ending akala ko talaga si Kenli yung guy.. medyo kinilig pa ko kasi parang may something din sila ni Kenli. Nasabi ko pa na baka sila talaga yung destined. Pero mali na naman pala ako!

Gakuwesaribigin. Binasa ko agad yung book 2 dahil hindi talaga ako matatahimik na walang happy ending si Anna. At nagulat ako na POV ni Ulysses ang kwento so obviously, on a readers point of view, siya na agad ang naisip kong magiging end game ni Anna. Totoo nga, siya nga ang naging partner ni Anna. Ang dami ko pa ring iniyak sa book 2. Actually, mas marami pa yata akong iniyak sa book 2. Hanggang kalahati yata ng storya puro pagluluksa at dalamhati ni Anna yung laman. Hanggang sa mag one year death anniv na si Yuan. Sa sentiments naman ako ni Ulysses naiiyak. Hahaha! Ang dami dami talagang pwedeng iyakan sa storyang to. Pero dumating yung point na puro kilig na lang. Happy happy na. Happy na si Anna, happy na si Ulysses. Kilig na kilig pa ko nung nag kiss sila sa kwarto ni Yuan. Pinaulit ulit ko pang basahin dahil ang ganda ganda nung convo. As in nandun na ko sa rurok ng kilig. Then biglang ayun na naman. 2nd to the last chapter. ASDFGHJKL! Shutang inerns! Bakit ganun? Akala ko ok na.. akala ko happy na.. akala ko matutulog akong may ngiti sa labi at kilig. Pero shet na malagket, hindi pala! Wala ngang namatay pero namatay naman ang puso ko para kay Ulysses. F! Nakakainis. Hindi ko mawarian yung personality ni Anna. Pero oo nga, reality based eh. So let it be. Hanggang dumating sa last chapter. Ayun ulit yung luha ko, present na naman. Medyo ok ok naman yung ending dahil realistic nga tapos parang ang dating eh sila pa rin sa huli. Nung sinabi ni Ulysses yung "Paano kung sinabi sayo ng lalaking minahal mo na mahal ka parin niya?" Ayun, naiyak na naman ako. Medyo ok naman yung ending. Hindi malungkot pero hindi rin naman sobrang saya. Nandun lang kasi yung possibility na maging sila pa rin sa huli.

Haaaay! Pwede bang akin na lang si Ulysses? Hindi ko siya sasaktan, promise! Hahahah! Nakakaiyak! Sobrang mahal niya si Anna. Kasi naman tong si Anna.. hay! Ayoko na nga. Gusto ko lang talagang i-commend si author for making this kind of story. Kakaiba kasi. Not the usual conflicts, not the usual twists and turns. Malala to eh, sakit sa heart, sa ulo at sa lalamunan. Kaiba ka, kakaiba ang atake nito. Hindi ko ito paborito, at never kong magiging paborito ito. Hahah! Honestly, ayoko talaga kasi ng sad endings. Sabi ko nga, fiction na nga, bakit gagawin pang sad? Pwede bang escape from reality naman at puro happy na lang? Alam ko naman na imposible yun. Hahah! Kaya nga may genre na tragic di ba? Wag nyo kong pansinin please. Hahah! Pero I highly recommend na basahin ito dahil sa mismong storya. Maganda ang storya, maganda ang pagkakasulat, matalino ang pagkakasulat at hindi basta basta. Ibang level na naman ito ng writing. Hindi pampipichugi. Isa ito sa may mga ibubuga. Pero yun nga, ayoko lang talaga ng ending, although medyo tanggap ko naman yung ending sa book 2. Hahaha! Ang gulo ko ba? Basta, yun na yon. kung hindi mo pa nabasa, basahin mo na dahil worth reading talaga ito.

And that’s all, folks!

External Link: Gakuwesaribig

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon