Halikan Kita Dyan Eh! (BlackLily)

7.5K 21 4
                                    

Halikan Kita Dyan Eh!

by BlackLily

 

~073013~

Yes! Another BlackLily story again! ‘Stories Worth Reading’ nga di’ba? At pag sinabi kong worth reading, worth reading talaga! Kaya ikaw, kung hindi mo pa nababasa ang storyang ‘to, pwede ka nang lumayas sa page na ‘to at i-click ang external link to proceed to the story. ‘Time is gold’ kaya ‘wag mo nang sayangin ang oras mo sa pagbabasa ng walang kwenta ‘kong reaction paper. Haha! XD

I know nagiging suki na talaga si author sa list ko. Eh anong magagawa ko, trip na trip ko talaga mga works nya. At sa puntong ito, malapit na syang maging number 1 sa pinakafavorite kong author. Haha! Pwede na silang mag tie ni Shirlengtearjerky. Hahaha! May ganun talaga? Wag nyo na lang akong pansinin, baliw ako. Haha! Nakakabaliw sa ganda ang mga stories nila. Itong HKDE masasabi kong mas improved, mas lumelevel up na talaga si author. Paganda na talaga ng paganda yung mga sinusulat niya. Una ko kasing nabasa ang Tamako at Tamadao pero naamaze talaga ko dun sa 30 Days of May. Simula yata nun, puro Blacklily stories na binabasa ko. Anyway, ang haba talaga ng intro ko.. At sinadya ko yan. Haha! XD Namiss kong gumawa nito. :)

Cliché? Ang HKDE cliché? Kung babasahin mo ang umpisa, lahat ng benta sa mga cliché stories nandito. Arriange marriage, campus nerd meets campus hottie, rich kids at friends turned lovers. Kulang na nga lang eh ang maging gangster si Lucas to complete the list. Pero ‘wag ka, dahil nga ito ay isang Blacklily story, hindi pwedeng maging ordinary love story ang kwento ni Lucas at Rayne. Talaga ngang nasa author kung paano nya paiikutin ang isang storya. At kung nabasa mo na ang storyang ‘to, hindi mo sasabihing cliché ang storyng ‘to.

What makes it different is nagumpisa sa flashback ang lahat. Gusto ko yung naging transition ng story. Parang pelikula lang. Kaya yung cliché thingy eh natabunan talaga. Syempre hindi ako magkukwento ng detailed.

Sa umpisa pa lang, alam ko na na anak ni Tamako at Krizza ang bida dito. Sa tag line pa lang nya na ‘I'm Ara Lorraine "Rayne" Yen Sia. Mayaman’, alam na alam ko na talagang sya yun. Pero nang makita ko na ang pangalan ng partner nya na si Luke Jopierre Zamora Cariño. Naisip ko agad, ‘woah! anak ni Oca?! Haha!’ So yeah, wala lang, nasabi ko lang ang reaction ko. Haha! :p

Si Rayne, nerd nung una, genius na may IQ na 169 at higit sa lahat mayaman ay ang maswerteng babaeng nagkaroon ng isang Lucas sa buhay nya na isang mayaman at drop dead gorgeous na namana nya sa tatay nya. Pwede na syang kanatahan ng ‘Nasa’yo na ang lahat’ Haha! Eeew! (ayoko yung kanta.. haha! >///<) Paanong ang isang genius at valedictorian nung highschool na tulad ni Rayne eh babagsak sa college dahil lang sa naging sila ni Lucas? Pero hindi dahil sa bopols sya kundi dahil nga genius sya! Ha? Labo! Gan’to kasi yun.. Sa sobrang bored nya at alam na nya lahat ang tinuturo, hindi na lang nya sinasagutan ang mga exams nya kasi naisip nya na wala namang sense kung sasagutan nya ang mga yun dahil sobrang dali nga para sa kanya. At dahil dun, bumagsak nga sya. Hindi naman alam ng lahat na genius sya kaya inakala nilang nang dahil kay Lucas kaya napapabayaan na ang pag-aaral nya. At syempre, hindi na ko magkukwento. Basahin mo na lang para mas masaya.

Ito ang storyang pag inumpisahan mong basahin, hindi mo na gugustuhing tumigil pa dahil mabibitin ka lang. Kaya ako, isang umupuan ko lang ‘to tinapos. Wala nang kain kain! Haha! Jok lang! Wala lang breakfast, lunch na agad tapos habang nagbabasa pa rin sa phone. ^____^ Ang saya! Umpisa pa lang naexicte na ko sa sa flow ng story eh. Ang cute cute talaga! Lalo na dun sa scene na nasa canteen sila ni Luke nung highschool pa lang sila. Yung susubuan si Rayne ni Luke gamit yung fork na ginamit nya. Haha! Yung blackmail ni Luke! cute cuuuute! Nikikilig talaga ko tuwing sasabihin ni Luke yung tag line nyang ‘Halikan kita dyan eh!’ Amp! Kilig to the pancreas! >/////< Basta ang daming scenes na sobrang natutuwa talaga ko. Ang masasabi ko lang talaga, the best ang mga story ni author. Pwede na silang i-publish lahat. Yung mga ganito talaga dapat yung pinupublish eh. Full of emotions ang POVs. Feel na feel ko lang talaga.

And that’s all folks! ^__^

PS. Pinakafavorite kong character si Lucas sa lahat ng stories ni author! Weeeeeee!!!! Nikikilig ako sa kanya! HAHAHA! ^o^

Click External Link for the story

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon